It's a Happy Memory

95 1 1
                                    

It's  a Happy Memory

Ngayon, ang araw na... nagkakita tayo. Shindou.  Tanda mo pa ba? Nung nagpakilala ka sa harapan ng buong klase? Habang ang mga mata mo ay kumikinang na parang taglay ang sinag ng buwan?

"Hello, ako nga pala si shindou"

Sambit mo habang nagpapakilala sa akin.

Shindou....

Pangalan na hinding hindi ko malilimutan.

"A-akane, ako nga pala si akane yamana! Nice to meet you!"

Napahawak ako sa aking pisngi ng mga oras na yun. Grabe... sobrang pula siguro ng pisngi ko dahil kinausap mo ako. Akala ko ma weiweirdan ka pero..  sinagot mo lang ako ng nawiwiling tawa. Ang tawa na yun, hanggang ngayon rinig ko pa. Nakakatuwang isipin na... ang pagtawa mo na iyon ay ako ang dahilan.

"Gusto mo si shindo!!" Nagulat ako nung sumigaw si midori nung isang beses na nakwento ko sa kanya na gusto kita. Mabuti nalang nasa malayo ka at imposibleng marinig mo yun.

Akala ko matatago ko ang nararamdaman ko para sayo. Sino ba naman ako para magustuhan mo? Pero.. hindi ko unaasahan na ang nararamdaman kong ito.... labis at tila ba hindi na mapigilan.

"Gods batton!"

Ang astig mo shindou. Napaka husay mo. May.... tyansa ba na... magustuhan mo rin ako?

"Shindou mahal...."

Sambit ko ngaykn habang tinitignan ang larawan mo.

"Akane... hanggang ngayon tinitignan mo parin yan. Nandito naman ako bakit hindi nalang ako ang tignan mo?"

Nawala ang ngiti ko sa labi.

"Bakit?"

"Sinira mo"

"Huh?"

"Sinira mo...."

"Ang alin?"

"Sinira mo ang pag iisip ko... shindou baka!"

"Ehh?!"

"Akala ko talaga dati hindi tayo magkakatuluyan eh...." napahawak ako sa mukha ko habang pulang pula. At heto..  lumapit ka sakin at ibinigay mo ang tawa mo na syang dahilan kung bakit mas lalo pa akong nahulog sayo.

"Ang kyut mo talaga akane..."

@neechan

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 16, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

IEGO  Stories by NeechanWhere stories live. Discover now