5: Carpark

401 14 12
                                    

"Walang kwenta na talaga mga tao dito sa Bumble," I sigh, putting my phone face down on my desk, "Mga walang substance."

"Alam mo, ang tagal tagal mo na sa bumble," Zoe says, "Pero wala pang nagstistick. Baka it's a you problem."

Inirapan ko siya habang nakangiti, "Yabang mo ah. Purket nasa long term relationship ka."

Zoe laughs, then proceeds to wear her headphones again. Nasa online class kasi siya.

I sigh, once again thinking about how kada bukas ko ng Bumble app, wala naman ako napapala.

I just swipe and swipe, pero madalang lang ako mag-chat pag may nakakamatch. May times na nagchchat ako, pero agad na namamatay 'yung convo pag 'di ko gusto first reply nila. Ganun ako kabilis mawalan ng interest.

Or baka alam ko lang talaga kung ano 'yung type ko, kaya mabilis kong nafefeel pag hindi para sakin 'yung tao.

And I'm not proud, but I have done my fair share of ghosting. Siguro part din talaga ng pagiging Thomasian? Joke!

"Ano lunch mo, y/n?" Zoe asks, snapping me out of my train of thought.

"'Di ko pa alam eh," I answer, seeing na malapit na pala mag-12, "Pero parang gusto ko ng mala-lutong bahay. Umay na ko sa Dimsum Treats tsaka Karaage Koto."

"Kung san ka bibili, can you sabay me?" She asks, "Mukhang magoovertime 'tong prof eh. Baka mawalan ako ng time bumili o magluto."

"Sure!" I answer, standing up from my seat, "Baka sa carpark ako bumili. Sa Eva's, madaming choices 'dun."

Zoe smiles, looking playful na para bang nang-aasar.

"Weeeh? Ulam nga ba sa Eva's titignan mo?" She says, laughing, "Or baka may gusto kang makita 'dun na athlete? Setter ng women's volleyball team, to be more specific?"

"Siraulo," I say, rolling my eyes, "Huy! Dati pa tayo bumibili sa Eva's, wag kang ano diyan."

"Oookay," Zoe says with the same teasing look on her face, "Sabi mo eh."

Eva's is a known restaurant at the UST carpark, not only for their lutong bahay meals, but also because alam ng mga tao na libre pagkain dun if varsity ka ng kahit anong sport sa UST. Kaya kadalasan, dun kumakain mga athletes para ma-maximize 'yung perks nila.

Kumbaga, kung gusto mo maka-sight ng varsity player, sa Eva's ka pumunta. For sure, may makikita ka dun.

Dati pa kami bumibili ni Zoe ng pagkain sa Eva's, pero tumigil kami recently kasi dumadami na mga kumakain tsaka tumatambay sa loob at tapat nito. Mga taong sumasadyang tumambay para makakita ng kahit sinong player.

Pero mostly talaga, si Cassie 'yung inaabangan ng mga tao.

"Picturan ko na lang mga ulam," I say as I grab my wallet, "Check mo Messenger, ha?"

"Opo," Zoe nods, "And ingat ka."

🧸ྀི

Sabi ko na nga ba.

Nasa tapat ako ng Eva's ngayon, and ang daming tao. Both inside and outside.

Baka by the time na maka-abot ako sa mga ulam, simot na 'yung mga tray.

C16Where stories live. Discover now