yuan- baka naman kahawig lang sis?
roni- teka sisilipin ko dyan lang kayo ha..
Agad agad na akong bumaba sa sasakyan at napaluha na lang ako ng malapitan ko sya agad agad ko syang niyakap ng mahigpit..
Roni- borj b-buhay ka miss na miss na kitaaa (umiiyak kong sabi)
Boy- excuse me miss? hindi borj ang pangalan ko (inalis nya ang katawan kong nakayakap sa kanya)
Roni- pero borj? A-ako 'to si ronii a-asawa mo
Nagtataka naman nya akong tinignan...
Boy- asawa? anong sinasabi mo miss?
May bigla namang lumabas na babae sa loob ng bahay kaya nagulat ako ng tawagin nyang mahal si borj..
Anna- mahal a-anong nangyayare dito??
Boy- mahal kasi sinasabi nya na ako daw si borj at asawa nya daw ako
Anna- miss okay ka lang?? e asawa ko 'to e
Roni- pero asawa ko yan si borj hindi ako pwedeng magkamali, miss pakibalik na ang asawa ko may kambal kaming anak (umiiyak ko paring sabi)
Boy- ahm miss sorry talaga pero baron ang pangalan ko at sya ang asawa ko, malabo po ang sinasabi mong ako ang asawa mo
Nagulat naman ako sa narinig..
Roni- baron? Pano naging baron ang pangalan mo?
Anna- miss pwede ba wag ka ng maraming tanong, umalis ka na at layuan mo ang asawa ko.
Hindi ko namalayan na nakababa na rin pala ng kotse si mommy at daddy pati na rin si kuya...
Yuan- sis bakit ang tagal mo??
Napalingon naman ito sa kinatatayuan ni borj (baron) at nanlaki rin ang mga mata nito...
Yuan- borj???? i-ikaw ba yan??? p-paanong nangyareng buhay ka??
Gulat na gulat at takang taka rin sila mommy na tinitignan si borj, pero hindi namin maintindihan bakit hindi kami kilala at baron daw ang pangalan nya..
Anna- uulitin ko lang ho, hindi borj ang pangalan nya baron po kaya makakaalis na kayo
Mommy- halika na anak (hinila na ako nito pasakay sa kotse)
Nasa loob na kami ng kotse at gulong gulo pa rin ako hindi pa rin talaga sya mawala sa isip koo..
Roni- mommy buhay si borj
Mommy- anak narinig mo naman ang sinabi nung babae diba, hindi sya si borj at tsaka baka kamukha nya lang talaga yun
Roni- pero mommy imposible e bakit magkatulad na magkatulad sila?? wala namang kambal si borj?
Daddy- anak kalimutan mo na lang ang mga nakita mo, patay na ang asawa mo kailangan na nating tanggapin yun
Yuan- oo nga sis masasaktan ka nanaman nyan e
Roni- hays opo..
roni's POV
bakit ganun? kung kailan namang nag heheal na ako. tsaka pa sumulpot ang kahawig ni borj, kahawig nga lang ba talaga??? Pero kasi kung si borj yun sino yung pinaglamayan namin? at kung si borj yun bakit hindi nya kami kilala at iba ang pangalan nya? siguro nga ibang tao iyon at hindi si borj, pero nung mayakap ko sya gumaan ang pakiramdam ko pero siguro nangungulila lang ako sa yakap ni borj sobrangg miss na miss ko na ang asawaa koo ayoko ng paasahin ang sarili ko ....
Nasa kwarto ako ngayon at maglilinis pero napukaw nanaman ang atensyon ko sa mga picture namin, eto nanaman ako naiiyak sobrang miss ko naaa syaaa.
Kinuha ko ang litrato namin at niyakap ito muli nanaman akong naiyakk..
Roni- borj i miss you so much, balik ka na pleaseee sobrang nangungulila na 'ko sa yakap mo, sa pag aalaga mooo
Baron's (borj) house:
Baron (borj) - mahal itatanong ko lang sana, kilala mo ba yung mga tao kanina?
Anna- h-hindi mahal pero ang alam ko sa kabilang village ang mga yun, wag mo intindihin yung mga yun
Baron (borj) - pero bakit sinasabi nung babae na si borj ako? at asawa nya ako?
Anna- balita kasi dati namatayan ng asawa yun at nabaliw
Baron (borj) - ganun ba, okay
Anna- pag nilapitan ka ulit wag na wag mo ng kakausapin yun ah
Baron (borj) - ha? o-osige..
Nanay lucy- halika nga dito anna kakausapin kita
Anna- teka mahal ah kakausapin daw ako ni inay.
Baron (borj) - sige mahal
Anna- inay bakit ho?
Nanay lucy- ano itong naririnig ko na may lumapit na babae kanina?? ayun na ba ang tunay na asawa?
Anna- inay wag kang maingay marinig ka ni baron (bulong na sabi nito)
Nanay lucy- haynako anna ha ayokong madamay sa gulong pinasok mo!
Anna- inay naman hindi ko pa kayang sabihin sa kanila ang lahat, at isa pa mahal na mahal ko si baron ayokong basta bastang makuha sya ng iba
Nanay lucy- baka nakakalimutan mo hindi ikaw ang tunay na asawa!
Anna- inay hayaan nyo po muna ako, ayokong mawala si baron sakin
BINABASA MO ANG
RIGHT LOVE IN A WRONG TIME🤍
Fanficat the right time we will be given the chance to love each other💙 -borj'roni story🤍