26

16.9K 891 783
                                    

• 🏐 •

"Surprise," nakangiting sabi ni Nico habang karga pa rin si Bok.

Hala?

Hala.

Hala!

Totoong Nico Almojer ba itong nakikita ko ngayon? Hindi ako masyadong nakatulog kagabi pero sigurado ba akong hindi lang 'to panaginip? Hindi kaya multo niya lang 'to? O aparisyon? Pero paano siya magiging multo kung hindi pa naman siya patay? At paano rin siya magiging aparisyon lang kung buhat niya si Bok? Ano iyon, nakalutang si Bok sa ere?

Kasi ka-text ko lang siya kanina! Kaya paanong... nandito siya harapan ko ngayon?

Pero nang unti-unti siyang lumapit sa 'kin ay doon ko na napagtanto na totoo nga na nandito siya.

Nandito si Nico sa Iloilo! Nandito siya sa harap ng bahay namin! Nandito iyong boyfriend ko sa 'min!

Ito ba ang dahilan kung bakit niya hiningi no'ng nakaraang araw iyong address ko? Kasi pupuntahan niya ako? Kung gano'n... grabe. Nakakatuwa naman. Talagang nag-effort siyang puntahan ako rito kahit na ang layo ng Manila sa Iloilo.

Napahawak ako sa dibdib ko. Umagang-umaga pero ang saya na agad ng puso ko.

"Good morning, baby," bati niya sa 'kin nang makalapit.

"G-Good morning," bati ko pabalik.

Lumaki ang ngiti ni Nico habang titig na titig naman ako sa kaniya. Hindi pa rin kasi talaga matanggap ng utak ko na nandito nga siya sa harapan ko. Hindi lang talaga ako makapaniwala.

At ang... gwapo niya ngayon. Palagi naman siyang gwapo pero may kakaiba sa kaniya ngayon na para siyang nagliliwanag.

Ang linis pa niyang tignan sa suot na puting shirt at army green na cargo pants. Naka-baseball cap din siya na pabaligtad ang pagkakasuot. Napansin ko rin na may itim siyang backpack na dala.

At halos mag-reminisce ako nang maamoy ang pamilyar niyang bango-

Natigilan nga lang ako. Hala! Sebastian, nakakahiya! Ang bango at ang linis ni Nico tapos ikaw, halos kagigising pa lang at ang dugyot pa tignan! May butas pa iyong bandang balikat ng suot na malaking t-shirt na madalas kong sinusuot pantulog! Tapos naka-jogging pants ka pa na may logo pa ng school mo no'ng high school! Tapos ang gulo pa yata ng buhok mo! Ni hilamos, hindi mo pa nagagawa! Amoy higaan ka pa!

Pareho kayo ng anak mo! Hindi mo pa napapaliguan si Bok tapos nagpakarga na agad kay Nico!

Naramdaman siguro ni Bok na nagpa-panic na ako sa loob-loob ko kaya nilingon niya ako. Pero saglit lang iyon. Binalik niya lang ulit ang tingin kay Nico na para bang nagtataka siya kung sino ba itong bagong dating.

Boyfriend ko iyan, 'nak!

Kaya bago pa maamoy ni Nico ang anak kong himalang nagpabuhat sa hindi niya kilala ay mabilis ko nang kinuha si Bok sa kaniya. Bahagya pa siyang nagulat no'ng humakbang ako nang dalawang beses paatras.

"Baby-"

Humakbang palapit si Nico habang nakakunot ang noo pero umatras ulit ako at ginamit si Bok bilang pantakip sa mukha ko.

"S-Saglit lang," sabi ko.

"Sebastian, anong ginagawa mo?"

"S-Sandali lang! 'Wag ka munang lalapit."

"Bakit?" Rinig ko ang pagtataka sa boses niya. "At bakit mo tinatago iyang mukha mo sa likod ng anak natin?"

Nanlaki ang mga mata ko.

Jersey Number NineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon