27

16.1K 932 1K
                                    

• 🏐 •

"Seb, na-miss kita!" Sabi ni Julio.

Nilapag niya si Bok sa sahig saka tumayo at mahigpit akong niyakap.

Nagulat ako pero napangiti rin saka binalik ang yakap niya. Sa totoo lang, na-miss ko rin naman itong kababata ko na 'to. Kailan ba kami huling nagkita? Dalawang taon na rin yata simula no'ng mag-transfer siya sa Cebu para do'n mag-aral.

Isa ang pamilya ni Julio sa mga mayayaman dito sa lugar namin. May malaki silang chicken farm at sila ang halos nagsu-supply ng itlog sa bayan. Naalala ko tuloy bigla no'ng high school pa lang kami. Para payagan ako nina nanay sumama sa kanila na maligo sa ilog ay magdadala siya ng limang tray ng itlog dito sa bahay.

At bago siya umalis no'n papuntang Cebu ay binigay niya sa 'kin si Bok bilang regalo. Sisiw pa lang no'n ang anak ko.

Nang humiwalay si Julio sa pagkakayakap sa 'kin ay hinawakam niya ako sa mga braso ko saka bahagyang lumayo para tignan ako. Medyo nailang pa nga ako ro'n lalo na no'ng ipakita niya iyong nakakaloko niyang ngisi.

"Ang laki mo na, a? Tumangkad ka rin! Dati, hanggang dibdib lang kita, e," humalakhak si Julio.

Ngumuso ako at narinig kong natawa naman si nanay.

"Ikaw rin. Mas lumaki ka," sabi ko kasi malaki naman talaga siya kahit noon pa man. May lahi rin kasing Kastila. Mas tumangkad at mas matipuno siya ngayon tapos moreno pa rin.

"Akala ko nga, hindi na lalaki iyang si Sebastian. Buti at tumangkad pa kasi gusto mag-volleyball," sabi naman ni nanay.

Tumawa ulit si Julio. "Akala ko nga rin po, tita," sabay baling ulit sa 'kin. "Narinig ko nga na natanggap ka raw sa isang university sa Manila. Anong school?"

"Uh, Northville. Ni-recruit nila ako," sagot ko.

"Galing naman! Setter ka pa rin?"

"Uhm, oo," nahihiya akong ngumiti.

"Galingan mo pa lalo, a?" Sabay pisil niya sa pisngi ko.

Napakurap ako. "S-Salamat."

"Ay, Julio, 'nak, ito nga pala iyong teammate ni Sebseb. Si Nico," sabi ni nanay saka ako tinapik sa braso kaya bahagya akong nagulat.

At sa totoo lang, doon ko lang din talaga naalala na nandito nga pala si Nico! Nawala sa isip ko! Hala!

"Matalik na magkaibigan iyang dalawa, Nico. Sabay nagpatuli iyan noon," at humirit na nga si nanay!

Tumawa si Julio. Ngumuso naman ako at napayuko. Kailangan ba talagang ikwento pa iyon? Si nanay naman, e.

"Nay..." sabi ko pero sinundot niya lang ang tagiliran ko.

"Ipakilala mo sila sa isa't isa, Sebastian. Ikaw talaga. Ako'y pupunta muna sa kusina at iyong niluluto ko ay baka wala nang sabaw," sabay alis ni nanay at iniwan kaming tatlo rito sa sala na para bang wala siyang sinabing kahihiyan.

"O, ba't parang nahihiya ka, Seb? Sabay naman talaga tayong nagpatuli-"

"Sira," putol ko kasi inulit pa talaga ni Julio!

Tumawa ulit siya. "Sabay rin tayong naglanggas no'n, 'di ba? Naalala mo no'ng kumukuha tayo ng dahon ng bayabas sa bakuran n'yo? Tapos tanda mo rin no'ng nangamatis iyong iyo?"

Hala, nag-trip to memory lane pa nga!

Sa harap pa talaga ni Nico niya sinabi na nangamatis iyong ano ko! Nakakahiya! Isa iyon sa mga hindi na dapat pang malaman ng boyfriend ko!

Sumimangot ako kay Julio pero agad ding natigilan nang marinig kong bumulong si Nico sa likuran ko.

"What the fuck..." mura niya.

Jersey Number NineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon