"Treasure Hunting"

206 12 0
                                    


"Treasure  Hunting"

Ako si kirino. Naglalayag kasama ng aking barko. Sinusuong ang bawat hampas ng mga alon. Sinusuyod ang lahat ng isla sa daigdig. Naghahanap ng di ko malaman kung ano. Hinahanap ang bagay na walang kasiguraduhan. Bagay na maaaring di totoo pero ginugol ko ng buhay ko mahanap lang ito. At hindi ako titigil hanggat hindi ko ito natatagpuan.

" san.. sandali!!"

Nakita ko ang anino na.. palayo.. habamg akoy di makaalis sa aking pwesto.

"tulungan mo ko...."

Teka... bat.. hindi ako ito. Sino.. nasaan ako??

" bagay lang iyan sayo... para di ka na makasira pa. Sinumpang tao..."

" teka... ayoko dito..."

Nagising ako mula sa aking panaghinip na paulit ulit nalang.

Napahilamos ako ng mukha ko...

"sino ka ba? At... saang isla o kweba naman kita hahanapin??"

Nagulat ako ng may bumunggo sa barko ko. Hala nasan na ko?? Pampang na ito ah.

Bumaba  ako at dala ang aking gamit.

" saang lugar naman ito?"

Puro.. lumang estatwa... te..teka?? Atlantis ba ito??

Pinagmasdan ko.. atlantis nga.. pano.. naman ako napunta dito?? Saka.. diba lumubog na ito?? Panong...

May papel na lumipad sa aking taas. Sinubukan ko itong kunin ngunit dinala lang ako nito sa tapat ng isang rebulo... ang lungkot ng rebulto.. kahit bato lang ito.. dama ko.... ang kanyang pighati.. napahawak ako dito... at... napangiti ng mapait ng biglang bumukas ang tagong lagusan.

Tinahak ko ito ng walang alinlangan... parang may sariling buhay ang paa kot hinihila ako papunta sa loob. Ngayon tumatakbo na ako...  at.. nakita ko... napahinto ako sa nakita ko.. nagtaasan ang balahibo ko.... isang tao ang nakakadena... kamay nakakadena... at... nanghihina sya...

"may.. tao ba riyan??"

Sabi nya.. at... nakatingin sakin.

"may tao ba riyan??" Sigaw niyang muli habang lumilinga linga kung saan.

"di mo.. ko nakikita?"

"S-sino ka? Tulungan mo ko.. pakiusap.." napaluha siya at napakagat labi nalamang ako ng magmakaawa sya at sabihing..  " tulungan mo ko."

"ok na ang lahat... nandito na ko... ligtas ka na..." niyakap ko sya at nilapitan. Bakas ang pagod at hirap na dinanas nya sa loob ng madilim at maduming lugar na ito.

At sa paghahanap ko ng kayamanan.
Ang nahanap koy di matutumbasan ng kahit anong dyamante.
Ang taong minsan ng naranasan ang mapait na katotohanan ng buhay...
mula ngayon.. di na kita iiwan.
Aalagaan kita.. gaya ng pangako ko sayo.. ng minsan tayong magtagpo sa panaghinip... ng di inaasahan.

*years later*

IEGO  Stories by NeechanWhere stories live. Discover now