CHAPTER 06

4 2 0
                                    

"Ay kaloka! Bakit parang ang ganda ng araw mo today LJ? May bago kabang concealer na ginamit sa feslak mo?" bulyaw saakin ni Deiah. Kanina pa kasi ako nakatunganga. Snack time/recess ngayon at nag ikot-ikot na muna kami dito sa school.


"Bakit? Bawal ba maging masaya?" ako.

"Hindi naman sa ganon, pero ang weird mo! Kahapon lang ang tamlay mo tas nag video call tayo sa gabi ang fresh mo na! Nadiligan kana ba girl?" hinampas ko si Chel. Ang laswa talaga neto!

"Huy! Wag ka namang ganyan Chel, baka hindi natin alam may honeybunch na pala tong kaibigan natin. Jusko!" ang oa din talaga nktong si Deiah.

Binuksan ni Chel ang cellphone nya at para bang end of the world na dahil sa ekspresyon nya.

"nyare?" tanong ko sakanya.

"OMG" tanging lumabas sa bibig nya at ipinakita ang cellphone nya saamin.

Zadius M.
-It's nice being with you here, in the dalampasigan

Nag-post si Zade ng picture ng sunset kahapon....at nakatalikod ako! Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi dahil sa kilig, kaba ang lumalamon saakin! Baka makilala nila ako, magtampo na naman si Deiah saakin! Crush oa naman nya yun.


"Omayghaad! Who's that girl?!" Deiah exaggerated.

"Bhie! Baka girlfriend nya!" chel.


Nanatili lang akong tahimik at walang kibo. Ano ba dapat ang sabihin ko? Sabihin kong ako yun? Kung sasabihin ko yun, magkakaroon talaga ng world war 3.


"bakit wala kang kibo dyan teh?" tanong ni Deiah saakin.



"Cr lang ako. Medyo masakit ang tyan ko eh." sinungaling.


"Sige, pero kung sumakit pa, tawagan molang kami. May oil ako." napaka maalalahanin talaga nitong si chel.


"Sige na, aalis na ako" iniwan ko sila at dumiretso sa cubicle para pakalmahin ang sarili ko.


Naghilamos ako para ma-ignore ko ang happiness attack ko.


"LJ, tama na. Friendly post lang yun. Wala yun." kausap ko ang sarili ko sa salamin. Luckily, walang tao dito kung hindi ako lang.


"Ano kaba! Hindi ka nya gusto. At hinding-hindi ka nya magugustuhan. Mataas standard non. Di moyun maaabot." sometimes i make myself bitter para hindi ako maging tanga at mag assume ulit.


Lumabas na ako sa cubicle at pumunta na muna ako sa library. Library makes me calm down from the heavy flows of schoolworks. Iy's my comfort zone.

Walang masyadong estudyante sa library at kumuha ako ng book at umupo sa table malapit sa air conditioner namin. Deserve ko to noh!


"Leej, pwede umupo?" tanong saakin ng isang lalaki. Matangkad, gwapo, mestizo.


"Sure Dan" sagot ko naman at umupo na sya sa upuan. Opposite ang table na inuupuan namin, at  magkaharap kami ngayon.



-Nics🤞

-iklian natin ng kunti. HIHIHI

News for Love (series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon