19: Normal Student

329 20 15
                                    

C16 🧸ྀི

i'm here 😎

I put my phone down on my desk and napatakip ako ng bibig gamit panyo. Nakangiti kasi ako, baka mapansin pa ko ng proctor ko na nakangiti ako kahit wala namang nakakatawa.

Tapos ko na 'yung exam, pero ayaw pa kami palabasin ng proctor hangga't sa tapos na lahat mag-take.

to: C16 🧸ྀི

yehey!

wait lang huhu sorry, di pa kami pinapayagan lumabas :(

C16 🧸ྀི

okay lang, nandito lang me sa may hagdan sa tapat ng beato :>

Shemay. 'Di ko mapigilan 'yung kaba na nararamdaman ko. Matagal ko na 'tong dinadaydream, ever since fan pa lang ako ni Cassie, na lalabas ako ng building ko after a stressful day at school, tapos magiging masaya ako agad once I see Cassie waiting for me.

Pero ngayon na mangyayari na talaga, syempre, 'di ko maiwasan 'yung kaba dahil sa mga tao na makakakita samin.

Pero ginusto at gusto ko 'to. Kaya pinipili kong enjoyin na lang imbis na mas nagpapadala ako sa kaba.

"Okay, class, tapos na lahat sa exam," The proctor speaks habang inaayos 'yung mga scantron, "You may leave the room."

I gather my things and stand up, at nagkita kita kami nila Kyla at Andrew sa labas ng room.

"Grabe, kala ko hihimatayin ako kanina habang nageexam," Kyla says habang bumababa kami ng hagdan, "Ang intense nun!"

"Kahit tres lang, masaya na ko," Andrew says, "'Di na ko nageexpect ng mataas talaga. 'Di na ko nangangarap nang mataas, kilala ko na sarili ko."

Sabay kaming tumawa ni Kyla because of what Andrew said, pero medyo pilit lang 'yung akin. Habang pababa kami nang pababa, mas tumitindi 'yung kaba na nararamdaman ko.

Alam na nila Kyla at Andrew 'yung tungkol samin ni Cassie kasi, yun nga, nag-viral 'yung nangyari nung Game 2.

Inasar lang nila ako nung nalaman nila, kaya sana totoong pagod sila dahil sa exam. Para wala silang energy mang-asar today once makita nila na nandun si Cassie sa tapat ng Beato.

"Kain tayo?" Kyla asks, "Na-drain ako dun, sobra. Parang deserve ko ng 24 Chicken."

"I second the motion," Andrew nods, "Ikaw, y/n? Sama ka?"

'Di ako makasagot as we reach the bottom of the staircase. May view na ko ng glass doors, kaya nakikita ko na 'yung labas ng Beato.

Ramdam ko 'yung bilis ng tibok ng puso ko once I see na andun nga si Cassie, nakatalikod, sa baba ng hagdan sa tapat ng building namin. She's in her type B uniform na naka tuck-in at belt, waiting for me.

"Bat may napadpad na commerce dito?" Kyla says, spotting the commerce uniform, "Layo ng building nila ah."

"Gago, si Cassie ba 'yun?" Andrew says as we start to walk closer towards the exit. Kanina pa ko hindi nagsasalita.

C16Where stories live. Discover now