18: Barlin Street

343 21 22
                                    

"Sumbong kita kay Coach," Cassie says jokingly, "Walang sustansya mga pinapakain mo sakin."

"Kunwari ka pa, alam ko namang gusto mo 'yan." I answer, rolling my eyes playfully.

Nasa Mina Mini Mart kami ngayon sa P. Noval, kasi onti na lang open at this time. Korean mart siya, and pwede kumain sa tapat nila if bumili ng pagkain sa kanila, 'yung parang nakikita sa mga Korean drama.

Favorite namin kumain ni Zoe dito, parang naging isa na sa comfort places namin tuwing buong araw na kami nag-aacads sa dorm. Since past 9PM na, hindi na masyadong marami 'yung tao ngayon sa labas.

"Cute ng order mo eh noh," Cassie says, pointing to my order using her chopsticks, "Cheese flavor. Pambata."

Hinihipan ko 'yung cheese ramen ko habang tinitignan 'yung order niya.

"Mahilig ka sa maanghang?" I ask, "Pareho kayo ng order ni Zoe eh. Grabe anghang niyan, umiinom siya ng gatas pag kinakain niya 'yan. Gusto mo bilhan kita ng milk?"

"Ha?," She says, her eyes widening, "Maanghang 'tong kinuha ko? Oh my goodness."

"Oo, sobrang anghang niyan!" I laugh, "'Di mo alam?"

"Naka-Korean kasi 'yung packaging eh," She laughs, "Shet, 'di ako kumakain ng maanghang eh. Pero kakainin ko pa rin 'to para 'di sayang."

Napangiti ako dahil sa ginagawa namin ngayon. We're currently eating outside, sa mismong tapat ng mart, kaya talagang nakikita kami ng mga taong dumadaan.

May tig-isa kaming ramen, at nagshshare kami sa cheese yopokki tsaka Korean sausage. Wala nga talagang sustansya pinapakain ko sa kanya, pero at least masaya kami.

"Wooh," She says, fanning herself, "Ang anghang nga. Pero masarap naman. Pero ang anghang nga talaga."

"Kulit mo," I laugh, "Gusto mo ba bumili ng bago? Bilhan kita ng gatas."

"'Di na," Umiling siya, "Paninindigan ko 'to. Dat kasi sinearch ko muna 'yung nasa label eh." Agad siyang suminghot. Sinisipon na siya dahil sa anghang, pero patuloy pa rin siya sa pag kain.

From the corner of my eye, nakikita ko 'yung dalawang babae sa katabi naming table na nagbubulungan. Maya maya, napansin ko na rin na vinevideohan na nila kami nang pa-simple.

I put my chopsticks down and start fidgeting with the pop socket on my phone. Na conscious na ko kumain, at naramdaman ko agad 'yung pagbilis ng tibok ng puso ko.

Naramdaman siguro ni Cassie na naiilang ako, kasi napatigil ako sa pag kain. Ganito pala feeling pag pinapanuod tsaka dinodocument 'yung bawat galaw mo.

Ang dami ko nang naiisip agad. Na for sure, ippost nila 'yang video sa X or sa Tiktok. For sure, marami na namang masasabi mga tao.

I hear Cassie's voice, and thankfully, enough na 'yung boses niya para makatakas na ko mula sa sarili kong utak.

"Y/n," She whispers, "Lumalamig 'yung pagkain mo oh. Hayaan mo lang sila, sakin ka magfocus. Sarap ng food natin oh."

I smile and nod, and continue eating. Okay, y/n. Power through. Kailangan mo masanay, at dito ka dapat magsimula.

Habang kumakain kami, talagang napapatigil o bumabagal sa pag lakad 'yung mga dumadaan kapag narerealize nila na nandito si Cassie.

At first, sobrang nakakailang, and gusto ko na lang bumalik sa dorm kung saan kaming dalawa lang.

'Di ko napigilan 'yung sarili ko ma conscious sa bawat galaw ko, kasi iniisip ko agad 'yung iisipin ng mga tao tungkol sakin kahit na kumakain lang ako.

C16Where stories live. Discover now