Kabanata 12

54 2 0
                                    

Kabanata 12

Gentleman

Pumasok ako sa gate ng school at namataan si Natia sa gilid ng pathway, harap ng puno naghihintay sa akin. Inayos ko ang aking glasses ang makita niya ako at kumaway.

Naglakad ako palapit sa kanya.

"Ang tagal mo-" she stopped in the middle of her dialogue when she saw my puffy eyes. "What happened? Si Kuya mo na naman ba?" Galit nitong tanong. 

Ngumiti lang ako ng tipid bilang sagot.

Malakas siyang bumuntong hininga at hinila ako patungo sa mga benches malapit sa amin. Hinawakan niya ang aking kamay habang nakaharap sa akin.

"Anong ginawa sayo? Malala ba?" Nag aalala niyang tanong.

I never tell her what's going on in my family. Konti lang ang alam niya, at hindi ko masyadong nagsha-share sa mga problemang dala ko, dahil ayaw ko rin siyang mag-alala para sa akin. I don't want her to be bothered by the heavy burden I'm carrying, so I tell her very little about what happened. Ayokong madamay siya sa mga pinagdadaanan ko, kaya't mas pinipili kong kimkimin na lang ang lahat.

"Bakit hindi ka nalang umalis?" Tanong niya matapos kung sabihin ang nangyari kagabi.

Bumuga ako ng hangin.

"I already thought of that a thousand times, Nat. Pero dahil sa kursong ito, hindi ako maka-alis-alis. Kahit may scholarship ako, hindi kakayanin ng part-time job lang ang tuition ko sa isang sem."

"Wala ka bang ibang kamag-anak na pwedeng tumulong sa'yo?"

"My mother's relatives hated me."

"Huh? Bakit?"

"They all hated my father."

"Mga kamag-anak ng papa mo?"

"My father is a bastard, Nat. Walang tatanggap sa akin dun."

She squeezed my hand and looked at me with such pity in her eyes.

"Maybe, your papa's biological father is nice?"

I sighed deeply and shook my head. "My father is a bastard of a well-known lawyer. Their family is rich and powerful. Lumayo si Papa matapos siyang pagbantaan ng asawa ng kanyang ama. Ayaw nilang masira ang imahe nila sa publiko kaya pinalayo nila ang Papa ko. Hindi rin interesado si Papa na makipag-ugnayan sa kanila dahil sa mga nangyari. Kaya mula noon, hindi ko na sila nakita pa."

"Paano kung i-threaten mo? Sabihin mong ilalabas mo sa publiko ang totoo kung hindi ka nila tutulungan."

"Namatay naman ako niyan," I said playfully, trying to lighten the mood.

She pouted.

"It's okay, Nat. Three years na lang rin naman ang titiisin ko."

She smiled sadly. "Kung may mangyaring masama, tawagan mo ako ha? Isasama ko si Papa."

Tumango ako, feeling a bit reassured. "Tapos ipabugbog niyo ng malala ha."

"Oo naman, yung tipong hindi na makakalakad ang lalaking 'yun!" Nanggigigil niyang sambit, her eyes burning with determination. "

Napangiti ako. It's nice to have a friend like her. Her concerns towards me are genuine, and it's making my heart soft kasi kahit papaano mayroon pa palang nag-aalala sa kalagayan ko. Her unwavering support and kindness remind me that I'm not alone in this struggle. That's why this friendship with her is very precious to me. She has been my comfort since high school, and I appreciate her genuine concern and love for me more than words can express. Sa lahat ng pinagdadaanan ko, siya ang naging sandalan ko, at sa kanya ko natagpuan ang kaibigan na handang dumamay anuman ang mangyari.

Fragments of Serenade (Medical Course Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon