Biglang tumunog ang telepono ko out of nowhere. Tumatawag si mama, eto naman oh! Tulog pa yung tao eh. Padabog kung sinagot ang tawag nya na antok na antok pa.
{Leijah Jamir! Kanina pa ako tawag ng tawag sayo! Tulog ka parin ba?!} bulyaw saakin ni mama sa kabilang linya.
"Good...goodmorning ma....." antok kung bati sakanya.
{I video call monga ako, para makita ko yang dugyot mong mukha} utos saakin ni mama at sinunod ko naman.
{LJ naman, mahuhuli kana sa klase mo riyan. Tingnan monga yang estado mo. Aypaka dugyot-dugyot mo. Bumangon kana jan at maligo kana}
"Ganda kaya ng anak mo ma." jusko! Ako nanga lang ang bumola sa sarili ko.
Yan ang mama ko, si Clara Grace Cruz. All thr way from London! Actually OFW sya roon. At naiwan ako dito. Single mom si mama, may kutob akong kilala nya ang tatay ko, pero ewan koba! Hindi nya sinabi kung sino. Pero palagi nyang sinasabi na 'wag munang hanapin ang tatay mo, wala naman syang inambag sayo' alam ko naman yun eh. Pero masama bang kilalanin? I mean, may karapatan naman akong makilala ang tatay ko?
"Sige na ma, maliligo na'ko. Malalate nako eh. Babye!" at in-off ang video call.
Actually, boarding house lang ang tinutuluyan ko which is pagmamay-ari ng tiya ko. Si mama na ang nagbabayad dito at sa mga pangangailangan ko. Syempre, sino paba? Kundi sya. Alangan namang ako eh wala nga akong source of income eh.
Dating gawi, maligo, toothbrush, at iba't-ibang uri ng hygiene na ginagawa natin sa umaga, specifically sa students. Excited na ako! Ngayon kami pararangalan ng certificate of appreciation dahil sa three outstanding.
"Tiya! Aalis na 'ho ako! Wag po kayong magpapapasok ng tao dito sa kwarto ko ha!" sigaw ko galing sa labas ng kwarto ko.
"Oh sige! Mag-iingat ka!" sigaw nya ng pabalik.
May tiwala naman ako kay tiya, pero gusto ko lang din maging assured. Baka may papasukin syang tao dito sa kwarto ko. May duplicate key kasi sya. In case of emergency.
Nandito na ako sa school, it's still 6:50am. Magsa-start ang ceremony in 7:10am. Kaya may time pa ako na maglibot-libot dito sa buong campus.
Pumunta muna ako sa gym, baka nanduon si Chel. Maaga kasi yun dadating dito kasi may 'morning practice' daw syang ginagawa, Sa pagpasok ko sa gym nakita ko agad sya. Nag-eensayo sya ng mag-isa. At kitang-kita ang kagalingan nito sa taekwando. Parang professional na ang mga skills na pinapakita nya.
"Chel!" sigaw ko na ikinagulat nya.
"Kung may balak kang patayin ako, wag mo'kong daanin sa panic attack" nakangisi lang ako sa sinabi nya.
"Galing mo naman," compliment ko sakanya.
"Gusto mo paturo? Kasi kung Oo, paturo din ako pa'no ko sya maaakit" nagulat ako sa sinabi nya. Akala ko boyish toh tangang 'to?
"Di, Joke lang" pagbawi nya sa sinabi nya. Pero eto parin ako, hindi naniniwala.
"Ikaw ha! Di mo naman ako ininform na girly kana pala ngayon ah." pagkutya ko sakanya.
"Who on earth said you that I am a lesbian?" tanong nya na pa-english. Na miss ko yung english nyang version. Noon kasi, englishera talaga sya.
"Alam mo, hindi ako interesado sa taekwando pero tutulungan kita kung paano i flirt yung lalaki." Well, if that's the case. Why not diba?
"Pero unang-una, sino yung guy?" tanong ko."The football player." maikli nyang sagot at namumula na ang mga pisngi nito.
"Girl, ikalma mo sarili mo. Para kanang hinog na kamatis" tumatawa kung saad.
Biglang tumunog ang bell, kung saan magsisimula na ang ceremony. Kaya agad-agad kaming pumunta sa ceremony area.
Nagsimula na ang ceremony kung saad napatugtog na ang lupang hinirang, panata, dance presentation, at sismulan na ang awwarding.
"We are giving awwards to the different clubs in our school. First we have, journalism awward, followed by the awwarding for the sports league, and lastly the three outstanding for the report presentation of our school." paalala ni Mrs. Sandoval, our school principal.
"For journalism awward, Dan Alarcon!" hindi pakapaniwalang mukha ang inilabas ni Dan nang tawagin ang kanyang pangalan.
"In the sports league, we have two in the taekwando, and three in thr basketball"
"For taekwando, Chelsea Elenn Cristobal and Shantel Rose Zamora. And for the basketball we have the team captain, Jordan Grei Colmenares, Joel Guzman, and Jope Bautista." .
"And to our three outstanding, Ella Joy Padilla, Allaire Jorrel Montes and Leijah Jamir Cruz" nasa stage na kami lahat-lahat na tinawag mula sa journalism awward, sports league, at ang three outstanding.
Nagsipalakpakan ang lahat ng estudyante, pati narin ang mga teachers, at school staffs. It is very overwhelming.
Sa pagbaba namin sa stage ay sinalubong agad si Allaire ng daddy nya. Yes, daddy nya lang. Siguro, yung mommy nya ang may galit sakanya.
Yumakap sya sa daddy nya at I can see that his dad is very proud of her. I wish i had a dad like him. I wish that....makasama kona ang daddy ko. How i wish.
"Ah, dad, This is my friend LJ." pagpapakilala nya sakin dun sa daddy nya. Naglahad si Mr. Montes ng kamay at kinuha ko din ang kamay nya. But, something wrong?
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, bakit parang ang tagal-tagal ko na syang kilala. Na para bang may malaking parte sya sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
News for Love (series #1)
RomanceIba-iba ang ating landas na tinatahak, katulad nalang ni Leijah Jamir Cruz na ang pangarap ay maging isang reporter. Pero, sa kanyang paglalakbay tungo sa kanyang kinabukasan ay may kaakibat na pag-ibig. May patutunguhan kaya ito? o mawawasak lang d...