I love this Kidnapper

318 15 0
                                    

Kirino POV

*Tunog ng pintuang nagsara*

Sa madilim na lugar na ito ako nagkaroon ng malay.  Itinali ako ng kung sino peo hindi naman ako nilagyan ng piring sa bata. Wala akong maaninag pero ng subukan kong igalaw ang aking mga kamay at paa.. naramdaman kong magkadikit ang aking kamay na pawang nasa likuran ko. Ang mga binti ko ay nakatikom at nakatali sa paanan ng upuan. Hindi ko alam kung bakit at paano ako napunta dito. Isa lang ang sigurado  ako..

May kung sinong tao ang nasa likuran nito.

*door opening *

Nanaig ang katahimikan sa paligid. Hanggang sa... biglang nagbukas ang pinto kasabay ng pagpasok ng liwanag sa lugar na pinaroroonan ko.

Napapikit ako dahil sa biglang pagliwanag. Hindi nakatakip ang aking bibig pero hindi ako nagtanong o nagsalita. Dahil alam kong hindi rin naman nya ito sasagutin.

"Kamusta ang mahal na prinsesa? Natakot ba sya?"

Sambit ng tinig matapos nyang buksan ang ilaw. Tumambad sa akin ang isang lalaki. Matangkad. Maayos ang pangangatawan. Maayos ang pananamit. Malinis ang mukha. Kulay bluegreen ang buhok. Pero may nakakatakot na ngisi sa kabila ng cold nyang mukha.

Nanatili akong tahimik

"Bakit hindi ka makasalita? Napipi ka na ba sa takot?"

Napatawa ko ng mahina. Ako? Matatakot?

"O baka.. ayaw mong magsalita dahil pangit ang boses mo?"

Yan ang bagay na hindi ko papalampasin. Sa tanang buhay ko sya ang kaunaunahang taong minaliit ang boses ko.

"Nagpapatawa ka ba?"

Napangisi sya at humablot ng upuan. Hinarap sa kanya at umupo habang nakapatong ang kamay sa sandalan.

"Nagsalita ka rin."

Nanatili akong tahimik. Itinapat nya saking pisngi ang isang kutsilyo.

"Ang ganda naman ng balat mo"

Napapikit ako. Ang balat ko... magkasugat lang ako makailang sermon na ang inabot ko sa aking ina.

"Kung.. sugatan ko kaya?"

At naramdaman ko ang hapdi sa aking pingi. Napalunok kasabay ng pagpikit.

"Parang kulang.. dagdagan natin?"

At pinadaan nya ang dulo ng kutsilyo sa balat ko sa ikalawang pagkakataon.

"Bakit parang ok ang sayo?" Naiinis nitong sambit.

"Alam mo. Ok lang. Dahil dati pa man.. gusto ko ng sugatan ang aking balat na matigil na ang pantasya ng aking pamilya."

Inikot nya ang kutsilyo na parang di natuwa sa sinabi ko. Kinalagan nya ako at sinara ang pinto matapos lumabas.

Akala ko maduming lugar ang pinaglagyan nya sa akin pero isa itong kwarto. Malinis naman.

*kinabukasan*

"Kumain ka" sambit nya.

"Ayoko" at hindi niya ako kinulit pa. Bagay na ikinatuwa ko.  Kung nasa bahay ako.. pipilitin nila akong kumain.

*kinagabihan*

"Hindi mo kinain ang pagkain mo!" Sigaw nya habang hawak ang dalawa kong pisngi gamit ang isang kamay. Hindi ako nagsalita.  Lumabas sya ng padabog.

*kinaumagahan*

"Kung ayaw mong kumain maligo ka" sambit nya kasabay ng paghagis sa akin ng tuwalya at damit kasabay ng pagsara ng pinto.

Dahil sa katamaran.. o kahinaan ng katawan di ko nagawang tumayo.

"Ang saya pala ng buhay na walang sinusunod... nagagawa ang mga gusto.. walang pinangangalagaang katawan.. walang naninita.."

At inilublob ko ang aking mukha sa unan.

Tumagal ang mga araw. Nanatili akong ganoon pero kumakain rin pag nagutom na. Naliligo ng mabilsan. Hindi nag eehersisyo. Walang lesson na dapat aralin. Walang sumesermon..

"Teka lang.." sambit ko isang bese ng dalhan nya ako ng pagkain. Huminto sya.

"Bakit?"

"Bakit mo ako kinuha?" Hindi sya sumagot.

Ng isasara  na niya ang pinto sumigaw ako.

"Salamat!"

Nagpatuloy ang gantong pamumuhay. Kinidnap nya ako pero.. hindi nya ako pinahirapan pa. Maliban nalang kung daratinh syang lasing at dadagdagan ang sugat sa aking balat. Hindi nya ko pinapakielaman. Binibigyan ng pagkain na kahit anong oras ko kainin ok lang. Hanggang sa isang beses na dalhan nya ko ng pagkain puno sya ng pasa at sugat.

"Anong nagyari?"hindi sya umimik.

"Saglit ikukuha kita ng gamot" umupo sya ng walang imik. Hanggang sa nagsituluan ang luha nya habang nilalagyan ko ng gamot ang sugat nya sa pisngi.

"Bakit..." at hindi ko namalayan. Yakap ko na pala sya at inaalo.

Naging mabuti ang pakikitungo nya. Nagkakausap na rin kami. At.. mas mahulog ang loob ko sa kanya.

Lumipas ang araw. Mas dumalang ang pagbisita nya. Hanggang sa... isang linggo na syang hindi nagpapakita. Pero nabuhay ako dahil sa mga pagkaing naimbak nya sa kwarto.

Sinubukan kong buksan ang pinto. Laking gulat ko ng magbukas ito.

At tumambad sa akin ang mga damit na nakasampay. Ng hawiin ko ito. Lumabas ako sa isang aparador. Teka..

Gulo gulo ang paligid. Para itong kwarto ng lalaki-- kwarto nya. Ng tahakin ko ang labas.. gulo gulo rin ang mga gamit sa kusina at maging sa sala. Ng tahakin ko ang sa may garahe.. napakagat ako ng labi. Nakaupo sya sa upuang pinagtalian nya sakin. Puno ng sugat at galos. May nakatarak ding kutsilyo sa kanyang hita. At kinuryente din sya. Napaluhod ako... hindi ko sya mahawakan dahil nanghihina ako.  May nakasulat sa dingding likuran nya.

Pangalan ko at mga ginagawa ko maging ang mapa ng bahay namin.

"Ah- kir*cough*" nagsalita sya. Tinawag ba nya ang pangalan ko?

Nagsituluan ang luha ko. Hanggang sa tumingin sya sakin.

"Patawad.. maya ka na..." umiling ako at hinaplos ang pisngi nya matapos hawiin ang kulay abo nyang buhok.

"Hindi hindi... no.. kariya...."

Sinubukan nyang ngumisi gaya ng lagi nyang ginagawa.

Hanggang sa marinig ko ang tunog ng police.

"No.. wag mo kong iwan... mahal kita..." niyakap ko sya.

"Pa-..ta wad..."



IEGO  Stories by NeechanWhere stories live. Discover now