CHAPTER 18

0 0 0
                                    

Isang buwan na ang nakalipas noong niligawan ako ni Zade. Pareho kaming busy at pagod sa  mga academics namin.

Sya, nasa UST. At habang ako nama'y nasa senior high pa lamang. Pero hindi nya nalilimutang kamustahin ako, at 'yun ang nagustuhan ko sakanya.

"Ano balak mo 'te?" Tanong sa akin ni Chel, tungkol ito sa panliligaw ni Zade sa 'kin. I won't deny the fact that I'm also and already in love with that man. I mean, he's the man of my dreams and he's not hard to fall with.

"Ha? Well, balak ko sanang sagutin na sya. Pero mukhang busy sya eh, at ayoko namang abalahin sya. Baka pabigat lang din ako sakanya"

"Pabigat? Mukhang obsessed na yata 'yung tao sa 'yo eh." biro naman ni Janna.

"Leijah" hinawakan ni Deiah ang kamay ko. "Kahit kailan, hindi ka naging pabigat kay Zade. Neither us too. Kung tutuusin nga, you're a blessing to us. Because you're always there when we need you. When everything falls apart. Ikaw ang matatakbuhan namin"

"Ano ba 'yan! Ang aga-aga pa, para paiyakin nyo ako! Maghulos-dili nga kayo dyan!" pinunasan ko ang luha ko.

"Tama kaya si Deiah. Like an angel in disguise!" may pa hand  gesture pa nyang sinabi.

"Tara na nga kayo, magsisimula na first period ko!" Itong STEM student talaga namin.

"Huy Deiah! Wag mong masyadong talinuhan at seryosuhin ang stem ha! Baka matalo mo si Evan nyan!" reklamo naman ni Janna.

Evan? Sino 'yun? Wala naman akong narinig at alam tungkol sa taong iyon. Baka rival ni Deiah sa acads.

"Evan? Sino 'yun?" Tanong ko sakanila. Tiningnan nila ako na parang ang laki ng kasalanan ko dahil hindi ko kilala ang Evan na iyon.

"Seryoso LJ? Di mo kilala si Evan Conquevas?" Tanong naman ni Chel.

"Hindi nga, magtatanong ba ako sa inyo kung alam ko kung sino 'yun? Bakit ba? Top one ba 'yan?"

"Rival ko lang 'yun sa STEM. Matalino din" mahinang tugon ni Deiah at hindi makatingin ng diretso sa amin. Something is fishy...

"Correction! Rivals with benefits!" Nagtawanan sila. Samantalang ako, wala akong alam sa mga sinasabi nila. OMG, nahuli ata ako sa mga chikas ng mga babaenh 'to!

"Tingnan nyo si LJ, pinag-aaralan nya pa ang mga sinasabi natin. Palibhasa kasi, hindi nagba-back read sa gc natin eh" Bulyaw ni Chel.

"Si Evan kasi my dear Leijah, sya ang isa sa pinakamatalinong studyante sa stem. At kalaban ni Deiah 'yun. Of course, hindi kaya magpapatalo ang Deiah Shannaia natin!" Chel.

"But, but, but!  May nanagyaring na unexpected!" Janna.

"And It's on you to find it out. Back read kana dun sa gc."

SH SERIES:
-HELLO MY DEAREST READERS! I HOPE YOU LIKED IT, AND SORRY FOR NOT UPDATING FOR SO LONG,
-KEEP SMILING, KEEP LOVING, AND KEEP VOTING‼️💋


News for Love (series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon