Luna's POV,
Minulat ko ang aking mata at tinignan ang aking paligid. Puro bato at madilim dito. Tumayo ako at ganon na lang ang sakit ng aking ulo ng maramdaman ko ang sobrang pagkahilo dito siguro ay dahil ito dun sa tinusok nila kanina sa may leeg ko.
Nang hindi ko na maramdaman ang hilo ay tumayo ako at ganon na lang ang aking gulat ng makitang naka posas ang aking isang paa sa may hagaan ko at sobrang ikli lang din nung kadena na ultimong tatlong hakbang lang ang magagawa ko.
"Pano ko ba maalis to?" Bulong ko sa sarili ko at tinignan ang aking kapaligiran. May mga kawal sa labas ng aking kulungan at sa pagmamasid pa ay nakakita ako ng bato na medyo kalayuan sakin.
Humakbang ako ngunit tatlong hakbang pa lang nagagawa ko ay hindi ko na maihakbang pa ang isa dahil sagad na ang kadena nito. Malayo layo pa sakin yung bato kaya pano ko ito makukuha.
Dumapa ako at pilit na inabot ang bato ngunit nabigo lamang ako dahil hindi din ito maabot ng akin kamay. Tumingin tingin pa ako sa paligid at nakita ang isang stick sa may mesa na nasa harapan ko. Kinuha ko iyon at ginamit panggkuha dun sa bato. Pilit na inabot ko ito at sa wakas ay naabot ko din. Nang kukunin ko na sana ito ay biglang may sumipa sa bato dahilan para lumayo pa lalo ito.
Tinignan ko kung sino ang nagsipa nun at nakita ang babaeng nagtutok ng espada sa may leeg ko na nakatayo sa harapan ko at nakangisi. Tumayo ako at hinarap ko siya.
"Pakawalan mo ako" Utos ko dito ngunit ngumisi lang ito.
"Hindi kita maaaring pakawalan mahal na sang'gre dahil gagamitin ka pa namin laban sa iyong ina" Sambit nito. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Kailan niyo ba maiintindihan ang salitang hindi ako ang sang'gre na hinahanap niyo at isa pa hindi ko alam ang iyong sinasabi na sang'gre at ina" Sambit ko dito.
"Hindi mo kami maloloko" Sambit na naman nito dahilan para mabuo ang inis sa aking katawan.
"Tanga ka ba?" Tanong ko dito dahilan para magbago ang nakangisi niyang mukha na ngayon ay kakikitaan na ng galit.
"Ikaw si Luna Midnight Shadow hindi ba?" Tanong nito. Paano niya nalaman ang pangalan ko?
"Pano mo nalaman ang pangalan ko? " Tanong nito dahilan para bumalik ang ngisi niya.
"Dahil ikaw nga ang nawawalang sang'gre, ang nawawalang anak ng reyna ng Encantadia" Saad nito. Tinitigan ko ito ng matagal at tumawa sa sobrang inis.
"Ang galing mo ding umakting no grabe" Saad ko sabay palakpak.
"Sorry miss pero hindi niyo ho ako maloloko, tama ka ako si Luna Midnight Shadow ngunit ako ay anak ni Maria na taga Manila" Saad ko dito. "Atsaka isa pa ano ba ang encantadia na pinagsasabi mo? Mula kanina ay naririnig ko yan. May lugar bang ganun sa Manila? " Tanong ko sakaniya.
"Ang Encantadia ay ang lugar ng mga immortal-" Pagpapaliwanag nito ngunit hindi pa man siya natatapos ay tumawa nako ng malakas.
"Ano hong trip niyo? Encantadia? Immortal? Ano ka bata? Wala hong ganon sa mundo" Natatawa at naiiling na sagot ko sakaniya.
Kasalukuyan ko pang tumatawa ay itinutok niya sa akin ang espada niya. Napatigil ako sa pagtawa dahil sa kaba na baka ay gilitin ako nito sa leeg.
"Ngayon ka tumawa mahal na sang'gre at hindi ako magdadalawang isip na gilitin yang leeg mo" Galit na tugon nito dahilan upang maisara ko ang bibig ko at lumayo ng kaonti sakaniya.
Tinitigan pa ako nito ng ilang segundo na may masamang tingin bago ako nito talikuran at kinuha ang batong kaninang inaabot ko at dinala niya ito papalabas.
Napabuntong hininga na lang ako at naupo sa may kama. Hindi ko maintindihan, ano ba ang sang'gre na sinasabi niya? Ano ang encantadia? Hindi ko alam kung nagpapatawa lang ba siya ngunit base sa kaniyang galit kanina ay mukhang totoo nga ang sinasabi nito.
Nakuha ko ng nakapag drawing sa may lapag ko ngunit hindi na ulit bumalik yung bruhang babae. Kasalukuyan kong nagddrawing pa ay biglang kumalam ang tiyan ko. Magmula kasi ng dalhin nila ako dito ay hindi man lang sila naghatid ng pagkain hindi ba nila naisip na nagugutom ako? Haysss.
"Mga kuya!" Sigaw ko dun sa mga kawal na nasa labas ko ngunit hindi sila humaharap. Tumayo ako.
"MGA KUYAAA!!" Mas malakas na sigaw ko ngunit hindi talaga sila lumilingon?!.
"MABINGI HO SANA KAYO NG TULUYAN!" Sigaw ko sa sobrang inis dahil para silang mga bingi hindi man lang lumingin ni isang beses.
Umupo ulit ako at nakita ko sa may tabi ko na may mga maliliit na bato. Kinuha ko sila at tumayo sinipat ko pa kung tatama ba ito dun sa mga kawal at ng ibato ko iyong ng sabay sabay ay sabay sabay ding lumingon yung mga kawal na ANG PAPANGIT?!! jusko ginoo ganito ba talaga mga itsura nila dito sa Encatadia kuno jusko mga mukhang maligno kaya pala ayaw nilang humarap kanina or baka maskara lang to para takutin ako at para mapaniwala sakanilang kalokohan.
"Hehe sorry po pero may pagkain po ba kayo diyan? Nagugutom na kasi ako" Saad ko sabay peace sign pa ngunit hindi man lang sila kumibo at tumalikod ulit sakin!.
"MGA MALIGNO! MABINGI SANA KAYO! NAKAKAINIS!" Sigaw ko sa mga ito. Sisigaw pa sana ako ngunit biglang dumating yung sa tingin ko ay hari nila dito.
"Bakit napaka ingay mo sang'gre?" Ma awtoridad na tanong nito. Napalunok pa ako bago sumagot.
"Nagugutom na kasi ako magmula kaninang kinulong niyo ako ay hindi niyo pa ako binibigyan ng pagkain" Sagot ko. Tinignan ako nito.
"Mga kawal" Tawag nito sa mga kawal niya at ganon na lang ang panlalaki ng mata ko ng biglang dumating ang kaniyang mga kawal na may mga dalang pagkain.
Pumasok sila at inilapag sa may mesa ko ang dala nila. May mga prutas, juice, at tinapay. Tinignan ko ang hari nila na may ngiti sakin labi.
"Wala po kayong kanin at ulam? Mas mabigat po kasi sa tiyan ko eh" Sagot ko habang ang mga mata ay nasa pagkain ulit. Tinignan ko ang hari nila dahil hindi ito sumagot at pagtingin ako ay nakakunot na ang noo nito.
"Bakit po?" Inosenteng tanong ko.
"Hindi uso ang kanin at ulam dito sang'gre at isa pa hindi namin alam ang mga yon" Sagot nito dahilan para matawa ako. Infairness ganap na ganap sila sa kalokohan nilang ito ah ni ultimong kanin at ulam kunwari ay hindi nila alam.
"Tama na po ang lokohang ito kuya wag na po kayong magpanggap na hari nila at wag na din po kayong magpanggap na hindi niyo alam ang kanin at ulam, palayain niyo na lamang po ako" Sagot ko dito.
"Hindi kami nakikipag biruan sayo sang'gre totoo ang aming mga sinasabi" Sagot ng hari kuno dahilan para matawa ulit ako ng malakas.
"Tama na po, hindi din po ako natatakot sa mga kawal niyo kuno na naka maskara lang naman para takutin ako. Hindi na po ako bata para mahulog pa sa mga ganitong kalokohan" Sagot ko dito ngunit ganon na lang ang pagkalito sa aking sarili ng bigla itong lumapit isa sa mga kawal niya at hinila hila ang mukha nito ngunit wala itong mahila patunay na hindi ito maskara at totoo ito at pagkatapos niyang hila-hilain ang mukha nito ay bigla niya itong sinaksak. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita dahil pagkatapos niya itong saksakin ay naglaho na lang bigla ang katawan ng kaniyang kawal.
"Ngayon mo sabihing nakikipag biruan kami sayo sang'gre" Sagot nito dahilan para lingunin ko ito na may gulat at takot sa akin katawan. Napa upo na lang ako sa takot.
Ngumisi lang ito sakin at hindi na ito nagsalita pa at umalis na kasama ng kaniyang mga kawal. Kung ganon totoo nga ang sinasabi nila? Ngunit hindi ko pa din maintindihan, ako ba ay talagang isang sang'gre? Or nagkamali lang sila ng dinampot?
~~~~TO BE CONTINUED~~~~~~
Author's Note: alam ko masyado siyang maikli pero don't worry hahabaan ko na ang iba pang mga chapters. Enjoy reading!.
BINABASA MO ANG
The Lost Sang'gre
FantasyHaving a normal yet happy life in a mortal world, Luna was suddenly kidnapped by someone who thought that she is the lost sang'gre of Encantadia.