Chapter 7

0 0 0
                                    

Luna's POV,

Nandito ako ngayon sa aking silid at hindi ako makatulog dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari samin ng kapatid ko. Paano kami nahantong sa ganito?

"Bakit hindi ka pa tulog?" Tanong ng kung sino man mula sa likod ko kaya naman ay mabilis ko itong nilingon at nakita si Crystal.

"Binabagabag pa din kasi ako nung nangyari eh" Sagot ko dito at muling ibinalik ang aking tingin sa bintana.

Kay dilim na sa labas at kitang kita ko ding ang liwanag ng buwan at ng mga nagkikislapan na bituin.

"Hindi pa din ako makapaniwala na nagawa niya sayo iyon" Sagot ni Crystal at tumabi sakin.

"Ako nga din eh, pano ba kami nahantong sa ganito Crystal?" Naiiyak na tanong ko sakaniya. Lumapit ito at niyakap ako kaya naman ay mas lalo akong umiyak.

"Da-dapat ba ay h-hindi na lang ako bumalik dito?" Nahihirapang tanong ko sakaniya. Kumalas ito sa yakap naman at kahit puno ng luha ang mata ko ay kita ko ang kunot noo niya.

"Wag mong sabihin iyan dahil simula ng bumalik ka sa mundong ito ay mas lalong naging masaya ang encantadia" Sagot nito at pinunasan ang luha ko.

"Ngunit nasaktan ko naman ang nag iisa kong kapatid Crystal" Umiiyak na sambit ko dito.

"Shh tahan na, hindi mo kasalanan ang lahat sadyang sakim lang sa kapangyarihan ang iyong kapatid" Sagot nito at muli akong niyakap.

Ilang minuto pa nag stay si Crystal dito hanggat sa makaramdam na kami ng antok at dito na siya natulog sa tabi ko. Baka daw kasi umiyak pa ako ng umiyak pag umalis siya kaya dito na lang siya natulog.

Maaga kaming ginising ng mga dama at agad naman kaming nag ayos ni Crystal at heto nakita kami ni Aria na sabay lumabas sa kwarto namin kaya naman ay nag tanong tanong siya hanggat sa sinabi ni Crystal na dito siya natulog at ayun nagtampo pa nga.

"Wag ka ng magtampo, sige mamaya sa kwarto mo tayo matutulog" Sambit ko dito at ilang segundo pa ako nito tinitigan bago ngumiti ng malaki at tumango tango.

Nagkatinginan naman kami ni Crystal dahil para siyang bata at sabay na lang kaming natawa sa inasal niya.

Pagdating namin sa punong bulwagan ay nandun na yung dalawang lalaki at nandun na rin si Aurora sa upuan niya na may masamang tingin sakin.

"Nakita na pala nila Mashna ang taksil" Madiing bulong ni Crystal sa tabi ko kaya naman ay tinignan ko ito ay taas noo itong nakatingin kay Aurora.

Napabuntong hininga na lang ako dahil kahit hindi sabihin ni Crystal na hindi niya gusto si Aurora ay ipinaparamdam naman niya ito.

Mabilis na pumunta ako sa pwesto ko sa gitna nila Aiden at Blaze dahil paparating na si ina, ang mahal na reyna.

Lahat kami ay tumayo at yumuko sa reyna nang makarating ito sakaniyang trono at sabay sabay din kaming umayos ng tayo at umupo. Ano kaya ang pag uusapan namin ngayon?

"Nandito ka na pala" Saad nito habang nakatingin kay Aurora. Si Aurora naman ay umiwas lang siya ng tingin.

"Nandito tayo ngayon upang pag usapan ang mahalagang bahay na matagal na naming pinag uusapan nila imaw" Panimula ni ina at tinignan kami isa isa. Bumaba si ina sakaniyang trono.

"Dahil ang pag uusapan natin sa oras na ito ay tungkol sa mga sang'gre" Dagdag ni ina kaya naman ay mabilis na kumalabog ang dibdib ko. Mabilis na nagtinginan kami at rinig ko rin ang bulungan ng mga konseho.

The Lost Sang'greTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon