33

18.2K 783 423
                                    

TW: self-harm and violence

• 🏐 •

"Seb..."

"Seb, come here..."

"Bunso, palaging proud si tatay sa 'yo..."

"Seb, bakit ka lumalayo kay coach? Lapit ka rito. Tabi ka sa 'kin..."

"Seb, samahan mo kami rito ni Harold..."

"Seb, anak, gusto ko nang sundan ang tatay n'yo..."

"Seb, ang bango mo..."

"Seb, hindi pwedeng si Nico lang ang makakatikim sa 'yo..."

"Bunso, mahal na mahal ka ng tatay..."

"Mali iyang nararamdaman mo, Sebastian..."

"Walang mali sa 'yo, Seb..."

"Seb... Seb..."

"Seb!"

Hingal na hingal ako nang idilat ang mga mata. Hindi ko na inalintana ang nararamdamang pawis na tumutulo sa noo at mabilis na nilibot ng tingin ang paligid habang bumabangon sa pagkakahiga.

At nang makumpirma na wala ako sa lugar na iyon ay doon pa lang unti-unting napanatag ang buong sistema ko.

Ligtas ka, Seb. Ligtas ka.

Yumuko ako at pumikit. At sa nanginginig na mga kamay ay pinunasan ko ang mga luhang hindi ko na namalayang tumutulo na rin pala. Ilang mahahaba at malalalim na buga ng hangin ang ginawa ko para ikalma ang sarili.

Panaginip lang, Seb. Masamang panaginip lang ulit. Isang bangungot na paulit-ulit kong napapanaginipan gabi-gabi sa halos isang buwan ko rito sa lugar na sobrang layo sa kinalakihan ko.

Pero ligtas ka na, Seb.

Hindi ka na niya mahahawakan.

Hindi ka na niya magagawan ng masama.

Malayo ka na sa demonyong iyon.

Pero gaya ng huling apat na linggo ko rito sa Taiwan ay hindi ko mapipigilan na hindi umiyak pagkatapos ng masamang panaginip na iyon. Gustuhin ko mang patigilan ang mga luha ko ay para bang may sarili silang isip at kusa na lang silang bumabagsak habang ako naman ay walang magawa kundi patahanin na lang ang sarili bago pa makagawa ng malakas na hikbi.

Pero wala pa ring luha ang makakapagpagaan ng sakit, takot, at pangamba na nararamdaman ko ngayon.

Kahit ilang beses akong umiyak... kahit gaano katagal pang bumuhos ang mga luha ko... alam kong nakaukit na sa 'kin iyong sakit ng mga nangyari.

At kahit ilang araw o taon pa ang magdaan, hinding-hindi ko iyon lahat makakalimutan.

"A-Anak... a-ang tatay mo... w-wala na siya... p-pinatay nila si tatay mo, Seb..."

Nang marinig ko ang mga salitang iyon galing sa umiiyak na boses ni nanay ay para akong nabingi. Literal ding nablangko ang utak ko. Para akong sanggol na wala pa talagang naiintindihan.

Anong sabi ni nanay?

Si tatay... wala na?

Patay... na?

Pinatay...?

Pero paano namang mangyayari iyon? Kausap ko lang siya no'ng isang gabi! Pinatahan niya pa ako no'ng umiiyak ako! Nagkwentuhan kami! Nagtawanan! Niyakap pa nga niya ako! Sinabi pa nga niya sa 'kin na proud siya palagi sa 'kin! Tapos hinatid pa kinabukasan sa airport! Nilingon ko pa siya at nakangiti pa siyang kumakaway sa 'kin!

Jersey Number NineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon