Luna's POV,
Nandito ako ngayon sa kwarto kung saan ako inihatid ng dama kanina. Ang kwarto ko ay puro pink ang kulay pati na rin ang suot kong gown at ang parang korona ko. Hindi naman sobrang pink yung kulay nito mga light pink lang ganon.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo saking kama at pumunta sa may mesa ko at kinuha ang salamin upang itutok ito sa aking likod at tignan ang tanda, nagbabakasali na baka namalikmata lang kaming lahat kanina.
Ngunit ganun pa din, nandun pa din yung tanda. Napabuntong hininga ako at ibinaba ko na ang salamin.
"Bakit napakalungkot mo ata?" Tinig ni Aurora. Agad akong tumayo at nilapitan ito.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo? Okay ka na ba?" Tanong ko sakaniya at tumango naman ito habang naka ngiti.
"Okay nako, ginamot na din naman ako ni Crystal kaya paniguradong okay na ako" Nakangiting saad nito. Ang bait talaga ng babaeng to hayss bakit ba hindi naging ganito ang ugali ni Aurora.
"Kaya pala niyang manggamot?" Tanong ko at tumango naman ito.
"May kakayahang manggamot ang brilyante ni Crystal" Sagot naman nito. Inaya ko si Aria na maupo sa may kama ko upang doon ipagpatuloy ang aming kwentuhan.
"Ano ba ang brilyante niya?" Tanong ko.
"Ang brilyante ng lupa" Sagot naman niya na nakapag pa bilog ng bibig ko. Kung ganon nga ay tama ako may mga brilyante ng lupa, hangin, apoy at tubig.
"Ang galing naman ng brilyante niya, kaya niyang manggamot" Namamanghang sagot ko sakaniya.
"Magaling din ang brilyante ko dahil kaya kong kunin ang hininga ng isang nilalang" Taas noo niyang sagot kaya naman ay napa bilog ulit ang aking bibig sa pagka mangha na siya naman kaniyang ikinatawa.
"Kaya mo pa lang gawin yan bakit hindi mo kinuha ang hininga ni Hagorn?" Tanong ko na siyang nakapag patigil sa tawa niya at yumuko siya at bigla na lang niyang nilabas ang brilyante niya at tinitigan ito. Kay gandang brilyante.
"Hindi ko alam ngunit hindi kaya ng brilyante ko na kunin ang hininga ni Hagorn, na para bang may proteksyon siya laban sa kapangyarihan kong iyon" Malungkot na saad niya habang nakatingin sakaniyang brilyante. Tinago na niya ulit ang kaniyang brilyante at ibinaba ang kaniyang kamay.
"Huwag kang mag alala Aria dahil sigurado ako darating ang araw ay makukuha mo din ang kaniyang hininga hindi nga lang gamit ang iyong brilyante kundi gamit ang iyong espada" Sagot ko dito na ikinangiti naman niya.
"Paumanhin mga sang'gre ngunit pinapatawag na po kayo para sa salo salo" Anang dama sabay bow samin.
Tumayo na kami ni Aria. May salo salong ginawa ang reyna ngayon dahil sa aking pagbabalik, dahil sa pagbabalik ng kaniyang nawalang anak.
"Nandito na ang mga mahal na sang'gre" Saad ng isang kawal kaya naman ay nagsitayuan ang lahat ng mga taong nandoon. May mga ibang tao na sa tingin ko ay hindi taga dito sa lireo sapagkat iba ang kulay ng kanilang mga damit. Tinignan ko ang bawat mga tao at kita sakanilang mga mukha ang saya ng aking pagbabalik pwera na lang kay Aurora na may masamang tingin sakin.
"Ikinagagalak ko ang inyong pagbabalik mahal na sang'gre" Anang isang kawal na kakaiba ang suot mula sa ibang kawal dito tsaka nito nilagay ang isang kamay sa dibdib sabay bow sakin.
"Siya ang mashna ng Lireo anak" Nakangiting saad ng reyna ng makita sigurong nalilito ako sakaniya. Tinignan ko ito at ganun pa din ang pwesto niya naka bow pa din siya sakin.
BINABASA MO ANG
The Lost Sang'gre
FantasyHaving a normal yet happy life in a mortal world, Luna was suddenly kidnapped by someone who thought that she is the lost sang'gre of Encantadia.