"Cruz, ikaw ang pumunta dun sa airport at salubungin mo si Mr. Zade Dylan Manansala" utos saakin ni Madame Amelia, ang senior namin dito sa office or should I say our boss.
"Po? Pwede po bang si Ella nalang po?" suhestyon ko dahil personal reason.
"Aba, at ngayo'y nagrereklamo kana? Hindi pwede si Ella, may ipapalakad ako dyan mamaya" sagot nya sa tanong ko. "Bakit? May problema kaba sa pinapagawa ko?" Tanong nya saakin.
"W-wala naman po" nakayuko kung sagot. "Madame, anong oras po ako pupunta duon?" tanong ko at nag-aabalang linisin ang mga nagkalat na papel dito sa lamesa ko.
"50 minutes from now. Kaya, dalian mona at naghihintay na si Archie sayo" saad nya na ikinakunot naman nang mga kilay ko. Archie? Sino yun?
"Madame, sino po yun?" maamo kung tanong sakanya.
"Ay oo nga pala, nakalimutan ko. Isa syang bagong camera man dito sa departamento natin." pagsasalaysay nya tungkol sa lalaking iyun.
"Si Dan po? Asan po sya?" tanong ko ulit. Alam kung naiirita na itong si madame sa dami kung tanong sakanya. Pero hindi nya naman ako masisisi.
"Magkasama sila ngayon ni Ella." nagulat ako sa narinig ko. Magkasama sila? Mag ex sila diba?
"Okay po, alis napo ako" pagpapaalam ko at sumakay na ng elevator papuntang parking lot.
Pagkababa ko ay may nakita akong camera man. Eto siguro ang tinutukoy ni madame saakin. Matangkad, makisig, pogi at swak ang mukha at pangangatawan sa pagiging modelo.
Nilapitan ko sya at tinanong. "Ikaw ba si Archie?"
"Ah Oo, ikaw ba si Leijah?" tanong nya saakin pabalik.
"Yes, just call me LJ." sagot ko at pumasok na sa sasakyan.
Pumunta na kami sa NAIA kung saan ang airport nya. Parang ayokong tumuloy. Kinakabahan ako, hindi kopa sya kayang makita.....ulit.
Pinagbuksan ako ni Archie ng pinto at nagpasyang lumabas na. Nakita ko agad ang nagkakagulong mga reporters galing sa iba't-ibang estasyon. Alam ko na agad na si Mr. Manansala na agad ang pinagkakaguluhan nila. Ano ba ito, hindi ko man lang maigalaw ang mga paa ko papunta sa direksyon nila. Ayokong tumuloy.
"LJ? Tara na?" pag-ayaya sa akin ni Archie.
Tumango na ako at sumunod sakanya. At nakalapit na kami sa mga reporters na nagkakagulo at nakita ko sya.....of all the years. Walang nagbago sakanya. Well, mas magara na ang suot nya at mas sosyal ito. Pero hindi parin nagbago ang kanyabg kakisigan, at kagwapohan.
"Mr. Manansala, kamusta po kayo sa pagbabalik bansa ninyo sa tatlong taong pananatili sa estados unidos?" tanong ng isang reporter.
"Well, i'm glad and happy to be back here in the philippines. It's been a while" malamig nyang saad.
Nagulat ako nang biglang magtama ang mga mata namin. Nothing really changed, he is still the Zade that i have loved before. And i betrayed too."Yes, it's been a while" pag-ulit nya sa sinabi nya kanina na nakatingin sa akin.
Hindi na kami nagtanong sakanya, dahil lahat ng naihanda naming tanong ay tinanong na ng iba. Si Archie lang ang busy dahil nagfi-film nalang sya.
I was just staring at him the whole time. I saw him smile slightly.....namimiss kona ang mga ngiti nyang aabot sa tenga nya. Yung Zade na pinagkatiwalaan ako sa mga sekreto nya. Pero, sinira ko ang tiwalang yun.
"I just did it because i needed money love.....i'm sorry" bulong ko sa hangin na para bang maririnig nya ako. Umiiyak na ako dito, sising-sisi ako sa ginawa ko sakanya noon. I kept on saying sorry in the air. I can't bare him seeing him again....all of the memories, and my mistakes we're once again reflected on his clear eyes.
"Mr. Manansala, kung makikita mo o makilala man lang ang taong nagpakalat sayo ng rumors, mapapatawad mopa ba yung taong yun?" tanong ng isa pang reporter na dahilan sa pag iwas ko ng tingin.
"I won't give HER a damn" huli nyang sagot at sumakay na sa mamahalin nyang kotse at umalis na.
Nagkakagulo na ang iba dito dahil sa pagbanggit nya na 'her'
"So, babae pala yung nagpakalat nun?" pag uusisa nang isang reporter.
Nagtataka na sila kung sino talaga ang 'babaeng' iyun. Hindi kona kaya silang makita na nag-uusisa. Kaya umalis nalang kami ni Archie.
Habang nagda-drive itong si Archie ay bigla syang nagsalita. "LJ, bakit kaba umiiyak kanina?" tanong nya saakin.
"Wag na nating pag-usapan. Waste of time" deresto kung tanggi.
"It's better to share, than to keep it silent" advice nya at tumigil na muna sa drive thru at um-order.
Tama sya, it's better to share, than to keep it silent. Pero paano ko naman ishe-share? Kanino? Kailan? Okay naman sa akin ang isekreto ang lahat. Subok na ako nang panahon. Lumaki akong tago ang mga emosyon ko. Hindi nga alam ng mama ko kung anong nararamdaman ko eh. Pakiramdam ko, wala akong kakampi. Totoo naman eh, you only have yourself in the end of the day.
"LJ oh, libre ko" saad saakin ni Archie at inabot ang chicken saakin.
"Wow ha, kabago-bago kalang dito sa trabaho mo, may sahod ka agad. Kainggit naman" tumatawa pa ang kumag nato!
Pero bakit ngaba? Mukhang binibigyan sya ng advance ni madame ah! Shuxs! Favoritism. Baka naman sya tagadilig ni madame? Huy! LJ! Tama na. Laswa ng iniisip mo.
"Tara, balik na tayo" pagpapaalala ko sakanya.
"But always remember, nandito lang ako sa tabi mo kung kailangan mo'ko. Kung kailangan mo ng taong masasandalan. Andito lang ako palagi" saad nya at pinaharorot na ang sasakyan.
BINABASA MO ANG
News for Love (series #1)
RomanceIba-iba ang ating landas na tinatahak, katulad nalang ni Leijah Jamir Cruz na ang pangarap ay maging isang reporter. Pero, sa kanyang paglalakbay tungo sa kanyang kinabukasan ay may kaakibat na pag-ibig. May patutunguhan kaya ito? o mawawasak lang d...