Luna's POV,
Nandito kami ngayon sa kaharian ng ewan ko kung saan ito pero ibang iba ito sa kaharian ni Hagorn. May buhay ang kulay dito hindi tulad sa kaharian ni Hagorn na parang nasa impyerno ka. Gold ang kulay ng kahariang ito madami ding mga kawal na gold din ang suot at meron din mga fairies na nagliliparan at may mga paro paro din ngunit nakakapagtaka dahil katawan nila ay tao pero ang pakpak nila ay pang paro paro. Kakaiba talaga tong lugar na ito.
Nandito ako ngayon sa kwarto ni Aria i think dahil puro kulay blue ang kwarto na ito katulad ng kulay ng suot ni Aria at ng kaniyang brilyante. Sa tingin ko ay tinutugma nila ang kulay na suot nila sa hawak nilang brilyante. Si Aria ang may hawak ng brilyante ng hangin at kulay blue ang brilyante niya ganon din ang suot niya at pansin ko din kaninang nilabas niya ang brilyante niya ay umilaw na kulay blue ang mata niya.
Yung babaeng tumulong naman samin kanina ay kulay green ang brilyante niya ganun din ang suot niya at sa tingin ko ay green din ang mata nun kapag nilabas niya ang brilyante niya at sigurado din ako na green ang kwarto niya.
"Kamusta siya?" Tanong nung babaeng nag ligtas samin. Hindi ko na maalala ang pangalan niya.
"Sabi nung doctor niyo kanina ay kailangan niya lang ng pahinga" Sagot ko at nangunot naman ang noo nito.
"Doctor? Anong doctor?" Tanong nito. Luh? Kay tanda tanda hindi alam ang doctor hahahaha.
"Yung nanggamot sakaniya kanina" Sagot ko.
"Manggagamot ang tawag sakaniya at hindi doctor" Sagot niya kaya naman ay natawa ako at tinignan naman niya ako ng masama kaya naman napatigil ako sa pagtawa.
"Anong nakakatawa?" Masungit na tanong nito. Tsk ang init talaga ng dugo niya sakin. Kanina tinulak ako tas ngayon nagsusungit siya.
"Ang doctor at manggagamot ay iisa lang" Sagot ko.
"Anong alam ko diyan? Hindi uso samin ang salita niyo kaya wag mong gamitin ang salita niyo sa mundo namin" Masungit pa rin na tugon nito. Umiling iling na lang ako.
"Paumanhin ngunit pinapatawag po kayo ng mahal na reyna" Biglang singit ng isang babae samin habang ito ay naka tungo.
"Sino?" Tanong ko. Nilingunan naman ako nung masungit na babae.
"Tayong dalawa sino pa ba?" Masungit na tugon nito.
"Aba malay mo pati to" Saad ko sabay turo kay Aria na hanggang ngayon ay ang himbing ng tulog akala mo ay walang nag aaway sa harapan niya.
"Inutil, hindi yan ipapatawag dahil kailangan niya pang mag pagaling" Masungit namaman na tugon nito. "Sumunod ka sakin" Saad nito sabay lakad kaya naman ay sinundan ko din ito.
"Pinapatawag niyo daw po kami ina?" Magalang na tanong ng kasama ko sabay bow. Wow ang galang ah kala mo hindi nagsusungit sakin. Psch.
Tinignan ko ang tinawag niyang ina. Nakatalikod ito samin ngunit malalaman mo agad na may kagandahan din ito dahil sa ganda ng katawan niya. Gold din ang suot nitong gown at may hawak siyang kung anong papel. Binaba niya ang hawak niyang papel at humarap samin. Ganun na lang ang panlalaki ng mata ko sa sobrang ganda niya! Para siyang si Mama Mary sa sobrang ganda niya. Lalo pa siyang gumanda nang bigla itong ngumiti samin. Bumaba ito mula sa trono niya at nilapitan kami ng kasama ko.
"Aurora anak" Tawag nito sa kasama ko. Ah oo nga pala Aurora ang pangalan niya ngayon ko lang din natatandaan hehe. Hindi bagay sakaniya yung pangalan niya. Tunog mabait yung Aurora pero sita napaka maldita parang siya yung babaeng bruha na lagi akong tinututukan ng espada.
BINABASA MO ANG
The Lost Sang'gre
FantasyHaving a normal yet happy life in a mortal world, Luna was suddenly kidnapped by someone who thought that she is the lost sang'gre of Encantadia.