17: Umuwi Ka Na Sakin

371 22 41
                                    

Ang ingay.

Sobrang lakas ng sigaw ng mga tao ngayon. 'Di ko alam kung dahil nanalo NU, kung dahil natalo UST, o kung dahil...nakita nilang lahat na tumakbo papunta sakin si Cassie at niyakap ako.

We're both in a state of shock as Cassie pulls away from the hug. Nakatingin lang kami sa isa't isa, parehong takot gumalaw, kasi alam naming dalawa na ang dami nang nakatingin at nagbubulungan.

Totoong buhay ba 'to?

"'Di ko napigilan sarili ko." She finally says, eyes not leaving mine. Ako naman, hindi pa rin makapagsalita. Sobrang bilis ng mga pangyayari, hindi nakaka keep up 'yung utak ko.

Nangyayari ba talaga 'to?

"Y/n," Cassie says, trying to bring me back down to earth, "I'm sorry."

Hindi ko na tinanong kung bakit siya nagsosorry, kasi alam ko na kung bakit. She's saying sorry because she knows that now, things will never be the same. Everything is about to change drastically.

"Wag ka magsorry." I answer simply. I don't want her to regret na tumakbo siya papunta sakin. I don't want her to feel sorry for wanting comfort from me. I don't want her to feel na kasalanan 'yung pagpunta sakin para maka-iyak.

Sobrang ingay ng paligid. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Sobrang lamig ng mga kamay ko.

Cassie and I continue staring at each other, both of us hesitant to make any further movements. Kung pwede lang sana maging invisible para mayakap ko pa siya ng isang beses ulit.

"Uhm, Cassie," Cassie and I snap out of it as Zoe speaks next to us, "Tinatawag ka ni Coach Kungfu." She says, pointing towards the court.

We look over to where he's standing on the court, and see as he waves his hand, gesturing for Cassie to come back. 'Yung iba niyang teammates, like Detdet, Reg, and Xyza are all looking here.

"I'm sorry," She says again, once again looking like she's about to cry, "'Di ko napigilan sarili ko, y/n."

"Wag ka magsorry." I repeat, because all of a sudden, 'yung mga salita lang na 'yan 'yung kaya kong sabihin ngayon.

She looks at me one last time before turning around and running back to the court, where Coach Kungfu and the team are waiting for her.

Napatulala lang ako.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. Natalo sila Cassie.Tumakbo sakin si Cassie at niyakap ako. Sa harap ng libo-libong tao, sa harap ng mga camera, sa harap ng mga news stations. Hindi pa ma-grasp ng utak ko yung nangyayari.

Tumakbo papunta sakin si Cassie. Niyakap niya ko habang umiiyak. Niyakap ko siya pabalik. Sa harap ng libo-libong tao. Kahit paulit-ulit kong iniisip, hindi pa rin nagsisink-in.

"Y/n," Zoe says, snapping me out of it once more, "Alis na tayo dito."

For the first time, I decide to look around the arena. Big mistake.

If looks could kill, patay na siguro ako ngayon.

Ang sama ng tingin sakin ng mga tao, lalo na 'yung mga malalapit sa kung saan ako nakatayo. 'Yung iba naman, nakatingin lang, pero todo titig. And if I were to give an estimate, siguro mga 1000+ phone cameras 'yung nakatutok sakin ngayon.

C16Where stories live. Discover now