SEASON 2- part 3🤍

80 15 0
                                    

Lahat sila ay hindi makapaniwala, lahat sila ay nanghihina sa masamang balita lalong lalo na si roni hindi nya alam kung paano tatanggapin at kung paano na sya ngayong wala na ang asawa nya..

Nasa morge na silang lahat ngayon hindi nila pwedeng alisin ang kumot na nakabalot kay borj dahil nga sunog na ito at hindi na makilala pa wala na silang magawa kundi umiyak na lang.

huling pumasok si roni sa loob..

At pagkalapit ay humahagulgol na lang sya dahil sa sakit na nararamdaman.

roni- no hindi 'to totoo (umiiyak nyang sabi)
- borj gumisinggg kaaa plss nangako ka sakin na hindi mo na 'ko iiwan ulit (habang yakap yakap ang katawan ng asawa)

- lovee hindi ko kayaaa pls bumangon ka na dyan, hinahanap ka na ng mga anak natin (humahagulgol nyang sabi)

-borjjj pls hindi 'to totoo wag mo naman akong pahirapan ng ganito, mahal na mahal kitaaaa

- hindi ko kayaaa loveee

- paano na 'ko? paano na kami ng mga anak natin??? (umiiyak nya pa ring sabi)

umuwing nanlulumo ang lahat, lalong lalo na si roni ni hindi naimik sa mga kasama nya.

Mommy- anak andito lang kami ha (niyakap nya ng mahigpit si roni)

Roni- bakit ganon mommy? anong naging kasalanan ko para mahirapan ako ng ganto? (umiiyak itong nakatingin sa kawalan)

Mommy- wala anak wala kang kasalanan, s-siguro may dahilan kung bakit nangyayare ang lahat ng ito

Roni- pagod na pagod na ako, hanggang kailan ako mag s-suffer?

Mommy- anak magpakatatag ka sigurado akong hindi matutuwa si borj kung makikita kang ganyan

roni- hindi nya nanaman tinupad ang pangako nya sakin (humahagulgol nyang sabi)

Mommy- tahan na anak hindi ko kayang makita kang ganyan, san ba natin ibuburol ang asawa mo?

Roni- walang patay mommy, anong sinasabi mong burol babalik sya.

napayakap nalang sya sa anak nya ng mahigpit....

iniayos na nila agad ang pag buburulan ni borj, sa bahay nalang ng mommy ni roni.

at nang araw na ding iyon ay dumating na din ang labi ni borj..

Samantala ang mga anak naman ni roni ay nasa pangangalaga ni yuan, dahil hindi nya ito naaasikaso..

Nasa kwarto ni roni sya ngayon at umiiyak nanaman sya.. tinititigan nya ang mga bulaklak na ibinigay sa kanya ni borj at iba pang mga regalong bigay ni borj..

Roni- borj paano na 'ko? Paano ako mag sisimula ng wala ka? sino na ang katuwang ko sa kambal? hindi ko kaya pls uwi ka na hihintayin kita (umiiyak nyang sabi habang nakayakap sa litrato nila ni borj)

Habang naiyak sya ay pumasok naman sa loob ang mommy nya..

Mommy- anak.. baba na kumain ka na andyan na rin ang asawa mo sa baba s-silipin mo na sya (naluluhang sabi nya)

Roni- wala po akong gana (walang emosyon nyang sabi habang nag pupunas ng luha)

Mommy- anak lakasan mo ang loob mo

Roni- wala na yung taong nagpapalakas ng loob ko mommy

Mommy- anak andyan pa ang mga anak mo, mag paka tatag ka para sa kanila

Roni- iwan nyo na po muna ako mommy, gusto kong mapag isa

Wala ng nagawa ang mommy nya kundi bumaba at asikasuhin ang mga tao sa lamay.

Nasa baba rin maging ang buong barkada at andun na rin pati ang mga magulang nila, nakakalungkot na hindi nila makikita sa huling sandali si borj dahil nakasarado ang kabaong nito.

Jelai- tita si roni po? (Malungkot nitong sabi)

Mommy- nasa taas umiiyak hindi ko kayang makita ang anak ko na ganun, hindi ko na alam gagawin, kung kaya ko lang kunin ang sakit na nararamdaman nya ginawa ko na (umiiyak nyang sabi) 

Yuan- mommy magpakatatag tayo, dahil kailangan tayo ni roni ngayon (naluluha nya ring sabi)

Niyakap naman ni jelai ang mommy nya..

Missy- hindi ko matanggap ang nangyayare ngayon totoo ba 'to? sana masamang panaginip lang 'to (umiiyak nitong sabi)

Daddy- awang awa ako sa anak ko at sa mga apo ko (malungkot na sabi ng daddy ni roni)

Tonsy- hindi ko tanggap na iniwan na tayo ni borj (umiiyak nyang sabi)

Junjun- sana nga masamang panaginip lang 'to

pinagmamasdan naman nila ang mga anak ni borj at roni tila gulong gulo ang mga ito wala silang kaalam alam sa mga nangyayare..

Hindi na natiis ni jelai kaya inakyat na nya si roni sa kwarto nito...

Nadatnan nya itong umiiyak .

Jelai- sis

Napatingin naman sa kanya si roni, at pulang pula na ang mga mata nito kakaiyak

Niyakap nya naman ito ng mahigpit..

Jelai- andito lang ako sis hindi kita iiwan (umiiyak nitong sabi)

Roni- jelai ang sakit sakit (humahagulgol nitong sabi)

Jelai- ramdam kitaa pero sanaa lakasan mo ang loob mo hindi kasi namin kayang nakikita kang ganyan

Roni- sana nga ganon lang kadali jelai, feeling ko patay na rin ang kalahati ng katawan koo, napakahirap tanggapin (umiiyak na sabi nya)

Jelai- marami kaming nagmamahal sayo sis (yumakap muli ito kay roni)

hindi na nakapagsalita pa si roni at umiyak na lang ito .

Jelai- dalhan kita ng pagkain sis

Roni- wag na sis h-hindi ko rin makakain s-salamat na lang (ngumiti ito ng mapait sa kaibigan)

Jelai- hays sige sis naiintindihan kita, baba na muna ako ha

Tumango na lang si roni, at bumaba na rin si jelai..

Gabi na ng maisipang bumaba ni roni at magang maga na ang mga mata nito..

Dahan dahan syang naglakad palapit kung nasaan ang kabaong ni borj, habang palapit ay sunod sunod nanaman ang luhang pumapatak sa mga mata nya at feeling nya tutumba na sya sa sobrang pangangatog ng katawan..

Roni- borjjjjj (humahagulgol nyang sabi)

- ang hirap tanggapin
-paano na 'ko???
-sabi mo hindi mo ko iiwan??? (Umiiyak nyang sabi)
- hindi totoo ang lahat ng ito diba???
-panaginip lang 'to

Hindi na rin mapigilang maiyak ng mga tao na nasa lamay..

Nilapitan na rin sya ng mga magulang nyaaa at niyakap...

habang nakayap ang mommy nya sa kanya ay nawalan na pala sya ng malay buti na lang at nasalo syaa..

inakyat na muna si roni sa kwarto nya para makapag pahinga, nahimatay sya dahil wala pa itong kain at dahil na rin sa pagod...

Makalipas ang tatlong araw ay kailangan ng ihatid sa huling hantungan si borj....

walang ginawa si roni kundi umiyak at magmukmok sa kwarto nito, wala itong maayos na kain at tulog maging ang mga anak nya ay hindi nya naaasikaso kaya sila yuan nalang muna pansamantala ang nagaalaga sa mga ito....

Nasa sementeryo na sila ngayon at lahat sila ay magpapaalam na kay borj...

speech ni roni-  loveee bakit??? bakit hindi mo nanaman tinupad ang pangako mo? sabi mo hindi mo na 'ako iiwan ulit? paano ko kakayanin 'to? akala ko ba hindi mo na ulit hahayaang masaktan ako? pero bakit sobra sobrang sakit naman ang nararamdaman ko ngayon? i hate you borj, i hate you (humahagulgol nyang sabi) 

RIGHT LOVE IN A WRONG TIME🤍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon