12: 'Di Natin Sila Bati

358 19 23
                                    

"Y/n, tumigil ka na kasi kakatingin sa replies." Zoe sighs.

"Nagbabaka-sakali lang ako," I sigh, turning my phone off, "Na baka may isang magandang reply manlang."

It's currently May 7, and dalawang araw na nakalipas since kumalat 'yung picture namin ni Cassie na naglalakad.

Thankfully, hindi talaga nabunyag 'yung identity ko. Pero still, some people at the replies are speculating by saying na nakita nila ko sa arena during the game, and some people are saying na baka 'yung latest na finollow ni Cassie sa IG is the culprit.

Dahil dun, umaabot na sa hundreds 'yung follow requests ko.

"Sige na, Zo," I say, grabbing my tote bag, "Punta na ko USTe."

"Ingat ka," She answers, "Dinner na lang tayo mamaya sa labas."

I nod and head out of our dorm.

As I walk going to school, naglalaro pa rin sa utak ko 'yung mga reply na nabasa ko.

Sobrang onti lang ng mga positive tsaka matinong comments tulad ng:

wag po tayo mangialam sa private life ng players

personal decision na yan ni cassie dami niyo pang ebas!

ginagawa niyo na namang artista yung atleta/studyante 🤦🏻‍♀️ bigyan niyo naman ng privacy

Pero, mas marami pa rin 'yung mga negative. Well, ito naman talaga 'yung ineexpect kong reaction ng mga tao once nalaman na may ka-something si Cassie. Pero ngayon na nangyayari na, ang hirap pala lunukin.

Alam ko kung gaano ka-big deal si Cassie ngayon. Iba 'yung popularity niya ngayon kumpara nung season 85. Araw araw, nadadagdagan siya ng hindi bababa sa 1,000 followers sa IG.

Grabe na rin 'yung mga ginagawang Tiktoks and edits about her. Marami na rin siyang fan accounts across different social media platforms. Maski Facebook ng nanay niya, tatay niya, at lola niya, nahalungkat na ng fans.

Safe to say na hindi lang siya campus heartthrob ngayon. Ngayon, parang heartthrob siya ng buong UAAP community.

Tapos biglang may kumalat na picture na may kasama siyang naglalakad sa Dapitan? Habang gabing gabi na?

Gets na gets ko 'yung commotion na naging bunga nun.

Pero knowing na ako 'yung nasa picture na kasama ni Cassie, syempre I can't help but let the negative replies and comments get to me. Katulad ng mga 'to:

eh? student lang din sa ust makakatuluyan ni cassie? kala ko naman mas mataas standards niya

cheap naman ng date nila naglalakad lang. kung ako yan nilibre ko na yan sa vikings haha

nooo cassie di ko kilala yan pero wag ka diyan!!!

no one is good enough for u cassie

hintayin mo na mag-pro ka cassie bago magjowa mas madami pang high profile jan!!

I stop myself from remembering the other comments, kasi kakasimula pa lang ng araw ko, sinisira ko na agad.

Alam kong mali na nagpapadala ako sa comments, kasi totoo naman na hindi nila ko kilala, pero ang hirap pa rin.

I guess nafrfrustrate lang din ako kasi alam ko na meron talagang iba diyan na mas bagay sa status ni Cassie, 'yung kayang pantayan 'yung kasikatan niya. I guess in a way, affected talaga ko sa comments kasi alam kong totoo 'yung iba.

C16Where stories live. Discover now