"Dalian mo na dyan! Hali kana!" Hinila ko sya palabas ng kotse nya. Nasa dalampasigan na naman kami, may surprise ako sakanya.
"Deiah already told me, she said you have a thesis." Nag-aalala nyang sinabi.
"Ano kaba naman! Ako na bahala sa thesis ko, may importante kasi akong sasabihin sa 'yo. Baka ikaw? Busy kaba? Baka nakakaabala ako sa 'yo ha"
"Of couse not! Hindi ka abala sa 'kin, and you will never be Leijah." nginitian nya ako. May kakaiba akong nararamdaman sa tyan ko, para bang may mga paru-paro sa tyan ko.
"Upo tayo" nilagay nya ang isang blanket at inayos ito para may maupuan kami, para din hindi na madumihan ang damit namin.
"Wait, I'll go get something. Wait for me" Tumayo sya at tumungo sa kotse.
Hihintayin ko naman ang matamis mong Oo, hihintayin kita, hanggang sa maging handa ka. Iyon ang mga salitang bintawan nya, at iyon ang kinakapitan ko. Ngayon handa na ako, handa na akong mahalin ka ng buong-buo.
Nakita ko sya sa hindi kalayuan, naglalakad sya patungo sa gawi ko. May hawak syang gitara.
Umupo ulit sya sa tabi ko at nagsimula ng mag-strum ng gitara.Habang nagsa-strum sya ng gitara, panay naman ang nakaw-tingin ko sakanya. Hindi ko mawari ang nararamdaman ko, alam ko lang ay gusto kong tumada kasama ang lalaking 'to. At komportable ako sa bisig nya...
Kung inaakala mo, na ang pag-ibig ko'y magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming paskoNgumingiti sya sa 'kin habang naggigitara. Saglit 'kong pinikit ang mga mata ko at nilanghap ang sariwang hangin na bumabalot sa aming dalawa.
Kahit na, di mo na abot ang sahig
Kahit na, di mo na 'ko marinig
Ikaw parin ang, buhay koTumigil sya sa pag-gitara at nagitinginan kami sa isa't-isang mga mata.
"Bakit ka dumiretso sa chorus?" biglaan kong tanong sakanya. "Oh baka chorus lang din ang alam mo" pambabara ko sakanya.
"Alam ko 'yung simula no'n. Paano ko makakanta 'yun eh nanliligaw palang ako sa 'yo?" inosente nyang rason.
Oo nga pala, at may point naman sya. Talino talaga ng boyfriend ko! este, manliligaw pala.
"Siguro someday, makakantahan mo rin ako ng simula no'n. Halimbawa na roon, ay ngayon."
"Ha? Di ko gets. What do you mean?"
"Ako si Leijah Jamir Cruz, buong puso kitang tatanggapin Zade Dylan Manansala, bilang boyfriend ko. Sa madaling salita, sinasagot na kita"
Sa pagbigkas ko sa mga salitang 'yun, nakita ko kung paano nagliwanag ang mukha nya.
BINABASA MO ANG
News for Love (series #1)
RomanceIba-iba ang ating landas na tinatahak, katulad nalang ni Leijah Jamir Cruz na ang pangarap ay maging isang reporter. Pero, sa kanyang paglalakbay tungo sa kanyang kinabukasan ay may kaakibat na pag-ibig. May patutunguhan kaya ito? o mawawasak lang d...