6: Soon To Be

349 14 9
                                    

Kapag 'di kami nakakuha ng patron nito, ewan ko na talaga.

Zoe and I are currently lined up at the España side of UST, sa gate malapit sa Q-Pav. It's currently 12AM, and we're first in line. Kaya sana talaga makakuha kami ng patron.

"Fully charged ka?" Zoe asks habang sinesetup 'yung banig namin.

"Yup," I nod, taking my laptop out of my backpack, "Ready na gumawa ng acads! Buti pala nakasama ka ngayon, Zach."

Kasama namin pumila ngayon si Zach, 'yung boyfriend ni Zoe since senior high school kami.

"Malakas sakin 'to eh," He says, gesturing towards Zoe, "Pero mas malakas pa rin sayo si Cassie. I can't believe willing ka pumila ng gantong oras para sa kanya."

"Huy, 'di lang naman 'to para sa kanya," I say defensively, "Gusto ko talaga ma-experience manuod up close as much as I can. Eh ngayon kaya ko naman pumila ng gantong oras, kaya why not?"

"Tsaka, may nararamdaman ako sa buto ko as in!" I continue, watching Zoe and Zach settle down on the banig, "Like, feeling ko...may chance ako. Ewan ko talaga. When you know, you know, diba? Parang meron akong "know" ngayon! Parang may mangyayari talaga samin."

After I ramble, nagtinginan sila bago sila sabay tumawa, "Hay, y/n," Zach laughs, "Bilib ako sayo pag may napuntahan talaga 'tong pagiging delusional mo."

"Don't forget 'yung competition pa na kasama ng pagka-gusto mo kay Cassie," Zoe says, gesturing towards the people lined up behind us, "I bet 50% ng naka-pila rito, naka-pila para kay Cassie."

I look behind us to see that medyo nagka-tao talaga agad after namin pumwesto. Ang bilis nila dumating.

"Huy, Zoe, kala ko ba bilib ka na sakin dahil sa nangyari nung isang araw? Remember, 'yung sa carpark and 'yung minessage niya ko? And Zach, magaling ako mag-manifest, excuse you," I say, rolling my eyes playfully, "Don't underestimate the power of my crystals." Sabay alog ko ng braso ko, kaya napatunog ko 'yung tatlong bracelet na suot ko.

"Kung may nangyayari sa inyo, sana pala nakahingi ka ng patron tickets kay Cassie," Zoe jokes as she turns her iPad on, "Para 'di na tayo pumipila ngayon."

I sit down next to Zoe as I wait for my laptop to turn on, "Sabi sakin ni Cassie na pati silang players hirap makakuha ng tickets. Sorry, mahina pa UAAP jowa powers ko ngayon. Soon to be pa lang daw kasi. Mejj hilaw pa."

Tumawa si Zach and, of course, binatukan ako ni Zoe.

Nung minessage ako ni Cassie nung isang araw about sa "mission accomplished" niyang pagbili ng food sa Eva's, syempre nagreply ako. I replied saying congrats as a joke and asked...kung ano 'yung ulam niya.

At dun na nagtapos ang convo namin. Kahit seen sa message ko, wala.

"Ano gagawin mong acads?" Zoe asks, taking out her Apple pencil.

"Gagawan ko ng powerpoint 'yung research namin sa Housing," I answer, opening the famous Canva site, "Ikaw? Aral?"

"Yup," Zoe nods, "Tignan mo si Zach, tulog na. Napagod agad, inisip pa lang niya mga aaralin niya."

Natawa ako upon seeing that nakatulog na talaga agad si Zach, using his backpack as a pillow.

"Okay, let's get to work," Zoe says, "Diba promise mo sakin? Na gagawa tayo ng acads kahit naka-pila tayo dito?"

"Yes, ma'am," I say, nodding towards Zoe, "Hindi kita bibiguin."

🧸ྀི

The time is currently 6AM, and nakatulog na rin si Zoe. Ang haba na rin ng pila sa likod namin. Pinapasok na kami sa loob ng UST about thirty minutes ago, pero mamayang 9AM pa start ng ticket selling.

C16Where stories live. Discover now