29

13.6K 758 666
                                    

• 🏐 •

"Thank you," sabi ni Nico sa waiter nang ilapag sa harap namin iyong in-order naming La Paz batchoy.

"Thank you po," sabi ko rin.

Pagkatapos naming maglambingan na may kaunting lakaran at kwentuhan sa esplanade ay inaya ko siyang mag-almusal. At dahil kilala ang Iloilo sa La Paz batchoy at hindi pa iyon natitikman ni Nico ay iyon na ang naisip kong kainin namin.

Iyong good for two na ang in-order niya pero nakakalula pa rin sa dami. Hindi yata namin mauubos 'to. Pero dahil sayang ay pipilitin ko lalo pa't balak pa raw mag-order ni Nico para naman daw kina nanay at tatay. Sabi ko, kahit 'wag na at iyong matitira na lang namin ang ipa-takeout pero hindi ko talaga napilit itong isa.

Akala mo naman ay hindi madalas makakain sina nanay at tatay ng batchoy.

Pinanood ko siya na pinupunasan iyong kutsara't tinidor ng tissue. Kahit iyong maliit na bowl at mga baso namin ay hindi niya pinalampas. Pagkatapos ay nilapag niya iyon sa harap ko.

Ngumiti siya sa 'kin. "Let's eat, baby."

Tumango ako saka ngumiti rin. Kinuha ni Nico iyong bowl ko at siya na iyong nagsandok ng akin. At habang ginagawa niya iyon ay mabilis akong pumikit saka pinaglapat ang mga palad ko saka bahagyang yumuko para mabilis na magpasalamat kay Lord.

"Thank You po sa food," bulong ko.

Pagdilat ko ay naabutan kong nakatingin na sa 'kin si Nico habang nakaawang ang labi. Pareho na ring may laman iyong mga bowl naming dalawa.

"Nag-pray lang ako saglit," sabi ko.

"What did you pray for?"

"Uh, nagpasalamat ako para sa pagkain."

"Bakit hindi mo ako sinali?"

Napakurap ako. "Nagpe-pray ka rin pala bago kumain?"

Kumunot nang bahagya ang noo niya pero nawala rin agad saka ngumuso. "Sometimes."

Pero hindi rin nakatakas sa 'kin ang pamumula ng mga tenga niya.

"Sometimes? Gaano kadalas iyang sometimes na iyan?" Natawa ako nang kaunti.

Humaba pa lalo ang nguso niya. Ang cute. Nahuli kita, ano? Hindi naman sa panghuhusga pero wala kasi sa mukha ni Nico ang nagpe-pray. Parang hindi niya gawain. Alam ko namang mabait at mabuting tao siya pero para sa 'kin ay 'wag pa rin nating kalilimutang kausapin ang nasa Itaas.

Pero baka nagpe-pray nga si Nico. Hindi ko lang nakikita. Na-curious tuloy ako kung paano siya mag-pray. Paano kaya siya nagsisimula? At ano kaya iyong mga pinagpe-pray niya?

"Nagpe-pray ako before our games," sabi niya.

"Ako rin," sagot ko.

"Mukha ba akong hindi nagpe-pray sa 'yo?"

Ako naman yata ang namula ang mga tenga. "Medyo."

"Tss. Pinag-pray ko nga na magkagusto ka sa 'kin, e."

Hala...

Nanlaki ang mga mata ko. At kung hindi pa namumula ang dapat mamula sa 'kin ay official na silang pula ngayon. Mula yata sa mga tenga ko papunta sa buong mukha ko pababa sa leeg ko.

Ngumisi si Nico. "Prayers do really work, huh?"

Ngumuso lang ako pero nangingiti na. Iyong dibdib ko rin ay wala nang tigil sa pagkabog. Ewan ko sa 'yo, sir. Talagang dito pa sa harap ng batchoy nagsabi ng gano'n.

"Tignan mo, patay na patay ka na sa 'kin ngayon," dagdag niya na mukhang nakahanap ng ipang-aasar sa 'kin.

"Ikaw yata ang mamamatay kapag hindi ako nagkagusto sa 'yo, e. Magpasalamat ka ulit kasi narinig ang prayers mo."

Jersey Number NineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon