Kabanata 7

47 2 0
                                    

Kabanata 7

Nursing week

Binaba ko ang aking kamay at pinakawalan ang string ng ribbon. Umatras ako at tinignan ang disenyo sa harapan. Nakaramdam ako ng kasiyahan sa resulta. Kahit pa Linggo pa lamang, marami nang mga nursing student ang narito upang asikasuhin ang kanilang mga booth. Kitang-kita ang kasiglahan sa paligid, at marami sa mga opisyal ng LSC ang naroon upang tumulong.

May inassign kaming gagawa ng disenyo para sa entablado, ngunit sa kabila nito, nagboluntaryo pa rin kaming tumulong.

"Gov, smile!" Nilingon ko si Vince na may dala dalang camera.

Ngumiti ako agad at narinig ang shutter ng camera. Nag thumbsh up si Vince sa akin.

"Isa pa!" Another shutter from the camera. "Fierce naman gyan!"

Sinimangotan ko siya. Ngumisi siya at binaba na ang camera. "Joke lang."

Tinutok na naman niya ang camera sa harapan at kinunan ng litrato ang stage.

Umiling ako at nagtungo sa mga opisyal na nagpapalobo ng mga lobo. Kumuha ako ng isang lobo at nilagyan ito ng hangin. Habang ginagawa ko ito, panay ang kuha ng litrato ni Vince para sa dokumentaryo na ipo-post sa main page at page ng nursing department.

Siya na ang nag assign sa sarili niyang kumuha ng litrato.

"Kung sana tinulong niya rito ang pag kuha ng litrato? Kung hindi lang talaga kaguwapuhan itong si vice gov." Ani ni Olvia.

"Hayaan mo na, marami narin naman tayo. Astaka senior mo yan, Liv." Dhea.

Tumahimik sila habang lumalapit si Vince sa amin. Ang tingin niya ay nasa kamera lang habang naglalakad palapit sa amin. Nag angat siya ng tingin at dumeretso sa tabi ko, na tila ba hindi namamalayan ang pagiging sentro ng atensyon.

"Okay ba gov?" Tukoy niya sa kinuhang mga litrato.

Lumapit ako bahagya at sumilip sa kanyang mga kinuha. He pressed something so the pictures can be replaced with another pictures.

Tumango tango ako.

"It's good. Pero pwede paki-ulit 'yung ika-apat na slide?"

"Saan dito?" Pindot-pindot niya ang kamera hanggang makita ko na ang tamang litrato.

"Yun!"

"Ito?" Huminto siya sa partikular na larawan na tinuro ko.

"Yep, medyo lumayo ka ng konti, at angle mo bahagya sa itaas."

"Okay, copy gov."

Umalis siya kaya nagpatuloy ako sa paglobo ng lobo.

Kagabi pa ako nakapagpaalam kay Mama na may aasikasuhin ako sa paaralan. Swerte nga at pinayagan niya ako nang ganap, kaya inuna ko muna ang mga gawain sa bahay bago ako nagtungo rito ngayong araw.

Kinuha ko ang mga lobo na tapos nang palobohin at nilagay ko ito sa tape na mahigpit na humahawak sa mga ito para maging magkasama ng maayos.

"Nandito ang Dean," rinig kong sabi ni Melvin.

Nilingon namin kung nasaan ang Dean at agad itong binati.

"Wow, ganda!" ngiti niya habang nakatitig sa entablado. "Gov?"

Mabilis akong nagpakita at naglakad palapit sa kanya.

"Dean?"

"Kamusta, nakapagbayad ba ang lahat?"

"Meron talaga pong matitigas ang ulo. Konti nalang din naman po silang hindi pa nakapagbayad."

"Ganon ba? Ibigay mo sa akin ang mga pangalan at i-mention natin sa GC. Mukhang hindi ata takot sa extension."

Fragments of Serenade (Medical Course Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon