Luna's POV,
Nakahiga ako ngayon ngunit hindi ako makatulog dahil hanggang ngayon ay hindi pa din mawala sa utak ko ang mga nangyayari. Sobrang daming nangyayari, kanina lang ay isa lang akong normal na tao tapos ngayon isa daw akong sang'gre at anak pa ng reyna? Ha! Mga patawa!.
Kasalukuyan kong nakapikit ay bigla may narinig akong mga ingay sa labas ng aking kulungan at ganon na lang ang gulat ko ng makitang nakatumba na ang mga kawal sa labas ko ngunit wala namang tao.
Tumayo ako at pinakatitigan pa ito ngunit ganon na lang ang gulat ko ng biglang may sumulpot na babae sa harap ko! Napa upo ako sa gulat dahil paano niya iyon nagawa? Tinignan ko ito na may gulat at takot sa aking mukha. Sinubukan nitong lumapit ngunit humakbang ako papalayo. Kasapi ba siya nung bruhang babae? Or kalaban ba siya? O di kaya naman ay papatayin ba niya ako?
"Wag kang matakot Luna hindi ako kalaban" Malumanay na sagot nito ngunit gulat lang ang aking pinapakita dahil pano niya nalaman ang pangalan ko?
"Mamaya ko na ipapaliwanag kung bakit kita kilala sa ngayon ay sumama ka na muna sa akin dahil hindi ka ligtas dito papatayin ka nila, papatayin ka ni Hagorn" Sagot nito na nakapag pakunot ng aking noo. Inilahad nito ang kaniyang kamay.
"Sinong Hagorn?" Nalilitong tanong ko.
"Siya ang dumukot sayo ang hari ng mga hathor at ang mga hathor ay kalaban ng encantadia kaya sumama ka na sakin" Saad niya ulit at hindi pa din ibinababa ang kamay niya.
Kumpara sa mga wangis nila Hagorn daw at nung mga iba pa niyang nasasakupan, ang babaeng nasa harap ko ay napakaganda. Ang lambing ng kaniyang tinig at ang lumanay nito para itong hangin sa sobrang lumanay. Ang suot niya ay kagaya nung bruhang babae ngunit kulay blue ang sakaniya at may kapa din itong blue sa likod.
"Hindi ako makakaalis dahil nakagapos ang aking paa" Saad ko sakaniya dahilan upang tignan niya ito. Lumapit ito sakin at ganun na lang ang aking gulat ng gamitin niya ang hawak na espada para sirain ang kadena nito.
"Ngayon sumama ka na sakin" Saad nito sabay hawak sakin. Hindi pa man ako nakakapag salita ay bigla kaming naglaho at bago pa kami tuluyang naglaho ay dumating yung bruhang babae.
Bigla ay nandito kami sa kagubatan pagkatapos maglaho ay dito kami napadpad. Binitawan ako nung babae.
"Ako si Aria Zephyrstorm, ang tagapangalaga ng brilyante ng hangin at ang naatasan ni Cassiopea na iligtas ka mula kay Hagorn" Pagpapakilala nito ngunit lalo lang akong naguluhan.
"Bilyante? Cassiopea? Hagorn? Tapos meron pa Sang'gre ano naman sa susunod ang sasabihin niyo na lalo lang magpapagulo sa nananahimik kong utam at buhay" Naiinis na sagot ko sakaniya. Hindi ko magawang hindi mainis dahil hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Litong lito pa din ako.
"Alam kong sobrang naguguluhan ka ngayon Luna ngunit hayaan mong ipaliwanag ko sayo ang nangyayari" Sagot nito kaya tinitigan ko lang ito.
"Ikaw ay si Luna Midnight Shadow hindi ba?" Tanong nito at tumango lang ako bilang sagot.
"Ikaw ay isang sang'gre tulad ko, ikaw ang nawawalang anak ng Reyna ng Encantadia. Ikaw ang susunod na Reyna ng Encantadia kaya naman ng malaman yun ni Hagorn ay agad kaniyang pinuntahan sa mundo ng mga tao para gimitin ka laban sa iyong ina, para makuha niya ang trono ng Lireo" Sagot nito ngunit lalo lang akong naguluhan.
"Anong pinagsasabi mo?" Naguguluhang tanong ko sakaniya.
"Ikaw ay idinala sa mundo ng mga tao ni Cassiopea para pangalagaan ka laban kay Hagorn nungit kamakaylan lang ay nalaman niyang nasa mundo ka ng mga tao kaya ka niya dinampot at ikinulong sakanilang kaharian" Sagot nito ngunit hindi pa din nababawasan ang pagkalito sa akin.
BINABASA MO ANG
The Lost Sang'gre
FantasíaHaving a normal yet happy life in a mortal world, Luna was suddenly kidnapped by someone who thought that she is the lost sang'gre of Encantadia.