Chapter 5

1 0 0
                                    

Luna's POV,

"Mahal na sang'gre?" Rinig kong paggising sakin ng dama.

"Mahal na sang'gre?" Ulit nito ng makitang hindi ako gumalaw or gumawa ng kahit na anong ingay. Kaya naman ay gumalaw ako ng bahagya para malaman niya na gising ako.

"Pinapatawag po kayo ng mahal na reyna" Sambit nito nang makitang gising na ako. Tinignan ko ang dama at agad naman itong yumuko.

Tumayo na ako at nag hilamos at agad na pinuntahan ang reyna. Pag dating dun ay nandun din ang mga ibang sang'gre ngunit ang kanilang suot ay iba. Hindi tulad ko na naka gown ang suot nila ay iba.

"Pinapatawag niyo daw po ako ina" Sambit ko at yumuko sakaniya.

"Oo anak dahil ngayon ang unang araw ng iyong pagsasanay" Sambit nito kaya naman ay napakunot ang noo ko.

"Pagsasanay? Anong pagsasanay ina" Tanong ko dito. Lumapit naman siya sakin.

"Pagsasanay sa pakikipag laban para sa susunod na may gustong pumaslang sayo ay alam mo ang iyong gagawin upang maprotektahan ang iyong sarili" Sambit nito at ngumiti sakin.

"Palitan mo na ang iyong kasuotan anak" Sambit ulit nito.

"Kagaya po ba ng sakanila?" Tanong ko habang naka tingin sa mga limang sang'gre.

"Oo anak dahil yan ang iyong kasuotan sa pagsasanay" Dagdag pa nito.

Kaya pala iba ang suot nila sa suot ko dahil may pagsasanay pala kami ngayon. Ano kaya ang aming gagawin sa pagsasanay? Ano kaya ang ituturo nila samin? At sino ang magtuturo samin ang inang reyna ba?

Lahat ng mga katanungan ko na iyon ay nasagot nang mag simula na ang aming pageensayo. Ang mashna ang nagtuturo samin at itinuturo niya samin kung papano ang paggamit ng aming mga kagamitan.

Espada lahat ang aming mga kagamitan puwera na lang kay Crystal na arnis ang kaniyang gamit. Hindi lang ito basta bastang arnis dahil ang pagkakagawa dito ay panigurado akong galing sa yaman ng lupa dahil sa tibay at tigas nito. May mga kung anong naka ukit din sakaniyang arnis na para itong isang halaman.

Nagtagal pa ang aming pageensayo ngunit hindi tulad nilang lima ay hindi ko pa din alam kung paano gamitin ang aking espada. Siguro nga ay mga bata pa lang sila ay itinuro na ito sakanila kaya ngayon ay sobrang bihasa na nila.

"Kay lampang sang'gre" Nakangising sambit ni Aurora ng makitang natalo ako ng isang kawal at nabitawan ko ang aking espada.

Kinuha ko ang espada ko at inismiran si Aurora. Walang magandang mangyayari kung papatulan ko lang ang bruhang to.

Ganun pa din ang eksena namin ng kawal, mag aamba ako ng atake pero nasasalo niya ito gamit ang espada niya. Bigla ay umikot ito at bigla akong sinipa sa may tiyan kaya naman ay napaatras ako at napa upo.

"Anong klaseng sang'gre ito at kay daling talunin? Walang sang'gre ang kasing lampa mo taong ligaw" Masungit na sambit nanaman ni Aurora. Tinignan ko ito at may ngisi ito sakaniyang labi habang makakrus ang kaniyang dalawang kamay.

Napatiim bagang na lang ako sa galit at napahawak sa lupa dahil sa galit. Tumayo ako at pinagpag ang aking sarili at hinarap ito.

"Hindi ko kasalanan kung lampa ako at madali akong matalo ng kawal dahil hindi naman ako gaya niyo na lumaki dito at bata pa lang ay sinanay na, wag kang tanga Aurora" Sambit ko dito at dali dali naman ako nitong sinugod at tinulak ako ng malakas dahilan upang matumba ako.

"Anong sabi mo?" Galit na tanong nito. Tumayo ako at taas noo ko itong hinarap.

"Na tanga ka" Pag uulit ko dahilan upang mas lalo itong magalit sakin. "Walang tao ang agad na marunong sa pakikipag laban, ano pa ang saysay ng pagsasanay kung pagkapanganak mo pa lang ay marunong ka na pala agad" Dagdag ko dito.

The Lost Sang'greTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon