Chapter 9

1 0 0
                                    

Luna's POV,

"Luna anak" Dinig kong tawag sakin ni ina.

"Ina?" Tawag ko. Nagpalinga linga ako ngunit masyadong maliwanag ang paligid kaya wala akong makita dahil nasisilaw ako.

"Luna anak" Tawag nanaman sakin ni ina.

"Ina!" Sigaw ko at nagpalinga linga.

"Ina?! " Sigaw ko ng hindi na ulit nagsalita si ina.

Humarap ako sa likuran ko ng biglang may maramdaman akong presensya doon at doon ay nakita ko ang nakangiti at maamong mukha ng aking ina.

"Ina!" Tawag ko dito at patakbong pinuntahan ito at niyakap.

Hindi ko na napigilan ang lumuha ng makita ang aking ina. Panaginip lang ba ito? Dahil kung oo ay wag muna sana nila akong gisingin upang mas makasama ko pa ang aking ina.

"May ipapakiusap sana ako sayo anak" Sambit ni ina ng maghiwalay kami sa yakap at hinaplos ako sa mukha. Kay sarap sa pakiramdam.

"Ano yun ina?" Sambit ko. Ngumiti ito sakin.

"Gusto ko sanang ipangako mo sakin na wag na wag mong sasaktan ang iyong kapatid" Pakiusap nito. Naguguluhan ko itong tinignan.

"Ngunit ina-" Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ng bigla ulit siyang magsalita.

"Hindi talas ng espada ang makakapag pabago sa iyong kapatid Luna kundi ang pagmamahal, mahalin mo ang kapatid mo wag mo itong sasaktan. Naiintindihan mo ba?" Tanong nito sakin. Tinignan ko ito sa mata at ang mata niya ay nakikiusap sakin at kitang kita ko ang pagmamahal niya samin ni Aurora.

Ngumiti ako at tumango sakaniya. "Pangako ina" Sambit ko sakaniya. Muli akong niyakap ng aking ina at ngumiti ito sakin.

May sasabihin pa sana ako ng biglang magliwanag ang buong paligid at bigla ay wala na ang aking ina.

"Ina!" Umiiyak na tawag ko ngunit wala na akong narinig mula sakaniya.

"Ina!" Sigaw ko at napabalikwas sa pagkakahiga.

Mabilis na tumayo ang natutulog na si Aria at pinuntahan ako.

"Luna bakit ka tumatangis" Nagaalalang tanong nito sakin at niyakap ako.

"Si ina, nakita ko si ina Aria" Umiiyak na sambit ko dito.

"Shh tahan na" Malumanay na sambit nito at hinagod hagod ang aking likod.

Ilang minuto pa kaming nasa ganoong position at ilang minuto pa din akong umiyak sakaniyang bisig ng biglang sumulpot sa harap namin si mata.

"Maaari mo ba kaming iwan?" Malumanay na tanong nito kay Aria.

Tumayo naman si Aria at ngumiti kay mata bago ito umalis saking silid. Hinarap ko si mata.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong nito.

"Parang kinuha yung kalahating lakas ko mata" Saad ko dahil ramdam na ramdam ko pa rin ang panghihina sa aking katawan.

"Dahil iyan sa iyong ginawa Luna" Saad nito. Naaalala ko nanaman ang nangyari kanina na nagawa kong makuha ang mga brilyante.

"Paano ko iyon nagawa mata? Paano kong nakuha ang mga brilyante nila kahit hindi naman nila ito inutos na pumunta sakin" Tanong ko sakaniya. Umupo ito sa tabi ko at kinuha ang isang kamay ko at tinignan ang palad ko at umilaw iyon.

The Lost Sang'greTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon