Chain of Hearts

70 1 0
                                    

Paano ba magmahal? Kung paulit ulit ang sakit na mararamdaman mo?

Paano din ba hindi masaktan? Kasi.. sa totoo lang.. sawang sawang sawa na ko. Kelan ba ito matatapos? Kelan ba kami magiging masaya? Kelan ba ako... muling liligaya?

Paano magtiwala.. kung sa una palang alam mo na kung kanino ka maniniwala...

Ahh!!! Gulong gulo na ang utak ko. Hindi ko na alan kung sino ang paniniwalaan ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Pagod na ko. Sa bawat kilos ko ako ang laging talo..

Mahal ko sya.. mahal na rin ba ako?
Biglang bumukas ang pintuan ng aking kwarto. Ang silid kong kay dilim nasinagan ng liwanag.

"Nagkukulong ka na naman sa kwarto mo.. kazemaru." Hindi ko tinignan si gouenji

"Hindi ka ba pupunta?" Tanong nya. Napasinghap ako.

"Para san pa? Para.. lalo lang ako masaktan? Para.. lalo ko lang maipamukha na hindi ako ang kanyang papakasalan?" Tinignan ko sa mata si gouenji.

Napapikit sya... tila.. ayaw nyang makita ang lumuluha kong mukha.

"Gouenji..." tawag ko habang nangingilid ang luha sa aking mata...

"Mahal ko sya... sobra sobra sa higit pa~"  umiling ako at pinunasan ang luhang nagbagsakan sa aking pisngi.

"M-mali ba yun?" Kasalukuyang nakaupo sa harapan ko si gouenji...

"Bakit hindi mo sya ipaglaban?" Saad nya.

Natigilan ako.

"Pumunta tayo don habang hindi pa tapos ang kasal.. pigilan mo sila... ipaglaban mo sya! Hindi ba.. mahal mo sya? Sabihin mo iyon!"

Napalunok ako at tumango. Pinunasan ang luha sa aking mukha. Dali dali kaming pumunta sa simbahan. Ang kotse ni gouenji humarurot na parang hangin..

"Sana maabutan natin sila..." saad ko.

At huminto ang sasakyan. Agad akong bumaba at dumiretsyo sa may pintuan.

Endou! Papunta na ko!

"En-" at sa pag apak ko sa harap ng pintuan ng simbahan.

Nakita ko na magkadikit ang labi ni endou at natsumi. Napakagat labi ako. Kung sana lang..  nagpunta ako ng mas maaga...kung sana lang sinabi ko sa kanya ang nararamdaman ko..

Pero wala..  huli na... ang katagang..

"Endou.. mahal kita.. " ay ibabalot ko nalamang.. sa munti kong ala ala.. at papalitan ng mga salitang..

"Pinapalaya na kita.."

IEGO  Stories by NeechanWhere stories live. Discover now