Kabanata 17

39 2 0
                                    

Kabanata 17

Scared

Kasama namin si Natia habang nasa watson kami. Namimili ng make up at namimili narin nang syringe para sa return demo namin bukas.

Nilagay ng Cashier sa counter ang 1cc 3cc 5cc at kulay green na butterfly na syringe, three each.

"Pwede ka ba daw praktisan Khaos?" Singit ni Natia.

Nasa likod ko siya, pumipila.

"Huh?" Sagot ng lalaki at nilingon ang kaibigan ko.

Tiningala ko ang lalaki at nakita ang pagtataka sa kanyang mata.

"First time kasi ni Mae. Kung pwede daw mag practice tapos ikaw ang patyente. So she can know how to do it tomorrow."

Nanlaki ang mata ni Khaos at nilingon ako.

"Natia is just joking." Sabi ko agad dahil nakita ko bahagya ang takot sa kanyang mga mata. Gusto ko mang matawa kaso baka mas lalong matakot.

Binayaran ko ang pinamili ko. I bought ternique, pnss, and sterile water. Khaos made an effort to pay, but I refused and paid for my stuff. I refused and paid for my stuff, since I was the one who needed it.

Humingi ako ng pera kay mama kaninang umuga mabuti at sobra sobra ang binigay miyang pera. Ang kalahati ng binigay niya nasa ipon ko at ang kalahati ay nasa akin ngayon pinang bibili ko ng mga gamit.

"It's okay, Mae. Go ahead and practice on me." His voice was steady and impassive.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Hindi ka takot sa karayom?"

Umiling siya.

"Nope."

Pinaningkit ko ang aking mata tila hindi nani iwala sa kanya at hinahanap ang totoong narardaman nito.

"Okay. Sabi mo..." I trailed off

Tumango siya bago nag iwas ng tingin. Kinuha ko ang aking pinamili at hinintay namin si Natia matapos mag bayad.

"Are you sure you're okay with it?" Paninigurado ko.

"Yes, Mae. I'm not scared of those little needles." His tone was cool.

I shrugged my shoulders. Let's see.

Dumaretso kami sa coffee shop na tinatambayan namin at umorder. I ordered a non-coffee drink and sat down at my favourite spot with Natia. Si Khaos ang nasa counter naghihintay sa aming order. Nilingong ko ang lalaki at nakita itong patungo na sa aming table at may dalang tray na naglalaman ng binili naming drinks at may cakes narin siyang binili. Umopo sa aking tabi si Khaos at nilipat ang binili sa lamesa.

"IM ang gagawin ko para hindi masyadong masakit." Sabi ko.

Kinuha ko ang 5cc at kinuha ito sa supot. Nilingon ako ni Khaos na kakalapag lang ng cake sa aking harapan.

"Mae, ang laki naman nyan." Sabi ng lalaki sa aking gilid.

Narınig ko ang tawa ni Natia. Natawa narin ako bahagya. Natia tasted the cake in front of her.

"IM nga, kaya 5cc." Sabi ko. "Mas masakit tong 1cc kasi skin test."

Napalunok ang lalaki habang kinukuha ko ang takip ng syringe.

"Pnss ang gamitin ko para hindi masakit." Dagdag ko pa. 

Nilingon ko siya at natawa ng makita ang takot sa kanyang mga mata. Kinuha ko ang alcohol swab at tawa parin ng tawa habang humaharap ako sa kanya.

Fragments of Serenade (Medical Course Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon