25

16.9K 1K 1.1K
                                    

• 🏐 •

"Gusto rin kita, Nico."

Hindi ko na alam kung maiilang ba ako o matatawa sa hitsura ngayon ni Nico. Nakatitig lang siya sa 'kin habang nakaawang ang labi tapos pulang-pula ang mukha. Para siyang iyong mga batang nakatulala lang pagkagising sa umaga habang naghihintay na matapos iyong nanay nila magluto ng almusal.

Hala, kung computer itong si sir, iisipin ko nang nagre-reboot siya.

Hawak ko pa rin iyong kamay niya pero no'ng mga oras na iyon, siya na ang mahigpit na nakahawak sa 'kin. Naramdaman kong lumakas ang kabog ng dibdib ko habang patagal nang patagal na walang nagsasalita sa 'ming dalawa.

Ako, kaya kong magsalita.

Ewan ko nga lang dito kay Nico na nakalimutan na yatang huminga.

Pero sobrang nakakagulat ba talaga iyong sinabi ko na gusto ko rin siya? Hindi niya ba inasahan na magkakagusto rin ako sa kaniya? Tingin ba niya, wala siyang pag-asa?

Naalala ko tuloy iyong sinabi niya na may iba raw siyang gusto pero manhid lang daw talaga.

Ako lang ba ang manhid, Nico?

Nahiya naman ako.

Gusto ko sana siyang komprontahin tungkol do'n nang mag-sink in sa 'kin na... hala, umamin na rin pala ako sa kaniya! Nasabi ko na iyong nararamdaman ko! First time kong gawin iyon at... ang sarap pala sa pakiramdam?

O kaya masaya ako ngayon kasi pareho naming gusto ang isa't isa?

Paano pala kung... isa lang ang may gusto sa 'min? Hindi ko siguro alam ang gagawin kung sakaling hindi niya kayang ibalik ang nararamdaman ko pagkatapos kong mag-ipon ng lakas ng loob na umamin sa kaniya.

Pero buti na lang... gusto rin ako ni Nico.

Buti na lang talaga.

"Uhm, Nico?" Tanong ko.

Paano ba naman kasi, kung saan-saan na nakarating iyong isip ko pero ganito pa rin ang hitsura niya. Nakatingin lang talaga sa 'kin tapos hindi gumagalaw! Doon na talaga ako nailang.

"Nico," tawag ko ulit sa kaniya. "H-Humihinga ka pa ba?"

Pero wala. Hindi siya sumagot. Nakatitig lang talaga!

Ano ba naman itong si sir. Gano'n ba siya kagulat sa sinabi ko? Samantalang kanina no'ng siya ang umaamin, ang tapang niya. Kapag ako, ganito ang reaksyon niya? Parang gusto ko yatang mainsulto kasi parang lumalabas na big deal kapag ako ang nag-confess.

"Nico," tawag ko ulit.

Pero hindi ko inasahan iyong isasagot niya sa 'kin.

Sinok! Sininok din siya! Hala!

Nagkatinginan ulit kami at para bang iyon na ang nagpabalik sa kaniya sa earth. Nagpigil ako ng tawa lalo na no'ng kasabay ng pagpula ng mukha niya ay suminok ulit siya.

"What the fu-" hindi niya naituloy iyon kasi sininok na naman siya!

Doon na ako natawa. Hindi ko na napigilan! Paano ba naman kasi, hindi ko inasahan na sisinukin din siya! So, nakalimutan niya ngang huminga kanina gaya ko?

Ang cute mo, Nico.

Gaya-gaya ka pero cute kaya pinapatawad na agad kita.

"Baby-" sinok ulit!

Hindi na mawala ang ngiti ko. "Bakit?"

"Bakit ka tumatawa?" Nakasimangot na siya.

"Sinisinok ka," pang-aasar ko sabay turo sa mukha niya.

Jersey Number NineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon