10: Jersey

351 19 24
                                    

"Kinakabahan ako ah." Zoe says habang tumitingin ng damit sa cabinet.

"Kinakabahan?" I say, finishing up my deadlines for the day, "Why?"

Today is the game of UST versus DLSU. If manalo ang UST today, they'll enter the finals for the first time since 2019.

"Kasi grabe itsura ni Angel nung kumakanta ng hymn ng La Salle nung nakaraang game," She says, "Like, super determined ng mga mata niya. Parang nasa revenge arc, ganun. Parang gustong-gusto manalo."

"Gustong-gusto rin naman manalo ng USTe," I say, eyes focused on my laptop, "Maganda laban mamaya for sure. Pero sa UST na 'yan, I can feel it."

Pinagsasabay ko 'yung pagsalita ko habang nagtytype, para multitasking. Grabe talaga 'yung nagiging drive ko sa paggawa ng acads pag alam kong may game akong papanuorin. Parang reward system ko sa sarili ko.

"May extra ka pa ba na yellow?" Zoe says, sounding frustrated, "Grabe na pagiging outfit repeater ko dahil sa dami ng games na pinupuntahan natin."

Nanlaki mga mata ko once i-mention ni Zoe na kailangan nga pala mag yellow mamaya. For the first time in hours, tinanggal ko attention from my laptop.

"Shet," I say, getting up from my seat, "Nakalimutan ko magpa-laundry!"

Tinignan ko 'yung laundry hamper ko, at talagang nag-ooverflow na siya. Grabe talaga epekto ng last month of school deadlines, 'di ko maayos-ayos buhay ko. Lahat ng routine ko nagkakagulo.

Andito pa sa laundry hamper ko 'yung sinuot ko na yellow nung laban nila versus DLSU para sa twice-to-beat advantage. Oo, ganun na ko katagal hindi nagpapa-laundry. Dapat kahapon magpapa-laundry ako, kaso masyado ako naka-focus sa plates ko na hindi ko na namalayan 'yung oras.

"Yes!" Sigaw ni Zoe, "I'm saved!"

Pagtingin ko sa kanya, may hawak siyang yellow t-shirt na nahanap niya kaka-halungkat ng cabinet.

"Shet," I say, looking over at my side of the cabinet, "Okay lang ba 'to?"

Pinakita ko sa kanya 'yung natitira kong yellow t-shirt, which is matagal ko na ginawang pambahay. Madami na siyang butas at parang pwedeng pwede na gawing basahan. Perfect!

Bago pa makasagot si Zoe, we get distracted by my phone vibrating on my table.

"Tinatawagan ka oh." Zoe says, being the first to see the notification being flashed on my screen.

"Hello?" I say, pressing the phone close to my ear, "Sie?"

"Y/n, sorry, alam kong gumagawa ka ng acads," She says on the other end, "Pero pwede ba kita makita saglit? Kahit five minutes lang. Please?"

"Why?" I ask, getting concerned kasi parang may iba sa boses ni Cassie, "May problema ba?"

"Wala, wala," She answers quickly, "Paalis na kami dito in twenty minutes. Kitain mo ko, please? Sunday ngayon, onti lang tao ngayon sa campus, wala namang masyado makakakita satin. Please?"

"Okay, sige," I answer, wearing my ID, "Puntahan kita."

"Thank you," She says, and I can hear her exhale, "Hintayin kita sa baba ng dorms."

Without saying a word to Zoe, lumabas na ko ng dorm namin at bumaba. Buti na lang malapit lang Dapitan sa lumang AMV building, kaya mabilis lang bago ako makakarating.

Nakakakaba naman si Cassie. May iba sa boses niya eh, para siyang on edge tsaka urgent. Kinakabahan siguro?

🧸ྀི

C16Where stories live. Discover now