Faded

57 4 0
                                    

I had a dream... kaso.. malabo eh... ang tanging naaalala ko lang.. ay may isang..  tao na gumagaya sa akin..

"So weird..." napailing ako.

Napansin iyon ni kuya kaya heto nagtanong na naman sya.

"Im fine.. kaso parang may panaginip ako... na.. di ko maintindihan." Kumunot and noo ko.

"Yun na naman ba yung panaginip na nalilimutan mo?" Tanong nya. Tumango ako bilang sagot.

Habang hawak nya ang kanyang kutsara tinignan nya ako.

"Alam mo.. there is a posibility na ang napapanaginipan natin ay ang mga nangyari sa past life natin. And sometimes.. pwedeng magtagpo sa panaginip ang dalawang tao.. and mostly memories na di mo na matandaan" Saad nya na nagpataas ng balahibo ko.

"Kuya naman~"

"Luh, totoo nga.. pero that's not sure tho.." tumingin ako sa iniinom kong kape..

Kung totoo nga yun.. sino kaya sya? Hindi ko alam pero may galak sa puso ko ng isipin ko yun.

Ilang taon na rin kaming nasa korea ni kuya. Dahil sa hindi inaasahang bagay umuwi kami dito at umalis mula sa japan--

Teka... natigilan ako bigla. Parang may naalala ako...

Umakyat ako ng kwarto ko at chineck ang mga nakatago sa box. Hindi ko alam pero may nagsasabi sa isip ko na may kailangan akong hanapin.

Bigla kong naalala ang nasa panaginip ko. Yung makulit na babae na lagi akong kinakausap at...

Binuksan ko ang maliit na box at may nakitang mga bagay na.. sa pagkakatanda ko ay nasa panaginip ko rin..

"Kyousuke anong ginagawa mo?" Nagtatakang sabi ni kuya sa akin.

Hindi ko sya pinakinggan..

'Eto naman para sayo.. kyousuke-kun~'
'Chara!'
'Ehh nigagaya mo ko'
'I~ love~ you.'

At ng buklatin ko ang maliit na libro.. napakaraming litrato ang nakita ko..

Litrato ko kasama si..

"Kinako..." napakagat labi ako..

Tinignan ko si kuya. Naluluha sya...

"naalala mo pa rin sya...'' sambit sya na may mapait na ngiti.

Gusto kong itanong kung nasaan na sya.. pero.. ng makita ko ang huling litrato sa libro.. at ang mga katagang nakasulat..

'Kyousuke mahal ko... kalimutan mo na ako'

Mainit na luha ang bumagsak sa litrato...

"Kinako.. hindi ko parin kaya... na limutin ka..."

IEGO  Stories by NeechanWhere stories live. Discover now