Luna's POV,
"Mabuhay ang bagong reyna" Sarkastikong sambit ni Aurora habang patuloy pa rin ang pagpalakpak nito.
"Oh? Bakit parang nagulat naman kayo na nandito ako upang suportahan ang pagpapasa ng korona sa aking kapatid?" Tanong nito samin.
Tumigil ito sa paglalakad ng makarating ito sa harap ko. Itinagilid niya ang kaniyang ulo at tinignan ako mula paa hanggang ulo at tumigil ito sa koronang nasa ulo ko tsaka ito natawa.
"Akala ko bang hindi ka interesado sa korona akin kapatid?" Tanong nito sakin.
"Mas gugustuhin ko ng ako ang maging reyna kesa sa isang taksil na tulad mo" Sagot ko sakaniya dahilan upang mawala ang ngisi sakaniyang labi.
"Anong sinabi mo?" Galit na tanong nito.
"Bingi ka ba? O baka naman gusto mong isigaw ko pa upang marinig ng lahat na isa kang taksil" Madiing sambit ko dito dahilang ipang itutok niya sa aking leeg ang kaniyang espada.
"Mahal na reyna!" Sambit ng lahat at lalapit na sana ang mga kawal ng pigilan ko ang mga ito.
"Aurora" Sambit ng aming ina na nasa aking tabi.
"Diyan ka magaling Aurora sa pagiging taksil" Matigas na sambit ko dito dahilan upang idiin niya ang espadang nasa leeg ko at ramdam ko ang hapdi doon.
"Hindi ako magdadalawang isip na kitilin ka ngayon Luna" Galit na sambit nito.
"Aurora anak wag kang ganiyan" Sambit ng aming ina at nilapitan si Aurora.
"Alam kong galit ka ngunit hindi madadaan sa talas ng talim ang lahat anak" Sambit ng aming ina. Ngunit parang walang naririnig si Aurora dahil nasa akin lang ang masamang tingin nito.
"Anak" Sambit ulit ng aming ina at dahan dahan niyang binaba ang espadang nasa leeg ko at hinarap niya sakaniya si Aurora dahilan upang matuon ang atensyon sakaniya ni Aurora.
"Bakit siya ina?" Tanong sakaniya ni Aurora.
"Dahil siya ang napili ni Emre" Sagot ng aming ina.
"Kung kayo ang pipili, sino ang pipiliin ninyo?" Tanong sakaniya ni Aurora. Nabigla naman ang aming ina sa tanong niya.
"Sumagot ka ina!" Sigaw ni Aurora ng hindi makasagot ang aming ina sa tanong niya.
"Wag mong pagtaasan ng boses ang ating ina!" Sigaw ko sakaniya. Anong karapatan niya upang sigawan ang aming ina?
"Sagot ina sagot!" Sigaw nanaman ni Aurora. Umiling iling ang aming ina habang umiiyak. Lalapit na sana ako ng tutukan ni Aurora ng espada ang aming ina.
"Aurora!" Sigaw ko.
"Walang lalapit sainyo!" Sigaw niya ng makitang lalapit na sana nag iba pang mga sang'gre at mga kawal.
"Ngayon ina, sino sa amin ni Luna ang pipiliin mo?" Tanong niya ulit sa aming ina. Tumingin sa akin ang aming ina habang umiiyak at muling tinignan si Aurora.
"I-ikaw" Umiiyak na sagot ng aming ina. Siya pa rin pala talaga ang pipiliin niya kahit na ganito na ang pinapakita niya samin ngayon.
"Sinungaling!" Sigaw ni Aurora at inalis ang espadang nasa leeg ng aming ina at sa bilis ng panyayari ay nasa likod ko na nga si Aurora habang ang espada niya ay nasa leeg ko.
"Walang lalapit sainyo kung ayaw niyong kitilin ko ang buhay ng mahal niyong reyna!" Sigaw niya. Kaya naman ang lahat ay hindi alam ang gagawin.
BINABASA MO ANG
The Lost Sang'gre
FantasyHaving a normal yet happy life in a mortal world, Luna was suddenly kidnapped by someone who thought that she is the lost sang'gre of Encantadia.