30

20.6K 909 756
                                    

• 🏐 •

Sa wet market sana kami didiretso pagkatapos naming kumain ng ice cream pero naisip kong baka ireto na naman si Nico ni Aling Baby sa pamangkin niya. Kaya hinila ko ang boyfriend ko sa lugar kung saan siya mas sanay at mas magiging komportable: mall.

Akala ko pa nga no'ng una ay magiging mabilis lang kami sa pamimili kasi mga pagkain lang naman ni Bok ang bibilhin namin pero nagkamali ako. Ang Almojer, balak yatang bilhin iyong buong fruits and vegetables section ng grocery! Hala!

"Kaunti lang ang bilhin mo. Mabubulok lang iyan agad," saway ko sa kaniya pero parang wala siyang narinig.

Hala, ipipilit niya yata talaga na maging vegan si Bok! Hindi na ako magtataka kapag sinabong siya ng anak niya.

"This is not only for Bok, baby. Para rin 'to kina nanay at tatay," aniya.

Isa pang hala! C-in-areer na talaga ni sir ang pagtawag niya ng nanay at tatay sa mga magulang ko.

"Pero ang dami pa rin nito," sabi ko habang namomroblemang tinitignan ang malaking cart na kinalahati niya ng prutas at gulay. Kahit magsanib pwersa pa ang parents ko at si Bok, hindi nila 'to mauubos. Nakakahiya naman sa kaniya at sa wallet niya. Isa pa, baka sabihin ng makakakita ro'n sa 'min, siya ang tigabili namin ng grocery supply. Marami pa namang tsismosa sa paligid ng bahay namin.

"Kulang pa nga iyan. Let's go to the meat section."

"Hala, 'wag na. Ang mahal na nito-"

"Don't worry about it, baby," ngisi niya sa kayabangan niya. "Let's also buy eggs. Mga twenty dozens. Para hindi na magbigay sa inyo ang Julio na iyon."

Napakurap ako. "H'wag mo sabihing nakikipagkompetensya ka sa itlog ni Julio?"

"I'll prove to him na mas masarap ang itlog ko."

At wala na nga akong nagawa nang hilahin na niya ako paikot sa buong grocery. Siya na ang naglalagay ng mga kung anu-ano sa cart namin habang ako ang ginawa niyang tiga-tulak. Hindi ko na talaga alam sa lalaking 'to. Paanong mas magiging masarap ang itlog niya kay Julio, e, rito niya lang naman binili sa grocery? Wala naman siyang manukan. Hay naku.

Isa pa, kabibigay lang ni Julio ng itlog kahapon! Anong gagawin nina nanay sa napakaraming itlog? Baka tubuan na sila ng eggshell sa katawan kaka-itlog nila!

Pero wala pa rin akong nagawa. Kahit anong reklamo ko, lumalabas lang lahat sa kabilang tenga ni Nico. Hanggang sa mamalayan ko na lang na naka-tatlong malalaking cart na pala kami ng mga pinamili niya. Tuwang-tuwa pa iyong taxi driver na nasakyan namin pauwi kasi binigyan siya ng malaking tip ni Nico.

At gaya ko ay gulat na gulat din sina nanay at tatay pag-uwi namin. Hindi pa nga malaman ni nanay ang gagawin sa rami ba naman ng pinagbibili nitong isa. Napapailing na lang ako habang tinutulungan siya na ayusin lahat. Para na nga kaming naglalaro ng Tetris sa ref namin para lang mapagkasya lahat ng dapat ilagay ro'n.

Gusto nga nilang tanggihan sana pero alangan namang ibalik namin lahat sa grocery, 'di ba? At kapag titignan ko si Nico ay nakangiti lang siya ro'n na para bang proud na proud siya sa nagawa niya.

Ganito pala siya maging boyfriend.

Kulang na lang ay pati cashier sa grocery ay bilhin niya.

Hindi rin nakaligtas si Bok. Pagdating namin sa bahay ay sa kaniya agad dumiretso si Nico para pakainin siya ng repolyo. Iyon nga lang, ayaw pa kumain ng anak ko. Siguro kasi ay busog pa. Pero halos matawa ako sa mukha no'ng isa kasi ang haba ng nguso at takang-taka kung bakit ayaw kainin ng anak niya iyong binili niya.

Jersey Number NineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon