"Ghost-to kita"
-TakuranStory Created by neechan por u owo💕
Shindou POV
Sabi nila, may multo daw dito sa school. Hindi ko naman pinansin kasi baka haka haka lang yun. Hanggang sa...
Isang araw... habang naka upo ako sa bench. May malamig na hangin na pumalibot sa paligid. Parang kung anong ulap ang pumalibot sa paligid ko.
Nanlabo ang aking paningin kaya ginusot ko ang aking mata.
Biglang nagtaasan ang balahibo ko na parang may kung anong humawi ng aking buhok. At paglingon ko. Isang pares ng pulang mata ang sumalubong sa akin. Kasabay ng pagngisi nya na nakakaloko.
"Boo"
Akala nya siguro sisigaw ako pero nantili akong naka upo.
"Awooo" itinulak ko ang mukha nya gamit ang aking kamay.
"Di mo ko matatakot"
Nagkakita pa kami ng ilang beses pero ni minsan hindi nya ko natakot. Nauuwi lang sa pag uusap ang lahat.
"So un ang dahilan bakit ka naging multo?" Tumango sya. Kahit mas matangkad sya sakin dahil mas matanda sya at bata ako. Lumuhod ako sa upuan at niyakap ko sya.
"Kirino.. ok lang yan" sandali syang natahimik.
"Ilang ulit ko bang sasabihin. Ate kirino. Mas matanda ako sayo"
Umiwas ako ng tingin.
"Kirino"
Ginulo nya ang buhok ko.
"Hay bata ka..."
Masaya ako kahit wala akong kaibigan. Kasi.. kasama ko sya. Hanggang sa..ma lock ako sa classroom at sinamahan nya ako.
"Gusto mo buksan ko?" Tanong nya.
"Pano? Sisirain mo yan?" Umarko ang kanyang kilay.
"Ang sama mo talaga sakin" sabi nya.
Natawa ako at naupo sa may upuan ko.
"Matulog ka na. Babantayan kita"
At natulog ako habang haplos nya ang aking buhok. Masaya ako. Dahil ngayon lang ako nakaramdam ng gantong saya. Siguro nga gusto ko na talaga sya. Bukas.. aaminin ko na. Pero ng magising ako. Wala na sya.
Kirino POV
Yung bata talaga na yun walang galang. Aalis nalang ng walang paalam?
Lumabas ako ng classroom. Teka. Bakit nagbago ang mga kagamitan. Saka..
Bakit ganto?
Pumunta ako sa bench na madalas naming tambayan. Nakakamiss din ang batang yun. Kahit wala syang galang...
Kakaiba parin ang araw na wala sya. Isanv bata ang tumatakbo palapit sa akin. At nahinto. Bigla syang sumigaw.
"Ahh multo!"
Tinakpan ko ang aking nakakatakot namukha.
"Eh?"
Shindou POV
"Ano? Sigurado ka ba sa nakita mo?" Tanong ko sa aking estudyante.
"Opo sir may.. multo po!"
Nagpasama ako kung saan nya sinabi.
At tamanga. Ang multo na sinasabi nya ay si kirino.
Agad ko syang niyakap.
"Wow ang galing nyo sir! Nahuli nyo ang multo!"
At pina alis ko na ang bata.
"S-sino ka?" Natawa ako sa tanong nya.
" ako to. Si shindou"
Kirino POV
Ah eh ahh???
"Ang bata na yun? Ikaw? Baka kuya ka nya"
Nanlaki ang mata ko ng ngumisi sya na nagpa alala sa akin ng lagi nyang ginagawa.
"Pero.."
"10 taon kang nawala" huh?
"10 taon?" Ang bata na sya 10 taong.. nabuhay na walang kaibigan?
"Wag mo na ko iiwan ah" Ngumiti sya
"Bakit?" Bigla nyang hinila ang bewang ko. Inalis ng bahagya ang mask sa aking mukha.
"Dahil gusto kita. Ayaw ko ng mabuhay ng wala ka. Hindi na kita papakawalan pa. Kirino "
"Shindou.." ngumiti sya ng pikit mata. Habang ako natulala. Totoo ba ito?
"Gusto ko yan.."
~the end
Owo suri po if di maganda owo
![](https://img.wattpad.com/cover/194546398-288-k925393.jpg)
YOU ARE READING
IEGO Stories by Neechan
Proză scurtă♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥ This story is all about inazuma eleven go fanfictions. Shippings.. stories.. sweet.. couple.. sad.. shot stories all about inazuma characters ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥ Taglish po ito. Some are tagalog and some are English mostly.. tagalog.. sal...