15: Sweet Nothing

341 22 17
                                    

"Cassie?"

Naka-suot siya ng joggers, jacket, at cap. Si holdaper na naman.

"Wait lang, y/n," She says, panting habang naka-yuko, "Ang tagal ng elevator eh. Nag-hagdan lang ako."

Pinipigilan kong mag-react ng OA dahil sa itsura niya ngayon. Hinihingal siya, tsaka halatang init na init pa sa suot niya. Kalagitnaan ba naman ng May, sobrang init kahit gabi na.

"Sie, pasok ka na dito para maka-upo ka muna." I say, guiding her. Tinanggal niya 'yung suot niyang Crocs sandals bago pumasok.

Umupo siya sa upuan ko, and ako naman, sa upuan ni Zoe.

I wait and watch her as she catches her breath. Tinanggal niya 'yung suot niyang cap, pati 'yung suot niyang jacket. Suot pa niya sa ilalim 'yung Nike niya na t-shirt, parang 'di na siya nagpalit ng damit after training.

Habang pinapanuod ko siya, unti-unting nagsisink-in sakin...

Oh my God. Nandito si Cassie Carballo sa dorm ko.

As much as ayaw kong ma-starstruck ngayon, iba kasi eh. Iba 'yung feeling na nandito siya sa private space ko, naka-upo sa upuan ko kung saan ako nakapwesto palagi. Iba 'yung feeling na nakalagay 'yung sapatos niya sa shoe rack ko, tsaka iba 'yung feeling na naka-hang 'yung jacket niya sa sampayan ko.

Para bang may na-unlock kami na ibang level, dahil nandito siya, sa nag-iisang lugar sa Manila na talagang matatawag kong akin.

I get up from my seat, and prepare a glass of water for her. Ngayon ko lang naisip na baka uhaw siya. Mas inuna ko pa kasi 'yung pag freakout internally. Tinanggap niya agad 'yung baso at ininom.

"Tinawagan ko si Zoe kanina, nung natapos training," She says, setting the glass down, "Pagka-kita ko nung Tiktok, nagdecide agad ako na pumunta dito. 'Di pa nga ko nagpapalit ng damit, nagpatong lang ako ng jacket tsaka joggers pang-disguise."

"Ikaw?" I say, "Ikaw 'yung kausap ni Zoe kanina sa phone? So wala talagang retdem si Zach?"

Pagbitaw ko ng mga salita ko, nag-vibrate 'yung phone ko. I just received a text from Zoe.

bff zoe

ure welcome 😌

Thank you, Lord, for my best friend.

"Sabi ko lang sa kanya na wag sabihin sayo na pupunta ako, kasi for sure pipigilan mo ko," She answers, "Siya naman 'tong nag-offer umalis. Punta na lang daw siya sa boyfriend niya, so mukhang win-win naman."

"Kulit niyo." I answer, smiling. I try to laugh, pero nangingibabaw pa rin 'yung bilis ng tibok ng puso ko dahil sa nangyayari ngayon.

For a few seconds, tahimik lang kami ni Cassie. Parang takot kaming dalawa i-bring up 'yung elephant in the room. Which is understandable, kasi ang bigat naman talaga, tsaka sobrang biglaan.

I look at her, to see na inaayos niya 'yung hairclips niya sa buhok. Nagulo kasi 'yung buhok niya dahil sa sinuot niyang cap.

"How bad is it?" She says, being the first one to talk.

"Maayos naman," I answer, "'Di naman nagulo 'yung ponytail mo masyado–"

"Y/n," She says, smiling slightly, "I mean 'yung messages sayo ng mga tao. How bad is it?"

Ah.

"Onti lang 'yung nabasa ko eh, kasi dinelete ko na IG," I answer, looking down on the floor, "Pero ang harsh na agad nung mga nakita ko, kakaiba talaga ang Cassienation." I try to laugh to make the situation light, pero hindi nagbago facial expression ni Cassie. She still has a serious expression on her face.

C16Where stories live. Discover now