Prologue

6 1 0
                                    

Luna's POV,

*Knock, Knock, Knock*

Tatlong katok mula sa pinto ang aking narinig habang ako ay nasa harap ng salamin at nag aayos dahil ngayon ang unang araw ng pasok naming mga senior high.

"Sino yan?! " Sigaw ko habang ang aking paningin ay nasa salamin pa din dahil inaayos ko ang aking buhok.

"Bumangon ka na diyan Luna baka ikay malate sa iyong klase! " Sigaw ni mama sa labas.

"Lalabas na niyan ma! Nag aayos lang ho ako!" Sigaw ko pabalik. Hindi na ako nakarinig pa ng sagot mula kay mama bagkus ang narinig ko na lang ay ang kaniyang mga yabag pababa ng hagdan.

"Ma alis na ho ako" Paalam ko ng makababa na ako ng hagdan. Agad akong tinignan ni mama.

"Hindi ka ba mag-aagahan anak? " Tanong nito.

"Hindi na ho ma, busog pa po ako" Sagot ko.

"Kung ganon dalhin mo na lang itong pagkain na inihanda ko" Sagot niya sabay bigay sa akin ng paper bag. May laman yun ng lunch box na sigurado ay inihanda niya agad dahil alam niyang hindi ako sanay na nag aagahan.

"Salamat po, una na po ako" Paalam ko ulit.

Pagdating ko sa room ay agad akong sinalubong ng kaibigan kong si Zoe na simula grade 1 pa lang ay kaklase ko na. Ewan ko ba bakit ni misan ay hindi kami nagka hiwalay ng section.

"Luna dito!" Sigaw niya ng makita ako sa may pinto. Pinuntahan ko siya sa pwesto niya kung saan may bakante pa sa tabi niya.

"Kanina ka pa?" Tanong ko sakaniya. Umiling naman ito.

"Halos kakadating ko lang din" Sagot naman nito.

Ilang minuto pa kaming nag kwentuhan ni Zoe patungkol sa mga nangyari saamin nung summer bago dumating nag magiging adviser namin ngayong taon.

"Ako si Ma'am Cindy Cabalu ang inyong magiging adviser ngayong taon" Pagpapakilala nito.

"Mukha siyang masungit" Bulong sakin ni Zoe dahil hindi man lang ngumiti samin iyong adviser namin. Deretso lang siyang nakatingin at nagsasalita.

"Ngayon kayo naman ang magpakilala at unang pangalan lang ang inyong ibibigay para matapos agad at wala din naman akong pake sa inyong buong pangalan kaya sige na mauna kang magpakilala" Anito tsaka sabay turo sa kaklase naming nasa harap niya. Tsk ngayon lang ako nakakita ng adviser na unang pangalan lang ang gustong malaman. Masungit ngang talaga yata tong isang to.

"Ako po si Mark"

"Ako po si Sam"

"My name is Lee"

"And i'm Zoe" Pagpapakilala ni Zoe kaya naman ay tumayo ako at nagpakilala.

"I'm Luna" Pagpapakilala ko. Uupo na sana ako ng magtanong ulit si Ma'am Cindy.

"Luna what?" Tanong nito.

"Akala ko bang wala siyang pake sa buong pangalan natin bakit tinatanong niya yung sayo? " Bulong ni Zoe sa tabi ko kaya naman ay pasimple ko itong sinipa.

"Luna Midnight Shadow po" Sagot ko at tinitigan ako nito ng ilang sigundo bago sumagot.

"Kakaibang pangalan, sige maupo ka na" Sagot nito kaya naman ay umupo na ako.

Ilang oras pa kaming nag klase, mga ibang prof namin ay introduction lang mg sarili ang pinagawa tapos dismissed pero ang iba naman ay talagang diniscussed na ang lesson namin at inubos ang oras nila gaya na lang ni ma'am cindy.

"Deretso uwi ka ba?" Tanong sa akin ni Zoe. Pauwi na kami dahil nagpa dismissed agad yung last prof namin.

"Bakit? Gusto mo bang gumala? " Tanong ko dito at mabilis naman itong ngumiti at tumango tango pa. Tinignan ko ang oras sa phone ko at nakitang alas kwatro pa lang ng hapon kaya pwede pa naman.

Ilang oras lang kaming nagpunta sa mall ni Zoe. Naglaro lang kami sa may arcade tapos kumain sa may Jollibee tapos ay nag window shopping then konting chikahan pa and ayun umuwi na kami.

Heto ako ngayon naglalakad sa may kanto samin pauwi. Magkaiba kami ni Zoe ng kanto ng binababaan kaya naman ay mag isa lang akong naglalakad ngayon sa kanto naming konti lang ang ilaw. Kung nagtataka kayo kung bakit hindi na lang ako nag trycle ay dahil naubos ang baon ko sa ginawa namin ni Zoe kanina. Kaya heto ako ngayon tamang lakad lang pauwi.

Habang naglalakad ay may nararamdaman akong parang sumusunod sakin kaya naman ay agad ko itong nilingunan pero wala naman akong nakita sa may likod ko. Tumingin tingin pa ako sa paligid ngunit wala talaga akong makita.

Ganun na lang ang gulat ko ng pagharap ko ay may nakatutok na espada sa may leeg ko. Agad akong napaatras at tinignan ang babaeng nasa harap ko na may gulat sa aking mukha. Ang itsura ng babae ay nakasuot ito ng palda na red na may kaliitan at naka terno din dito ang damit niyang kulay red din na parang bra lang sakaniya. May mga kalasag din siya sa kanyang braso at pulsuhan at may suot din ito sakaniyang ulo, ang mukha naman nito ay may mga guhit ito na kulay pula rin ay ang buhok niya at nakatali ng buo. Hindi ko malaman kung naka costume lang ba ito at laruan lamang ang espada niya dahil ang sama ng tingin niya sakin na para bang may nagawa akong kasalanan dito.

"Nice costume" Kabadong saad ko sakaniya sabay tawa din na may halong kaba. Sinubukan kong tanggalin ang nakatutong niyang espada sa may leeg ko pero ganun na lang ang gulat ko ng masugatan ng bahagya ang aking kamay dahilan para makumpirmi kong totoo ang espadang nakatutok sa aking leeg.

Napalunok ako sa kaba at tinignan ang aking kamay pagkatapos non ay tinignan ko ang babaeng nasa harap ko na ngayon ay nakangisi sa akin.

"Anong kailangan mo sakin?" Kabadong tanong ko sakaniya.

Lumapit ito ng bahagya sakin dahilan para umatras ako. Inihilig niya ang kaniyang ulo sabay sabing "ikaw". Nagtataka ko itong tinignan.

" Wala kang makukuha sakin miss, estudyante lang ako at ubos na ang aking pera kaya nga naglalakad na lang ako eh" Kabado kong eksplanasyon sakaniya ngunit bigla itong tumawa.

"Hindi pera ang habol ko sayo kundi ikaw mismo mahal na sang'gre" Saad nito.

"Sang'gre? Anong sang'gre? Nagpapatawa po ba kayo? Sorry po pero hindi ko po alam ang sinasabi niyong sang'gre" Saad ko dito. Anong sang'gre ang pinagsasabi niya? Hindi ko siya maintindihan.

"Sumama ka na lang sakin mahal na sang'gre kung ayaw mong masaktan" Saad nito sabay baba sa espadang nasa leeg ko at akma sana itong lalapit sa akin ng bigla akong tumakbo papalayo ngunit ganon na lang ang gulat ko ng hindi pa ako nakakalayo ay may isa pang sumulpot sa harapan ko na katulad ng nasa muka niya ngunit ang itsura niya ay para itong hari ngunit puro pula ang kaniyang suot.

"Wag ka ng magmatigas sang'gre at sumama ka na lang samin" Saad nito sabay hawak sa may kamay ko.

"Hindi nga ako yung sang'gre sinasabi niyo! Nasisiraan na ba kayo?!" Sigaw ko dito na may mga luha na sa aking kamay dahil sa takot. Gusto ko mang sumigaw ng saklolo ngunit nandito kami sa may kanto namin kung saan walang kabahay bahay at madalang lang kung dumaan ang mga sasakyan.

Patuloy pa rin ang pagpapapumiglas ko para makawala sa kaniya ng bigla ay may kung anong tumusok sa may leeg ko dahilan upang manghina ako at unti unting mawalan ng malay.

"Matutuwa ang Encantadia sayong muling pagbabalik mahal na sang'gre" Sabi ng lalaking nasa harap ko at bago pa tuluyang mawala ang aking malay ay binuhat ako nito at hindi ko alam kung dahil lang ba sa panghihina ko ito ngunit bigla na lang kaming naglaho.


~~~~~~~TO BE CONTINUED~~~~~~

Author's note: sorry if napahaba yung prologue but still i hope nag enjoy po kayo. And please feel free to comment your suggestions po sa comment section para po maimprove ko pa po itong story ko.

The Lost Sang'greTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon