23

15.4K 1K 925
                                    

• 🏐 •

"You may start answering now," sabi ng professor ko.

Narinig ko iyong sinabi niya pero hindi ko magawang igalaw ang kamay ko. Ni hindi ko nga rin magawang isulat kahit iyong pangalan ko kasi paano ko naman gagawin iyon kung puro my yellow, my baby ang nababasa ko ngayon sa questionnaire?

Hindi na ako magtataka kung ang maisulat ko mamaya ay Sebastian 'Yellow Baby' Angeles.

Focus, Seb! Last exam mo na ito ngayong araw. Isa na lang at makakapagpahinga ka na. Umayos ka kundi babagsak ka. Ayaw mong bumagsak kasi kapag nangyari iyon ay hindi ka lang mala-lineup sa team, mapapalo ka pa ni nanay.

Pero makakapagpahinga nga ba ako kung ang tumatakbo na lang sa isip ko ngayon ay iyong mga mata at ngiti ni Nico habang sinasabi ang mga salitang iyon?

This is Seb. My yellow. My baby.

Huminga ako nang malalim, umiling, saka hinawakan ang dibdib kong kanina pa nagwawala. Kung ano iyong ikinatahimik namin ni Nico habang hinahatid niya ako rito sa room ko kanina ay siya namang sobrang ingay ng puso ko. Alam kong malabo iyon pero pakiramdam ko talaga no'ng mga oras na iyon ay rinig na rinig ni Nico ang lakas at bilis ng kabog no'n.

"Sir," sabay taas ko ng kamay ko. Ramdam kong napalingon sa 'kin ang mga kaklase pero hindi ko na sila pinansin.

"Yes, Mr. Angeles?"

"M-May I go out po?"

"Go ahead."

"Thank you po," sabi ko at mabilis na lumabas ng room saka dumiretso sa banyo.

Hindi naman ako naiihi. Hindi rin ako nadudumi. Pero pakiramdam ko kasi ay masusuka ako. At iyong isusuka ko? Itong makulit kong puso.

Naghilamos ako para mahimasmasan. Ayoko nga sanang iwanan sandali ang exam ko pero hindi talaga gumagana ang utak ko ngayon. Kailangan ko munang i-clear ang isip ko kasi si Nico na lang ang laman no'n.

Grabe... hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na lumabas ang mga salitang iyon sa bibig niya. At sa harap pa talaga ni Chinnie na halatang may gusto sa kaniya! Hindi ko nga rin makalimutan iyong mukha ni Tourism student pagkatapos sabihin iyon ni Nico. Nalaglag ang panga niya at nakatingin lang sa ace spiker namin na hindi makapaniwala sa narinig.

Hindi ko siya masisisi kasi kahit ako ay hindi rin makapaniwala kay Nico!

Bakit niya sinabi iyon? Sinabi niya lang ba iyon para lumayo sa kaniya si Chinnie? Kung gano'n, bakit hindi na lang niya diniretso na ayaw niyang sumama kay Tourism student mag-hangout? Bakit kailangan pa niya akong idamay at sabihang yellow at baby niya raw ako?

Kasi parang ang lumalabas ay may gusto siya sa 'kin!

Hindi ko sigurado iyong sa yellow na part pero sa pagtawag niya sa 'kin ng baby, ang una talagang pumasok sa isip ko ay iyong pinsan niyang si Roen at ang boyfriend nitong si Kai.

Baby ang tawag ni Roen kay Kai tapos tinawag din akong gano'n ni Nico... hindi naman kami mag-boyfriend pero... may gusto rin ba siya sa 'kin?

Gusto rin ba ako ni Nico?

Hala.

Kung gano'n, dinamay ko pa si Aling Baby at ang lahat ng babae na may pangalang Babylyn!

Ako naman pala iyong baby na tinutukoy ni Nico! Iyon ang sabi niya, e! Mabagal lang ako p-um-ick up minsan pero hindi naman ako bingi! Sinabi niya iyon sa 'kin kanina, mata sa mata!

Napahawak ulit ako sa dibdib ko. Iyong puso ko... aatakehin na yata ako...

Binuksan ko ulit ang gripo saka naghilamos na para bang iyon ang gamot sa heart attack. Pagkatapos magpunas gamit ang tissue ay tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin at bahagyang napaatras nang makitang nakaawang ang labi ko kasabay ng pamumula ng buong mukha ko.

Jersey Number NineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon