Luna's POV,
"Anong kahibangan to Aurora?" Tanong ko sakaniya dahil hindi tama na sumama siya sa kalaban.
"Hindi to kahibangan Luna dahil ito ay isa sa mga paraan ko upang mapaslang kita" Saad nito.
Mapaslang? Bakit gusto niya akong paslangin? Kapatid niya ako. Ganito na ba katindi ang galit niya sakin upang sumama siya kay Hagorn? Ano bang nagawa ko?
Ang daming tanong sa utak ko na alam ko ay hindi rin naman masasagot ni nino samin kundi si Aurora lang na ngayon ay may kung anong sama ng loob sakin na hindi ko alam kung san nanggaling at nagsimula.
Bigla ay nagsilabasan ang mga hathor kaya naman ay nag kaniya kaniya kaming pwesto, naghiwa hiwalay kami. Ang kaninang si Aria na nasa harapan ko lang ay ngayon ay napakalayo na sakin ganun din sina Aiden and Blaze.
Nasa ganun akong position ng bigla ay may papalapit saking hathor habang ang kaniyang espada ay nakataas sa ere. Inabangan ko ang kaniyang pag atake at sinalubong ng espada ko ang espada niya.
Nahirapan pa akong patumbahin siya dahil ito ang kauna unahang hathor na aking napaslang. Maya maya pa ay meron nanamang hathor na paparating. Bakit hindi sila nauubos?
Kita ko sa gilid ng mata ko ang paggamit ng brilyante nila Aria at Aiden upang mapaslang nila agad ang mga hathor na nakapaligid sakanila. Si Blaze naman ay kahit walang brilyante ay madali lang niyang napapaslang ang mga hathor.
"Ah!" Daing ko ng maramdaman kong gumuhit ang espada sa likod ko. Napa luhod ako sa sakit dahil parang hinati ang katawan ko sa sakit.
"Luna!" Sigaw ni Aria sa malayo.
"Wag kang tumunganga habang may labanan mahal kong kapatid dahil hindi mo alam kung sino ang titira sayo patalikod" Nakangising saad ni Aurora at kita ko sakaniyang espada ang dugo na panigurado ay mula sakin.
"Taksil ka Aurora!" Sigaw ko sakaniya.
Hindi pa din ako makatayo dahil sa sobrang panghihina hindi ko akalain na ang unang sugat na matatamo ko ay ganito kasakit ngunit mas masakit isipin na ito ay galing mismo sa espada ng aking kapatid.
"Taksil na kung taksil Luna ngunit ikasasaya ng puso ko ang iyong pagkawala sa mundong ito" Nakangising tugon nito at itinutok ang dulo ng espada niya sa leeg ko.
"Ah!" Sigaw ko ulit dahil sa pagdiin ng espada niya sa leeg ko.
"Kay dali mong paslangin mahal kong kapatid dahil napakahina mo" Saad ni Aurora kasabay nito ay ang pag taas ng espada niya upang paslangin ako.
Napapikit na lang ako at hinintay ang espada niya dahil wala nakong lakas upang pigilan ang espada niya na tumama sakin. Ganito ba ako kahina? Or sadyang malalakas lang talaga sila dahil dito sila lumaki.
Ilang segundo na ang lumipas ngunit wala pa ding espada ang tumatama sakin minulat ko ang aking mata at nakita si Blaze na nasa harapan ko at siya ang sumangga sa espada ni Aurora upang hindi ito tumama sakin.
"Blaze" Saad ko.
"Wag kang makealam dito Blaze" Galit na saad sakaniya ni Aurora.
"Makikiealam ako dahil hindi tama ang iyong ginagawa" Saad ni Blaze sakaniya.
"Hindi ako titigil hanggat hindi ko napapaslang ang isang yan!" Sigaw ni Aurora sakaniya.
"Kung ganon paslangin mo muna ako bago mo siya mapaslang" Kalmado ngunit maawtoridad na saad ni Blaze at malakas na tinanggal ang espada niya sa pagkakasagka sa espada ni Aurora dahilan upang mapaatras ng bahagya si Aurora.
BINABASA MO ANG
The Lost Sang'gre
FantasyHaving a normal yet happy life in a mortal world, Luna was suddenly kidnapped by someone who thought that she is the lost sang'gre of Encantadia.