CHAPTER 09

2 1 0
                                    

"Ayan, bagay na bagay sayo Leijah" papuri ni Deiah.

"Fit din sayo ang heels" Janna.

"Shuxs, sorry ah. Nakalimutan ko ang underwear na ipapahiram sayo" Pambabara ni Chel.

"Hindi ako ganun ka mahirap para manghiram pa ng underwear" pagtatanggol ko sa sarili.

"Tama na nga kayo, para kayong nga bata." Suway sa amin ni Janna.

Dito na nag ayos sila Chel at Janna, at dito narin ako pinag ayos ni Tita Sharlei. Napaka swerte ni Deiah sa mommy nya, masyado lang strict pagdating sa pagkain na kinakain ni Deiah.



Isa kasing model noon ang mommy Deiah, kaya ganun-ganon nya lang disiplinahin si Deiah. Pero inggit na inggit parin si Deiah sa kapatid na si Driah, walang bawal kasi.


Ewan ko ba, 'yung mga kaibigan ko, kumpleto ang pamilya ang magulang nila. Pero may sayad din. Palagi silang naiinggit sa kani-kanilang kapatid. So ano? Swerte ako't wala akong kahati sa lahat ng bagay?


"Huy 'te, oks kalang? Ang lalim ng iniisip mo ah?" bumalik ako sa realidad ng nagsalita si Chel.

"Ah, Oo. May iniisip lang" sagot ko ng walang pag-aalinlangan.


"Ang iniisip mo ba ay 'yung nagkita kayo ng the one and only Zade Dylan Manansala sa dalampasigan malapit sa school?" Chel said that made my breath taken away for like two seconds.


"H-ha? A-anong ibig mong sabihin? Hindi ko nga nakita 'yung lalaking 'yun sa personal" kabado na ako.


Ipinakita ni Chel ang cellphone  nya na may litrato kaming dalawa ng Zade na iyon sa dalampasigan. "Paki explain po" She said.


"Itago mo nga 'yan!" I whispered at her and she then hide her phone.


"Tama ako 'no?" tumatawa pa ang gaga.


Tumayo ako at kinaladkad sya palabas at naabutan kami ng Daddy ni Deiah si Tito Vin.


"Oh, nga hija? Saan ang punta 'nyo?" Nakangising tanong ni Tito Vin.


"Magpapahangin lang po kami ni Chel sandali, promise po babalik kami agad" I assured him.


"O sya sige, siguraduhin 'nyong hindi kayo lalayo. Aalis na tayo anytime soon" Pinal nyang paalala sa amin.


"Sige po" Sagot ko at pinaupo si Chel sa upuan at so am I.


"What?" she teased me.


"Saan mo nakuha ang picture na 'yun?" seryoso kong tanong.


"Sa cellphone ko?" sagot nya na parang tunog na nagtatanong.


"So, nandun ka din sa dalampasigan?" tanong ko ulit.


"Oo, hindi na ako nagpakita kasi baka maabala ko ang date ninyo eh" sagot nya ulit.

"Huy! Unang-unang, hindi kami nagde-date. Pangalawa, nagkataon lang 'yun. Malay ko ba kung nandun din pala sya" sagot ko naman.


"Don't worry LJ, I'll keep it as a secret. Tsaka, hindi kita ilalaglag kay Deiah. At ayaw ko rin naman na masaktan ang gagang 'yun." She assured me.

"E ikaw? May dapat kang sabihin sa akin" sabi ko na ang tinutukoy ay 'yung Ms. Vargas na pinag-uusapan nila ni Janna kanina.


"'yun ba ay sa pinag-usapan naming Ms. Vargas?" Tanong nya at tumango ako.

"Girlfriend sya ni Drake. The football player that I like." she said full of sadness on her face.


"So? Ano 'yung connect 'dun sa conyo effect mo kanina?" tanong ko.



"It's just....I badly want to be her. I want to be her, for Drake loves her very much. Gusto kong maging sya, gusto kong gayahin ang mga estillo nya. Ang lahat-lahat sakanya. Kasi, gusto ko rin na gustusin din ako ni Drake-" I cut her words


"Girl! Wake up! This is not you! This is not Chelsea anymore, this is not my friend anymore. Hindi ikaw 'to. Alam mo 'yan sa sarili. Don't change yourself easily just because you like someone. Kung hindi ka nya gusto, so what? Nandito parin naman kami, nandito ako. I will always be here even if you will be the worst person on earth. I love you Chel, we love you." I hugged her because she is starting to cry.









-Nics

News for Love (series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon