24

13K 1K 722
                                    

• 🏐 •

"Gusto kita, Sebastian. Gustong-gusto."

Nakatingin lang kami sa isa't isa ni Nico pagkatapos niyang sabihin iyon. Hindi ko na alam kung ilang minuto na ba kaming gano'n lang ang ginagawa pero gustuhin ko mang magsalita ay hindi ko magawa. Nakaawang lang ang labi ko kasi nakaharang na ang puso ko sa lalamunan ko.

Totoo ba iyong narinig ko?

Favorite person niya raw ako? Ako raw ang rason kung bakit siya ngumingiti? Ako raw iyong... heartbeat niya?

Gusto niya ako?

Gusto... raw ako ni Nico?

May parte sa 'kin kanina na inaasahan na 'to pero... iba pa rin pala sa pakiramdam na sinabi na niyang... iyon nga... na gusto niya ako. Na may gusto siya sa 'kin. Na hindi lang basta gusto kundi... gustong-gusto.

Wala nang tigil sa pag-ihip ang hangin na siyang dahilan kung bakit sumasayaw ngayon ang buhok ni Nico. Nakikita ko na ring naglalaglagan ang mga bulaklak sa puno na malapit kung saan kami nakaupo at parang naging background pa iyon ng ace spiker namin.

Para siyang nasa isang romantic na pelikula. Iyong bida na siya na lang ang gumagalaw sa gitna ng nakahintong paligid. Na mahihiya kang agawin iyong eksena kasi nakikitira ka lang sa mundo niya. Grabe... ang ganda tignan.

Sa totoo lang, wala na akong pakialam sa mga nangyayari sa paligid namin. Hindi ko na napansin na dumarami na pala iyong mga tao. Hindi ko na nakita ang tuluyang paglubog ng araw. Hindi ko na namalayan na umilaw na pala iyong mga lights sa mga puno't halaman. Hindi ko na rin inalintana ang puso kong kanina pang nagwawala sa narinig ko mismo sa lalaking nasa harap ko ngayon.

Si Nico na lang ang nakikita ko.

Iyong kamay na lang niya sa ibabaw ng kamay ko ang nararamdaman ko.

At iyong mga mata na lang niya ang nasa isip ko.

"Seb..." marahan ang boses niya.

"Hmm?" Gano'n din ang boses ko pero nataranta talaga ako sa biglaan niyang pagtawag sa pangalan ko.

"I'm not telling you this because I'm expecting an answer from you. I'm confessing... because I want to. And I think you should know that I have feelings for you."

Hindi pa rin ako makapagsalita.

Nakatitig lang ako sa mukha ni Nico.

Hindi pa rin kasi talaga ako makapaniwala. Gusto niya raw ako. May gusto siya sa 'kin! Si Nico Almojer! Jersey number eight, opposite hitter, at ace spiker ng Northville University men's volleyball team! May feelings daw para sa 'kin!

Maluluwa ko na yata talaga itong puso ko!

Pero teka. Mahangin naman pero bakit gano'n? Parang biglang ang hirap huminga?

Lalo na no'ng humigpit ang hawak ni Nico sa kamay ko! Hala!

"Alam kong nagtataka ka kung paano at kailan," ngumiti siya habang unti-unti na namang namumula, parang may biglang naalala. "But believe me, Seb, when I say na unang kita ko pa lang sa 'yo, alam ko nang hindi kita kayang kaibiganin."

Exhale, Seb! Bakit hindi ka nag-e-exhale?!

Tumingin sa malayo sa Nico pero nando'n pa rin ang ngiti sa labi niya. At hawak pa rin niya ang kamay ko. Na para bang doon siya kumukuha ng lakas ng loob sabihin ang mga gusto niyang sabihin.

Pero iyon na nga ang problema.

Iyong yellow mo Nico, magiging red na kasi kanina pa hindi maka-exhale sa lahat ng mga sinabi mo!

Jersey Number NineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon