2: Late

257 12 1
                                    

"Putangina." Mura agad first word ko of the day pagtingin ko ng oras sa phone ko.

"Shet, shet, shet!" Sabi ko sa sarili ko habang bumabangon sa kama.

I set my alarm for 5:50AM para sa 7AM class ko, pero guess what? Hindi ako nagising.

Usually kasi pag pinapatay ko alarm ko, sinisipa ni Zoe yung upper bunk para magising ako. Sa lower bunk kasi siya natutulog. Pero today, mukhang mas maaga siya umalis kasi wala na siya sa kama.

"Lord, give me strength." I whisper to myself habang bumababa ng ladder ng bunk bed. Muntik pa nga ko mahulog sa pagmamadali ko.

6:47AM na, and usually, hindi problema sakin pag nalalate ako. Pero kasi ngayon, may quiz kami, at nanglolock ng pinto 'yung prof namin pag 7:01 ka nakarating.

Nag toothbrush lang ako ng mabilis, naghilamos, at 'di na ko naligo. Ano ako, baliw? Mas pipiliin kong walang ligo kaysa sa walang quiz.

"Kelan mo ba aayusin buhay mo, y/n?" Bulong ko sa sarili ko habang nagbibihis, "Kasi naman puro ka nuod ng edits ni Cassie kagabi. Hindi ka naman puyat dahil sa aral eh."

After I wear my ID and shoes, the time reads 6:55am. Okay, mukhang kaya i-speed walk ang Dapitan to Beato in 5 minutes. Diba?

Ayaw ko naman gumastos ng 50 pesos sa tricycle, kasi alam kong gagastos ako bukas para sa patron ticket for UST's game versus UE. Priorities kumbaga.

Habang naglalakad, ang dami dami nang tumatakbo sa isip ko.

Bakit kasi ang layo ng Dapitan sa building ko, which is sa España? Pinili kasi namin ni Zoe sa Dapitan para kalagitnaan ng buildings namin. Come to think of it, medyo lugi nga ako since mas malapit dorm namin sa building ni Zoe sa Martin de Porres.

6:57AM na, at natatanaw ko na building ko. Onti na lang, natitikman ko na yung mga hindi ko masasagot na tanong sa dila ko.

Nandito na ko sa may tabi ng swimming pool ng UST, kung saan nagtrtraining ang UST Tiger Sharks.

Minsan, pag maaga ako sa school, tumitigil ako sandali maglakad para manuod ng training nila. Pero today, kailangan ko mag-focus sa goal. 6:58AM na, at nasa fourth floor pa classroom ko.

Pero...bakit may kumpulan na nagaganap sa tapat ng Beato? Ano meron?

I started walking faster para makita ko kung ano pinagkakaguluhan ng mga tao sa tapat ng building namin. Nasagot agad tanong ko nang makakita ako ng naka t-shirt na may nakalagay na "GULA" sa likod nito.

"Oh my God." Bulong ko sa sarili ko. Si Xyza! Mukhang nagjojogging siya, pero tumigil saglit kasi may mga nagpapapicture. Natetempt akong magpapicture, kaso mas nangibabaw yung panic ko na naka-time pressure nga pala ako.

Just as I was about to start walking again, my eyes land on another figure na katabi ni Xyza. I felt my eyes widen and my heart beat faster sa nakita kong trademark niya. What trademark, you may ask?

Bangs.

"Putanginang buhay 'to." Napabulong ako sa sarili ko habang nakatingin kay Cassie.

Lord, bakit? Ilang buwan ko na pinagdarasal na ma-meet ko si Cassie para magapagpapicture, diba? Bakit ngayon mo pa kami pinagtagpo? Kung kailan may isang minuto na lang ako para umabot sa exam ko?

Sa dami pa ng tao sa paligid nila, imposible na makakapagpapicture ako within a minute.

With a heavy heart, I take one last look at Cassie, who's literally 10 meters away from me, before turning around and running towards the entrance of Beato.

C16Where stories live. Discover now