28

15.6K 828 383
                                    

• 🏐 •

"Mag-iingat kayong dalawa," sabi ni nanay sa 'min ni Nico kinabukasan.

Napagkasunduan kasi namin ni Nico na ipapasyal ko siya sa Iloilo River Esplanade. Boardwalk iyon na malapit sa Iloilo River. Naisip ko kasi na simula nang dumating ako rito sa 'min ay hindi na ako nakakapag-workout man lang. At dahil malapit lang iyon dito sa 'min ay s-in-uggest ko kung pwede bang mag-jogging kami ro'n o kahit maglakad-lakad lang.

Pumayag naman itong boyfriend ko.

Kahit saan ko raw siya dalhin, sasama raw siya.

Napapailing na lang ako kagabi. Paano pala kung dalhin ko siya sa manukan nina Julio? Sasama pa kaya siya? Halos wala pa naman siyang tigil kagabi kakasabi na nagseselos daw talaga siya.

Napakaseloso pala niya.

Hindi na ako magugulat kung pinagselosan niya rin si Bok kasi galing ang anak ko sa itlugan nina Julio. Naku, tatawanan ko talaga siya kapag nalaman kong nagselos siya sa manok.

Pero grabe naman kung magseselos nga talaga si Nico sa nilalang na may pakpak.

"Opo, 'nay," sagot ko saka ako nagmano sa kanila ni tatay na may hawak nang isang tasa ng kape. Sa totoo lang, kanina pa sila gising bandang alas quatro ng umaga. Pero gano'n nga yata talaga ang mga matatanda sa probinsya. Maagang nagigising kasi mas gusto nilang mauna sila sa pagtilaok ni Bok.

Nagmano rin sa kanila si Nico. "Mauna na po kami, nanay, tatay."

Bahagya akong nagulat sa narinig ko sa kaniya. Napaawang ang labi ko at napatingin kay Nico na natigilan din. Napansin kong namula ang mga tenga niya saka siya napakurap.

Hala, natawag niya ring nanay at tatay sina nanay at tatay!

Hala! Ang dami namang nanay at tatay no'n, Seb!

Pero, teka, nadulas ba si Nico?

Kahapon, nakikianak siya kay Bok tapos ngayon naman ay nakikinanay at nakikitatay na rin siya?

"Uh, s-sorry po. I mean po, tita, tito, m-mauna na po kami," nauutal na sabi niya.

Pero tumawa lang sina nanay. Si tatay naman ay napangiti. "Nahawa ka na siguro kay Sebastian, ano?" Si nanay.

Napakurap si Nico saka napakamot ng batok. Bahagyang namumula na rin ang mga pisngi niya. Hala, parang baby na nahuling nagkakawkaw ng tubig.

Pinigilan kong mapangiti. Ang... cute.

"Siguro nga po," sagot niya.

"Ayos lang, hijo. Sige na. Nanay at tatay na rin itawag mo sa 'min."

Mas lalong namula si Nico pero malapad naman ang ngisi. Hala, tuwang-tuwa na pwede na niyang tawaging nanay at tatay ang mga magulang ko. Pero sa totoo lang, kahit ako ay natutuwa na magiliw sa kaniya sina nanay at tatay.

Pero palagi namang welcoming ang mga magulang ko sa mga kaibigan ko. Ang tanong ay ganito pa rin kaya ang magiging trato nila kay Nico kapag nalaman nilang higit pa sa kaibigan ang relasyon ko sa kaniya?

Ito talaga ng iniisip ko kagabi hanggang sa makatulugan ko na lang. Ayoko sana sabihin 'to pero hindi masyadong nakatulong na nasa kabilang kwarto lang si Nico na nagmumukmok kasi gusto niyang matulog sa kwarto ko.

Gusto niya ay tabi raw kami.

At aaminin ko, gusto ko rin naman iyon. Tatabi lang naman pala siya, e. Isa pa, boyfriend ko naman siya. Sabi nila Uno, pwede naman daw magtabi sa kama kapag mag-boyfriend na.

Pero kahit natutukso na sa sunod-sunod na text ni Nico ay hindi talaga ako bumigay. Inisip ko kasi na baka mahuli pa kami ni nanay. Hindi ko pa naman ugali na mag-lock ng pinto ng kwarto para just in case na may emergency ay makatakbo ako agad.

Jersey Number NineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon