Luna's POV,
"Crystal!" Sigaw ko pagdating namin sa Lireo. Agad namang lumapit samin si Crystal.
"Sugatan si Nakba" Sambit ko dito at tumango naman ito. Lumapit ito kay Nakba at inilabas ang brilyante nito upang ito'y pagalingin.
"Mga dama, dalhin niyo ang mga adamian sakanilang silid" Utos ko sa mga dama yumuko naman ang mga ito bago umalis.
Humarap ako kay Blaze at inilahad ko ang aking palad. "Wag mo na sanang hayaang mapunta ito kay Hagorn" Sambit ko at ibinigay sakaniya ang kaniyang brilyante na agad naman niyang kinuha.
"Nakuha niyo ang brilyante ng apoy?" Gulat na tanong ni Crystal samin. Tumango naman ako sakaniya at ngumiti.
"Pano?" Tanong naman ni Aria. Si Aiden na ang nagkwento sa mga nangyari.
"Kung ganon ay kaya mong kunin ang mga brilyante? Ito ba ang iyong kapangyarihan?" Tanong sakin ni Aria.
"Hindi pa ako sigurado pero baka ganun na nga" Sagot ko dito.
"Kung ganon ay ikinatutuwa ko ang kapangyarihan mo" Nagagalak na sambit ni Aria at mabilis na niyakap ako nito.
"Wag kang masyadong matuwa dahil hindi pa naman ako sigurado eh" Sambit ko dito at kumalas sa yakap niya.
"Sige na tumungo na kayo sainyong silid at magpahinga, maraming salamat sa tulong niyo" Sambit ko sakanila at nginitian ang mga ito.
Yumuko sila sakin at umalis na ngunit naiwan si Blaze na nakatayo at nakatingin sakin.
"May problema ba?" Tanong ko dito.
"Maraming salamat sa pagbawi mo sa brilyante ko" Sambit nito. Ikinagulat ko naman ang inasta niya dahil hindi ganito ang ugali niya.
"Walang anuman" Sambit ko dito at ngumiti.
Tumalikod nako sakaniya at pumunta sa trono ko upang maupo doon at ipagpatuloy ang mga binabasa kong sulat na karamihan doon ay ibinabati ako sa pagiging bagong reyna nila.
Nakakataba ng puso ang ginagawa nila dahil kahit na wala akong kapangyarihan ay todo suporta pa rin sila sakin. Sana ganito ka din Aurora.
"Bakit hindi ka pa pumupunta sa silid mo?" Tanong ko dahil hanggang ngayon ay nakatayo pa rin ito at nakatingin lang sakin. Anong problema niya?
Ngunit sa halip na sumagot ay nanatili itong nakatayo lang at parang itong isang guwardiya na nagmamasid.
"Luna!" Sigaw nito kaya naman ay gulat na tinignan ko ito at nagulat na lang ako ng bigla itong mag evictus sa harap ko at may hawak na itong isang palaso.
Nagugulat na tinignan ko ito "San mo galing yan?" Gulat na tanong ko dito.
"Kanina pang pagkarating natin dito ay nararamdaman ko ng may ibang tao ang nandito" Sambit nito sabay harap sakin habang hawak ang palaso. Grabe ang talas ng pakiramdam niya.
"Ganitong palaso rin ang pumatay sa iyong ina Luna" Sambit nito kaya naman ay agad akong napatayo at kinuha sakaniya ang palaso.
"Sigurado ka ba?" Tanong ko dito at tumango naman ito. Pinakatitigan ko ang palaso at kung hindi ako nagkakamali ay ganito nga ang desenyo nung palaso.
"Dahan dahan dahil maaari mong ikamatay yan kahit konting sugat lang dahil may nakakamatay na lason yan" Sambit nito kaya naman ay agad ko itong binitawad. Iiling iling naman siyang pinulot ang palaso.
"Oh akala ko bang may lason yan eh bakit pinulot mo pa? Bitawan mo na yan baka ikaw pa ang mapahamak" Sambit ko dito. Tumingin ito sakin.
"Wag kang magalala mahal kong reyna kaya ko ang sarili ko" Sambit nito at ayun nanaman yung kabang nararamdaman ko sa dibdib ko. Ano ba to ang weird.
BINABASA MO ANG
The Lost Sang'gre
FantasyHaving a normal yet happy life in a mortal world, Luna was suddenly kidnapped by someone who thought that she is the lost sang'gre of Encantadia.