CHAPTER 15

4 2 0
                                    

Nasa labas na ako sa boarding house. Bakit wala parin sya? Seven-thirty usapan diba? Sabi pa nya sa 'kin na susunduin nya ako rito.

Mag-aabang na sana ako ng taxi, ng biglang may pumaradang puting kotse sa harapan ko.

"Zade?" tanong ko ng biglang bumukas ang pinto sa driver's seat. Si Zade nga

"Hello princess." pinagbuksan nya ako ng pinto sa shotgun seat. Aba, sosyal at gentleman pa!

"Wow ha, may pabukas-bukas kapa ng pinto ha. Sosyal naman ni boss." kutya ko.

"Gentleman lang. Okay kana? Alis na tayo?" tanong nya at tumango ako.

"Sige"

------

"Sarap dito ah" Komento ko sa nakain namin. Sa totoo lang, wala talaga akong malasahan. Siguro iba ang dila ng mga mahihirap na kagaya ko, at ang dila ng mga mayayaman tulad ni Zade.

"Yeah, masarap talaga dito. I'm full now," hinihimas nya ang kanyang tyan. "Ikaw ba? Nabusog ka?" Tanong nya sa 'kin.

"Ah, Oo naman. Sarap nga eh" atleast magaganda ang sagot ko, hindi nga lang totoo.

"Dapat siguro parati tayo rito pag magde-date tayo" hindi. Hindi magandang ideya 'yang sinasabi mo Zade! Sana pala naging honest nalang ako kanina

Wait, did he mention 'pag magde-date'? Oh my god, are we like dating or something?

"P-pag magde-date? Ha?" Hindi ko alam anong sasabihin ko, hindi ko rin kasi maintindihan eh.

"Oo, 'di ba I'm courting you?" nanlamig ako at bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa tyan ko dahil sa sinabi nya.

Courting? As in ligaw? Seryoso ba sya? Ano ba 'yan! Masyado nya naman akong pine-pressure nito!

"Oo, ligaw. Bakit? Hindi ba pwede?" sumipsip sya sa kanyang wine.

"H-hindi naman sa ganon. Pero nakakagulat lang kasi 'yung parang ang dali" Sana naintindihan nya ang mga sinasabi ko..

"Hey, that's okay. And If I'm making you nervous or pressured, please don't feel that way. Hihintayin ko naman ang matamis mong Oo, hihintayin kita, hanggang sa maging handa ka" hinawakan nya ang mga kamay ko.

With his words, I feel so assured that he will never do something that will make me hate him.

"Salamat Zade." 

-------

"What's that thing?" Tanong nya ng kainin ko ang isaw. Sosyal naman ng lalaking 'to!

"This is Isaw" Pinakilala ko sakanya ang kinakain ko. "This is made up with a chicken intestine."

"Yuck. And that's not healthy you know. Ang dumi kaya ng bituka ng manok-"

"Hoy! Grabe ka naman! Kung makapanglait ka, malinis 'to 'no! Nililinisan 'to ng maayos! Atsaka, hindi naman dapat palagi lang steak o ano mang sosyal na pagkain ang kinakain mo!" Depensa ko.

"You should just admit earlier that you didn't like the food we ate."

"At kung inamin ko 'yun, saan mo ako balak dalhin? Sa iba pang sosyal na restaurant? Ay no!"

"There's always a twenty-four hour fast food chain-"

"Dadalhin parin kita dito. Kahit favorite ko si jollibee"

"Ang mabuti pa, tikman mo 'tong Isaw. Sorry ah, isaw lang inorder ko, ito lang kasi kinakain ko pag pumupunta kami ni mama rito. Favorite ko kasi to e"

Sinubo ko ang isang stick ng isaw. Sana magustuhan nya. Nginuya-nguya nya at parang iniisip pa kung ano ang magiging reaksyon nya sa nakain nya.

"Not bad." Komento nya. Sabi ko na nga ba e!

"Sus! Aminin mo na kasi, masarap 'no? May pa not bad, not bad kapang nalalaman dyan!" Kumain ako ulit. Nagulat ako ng kumuha sya ng isang stick at kumain.

"See? No one can resist the taste of isaw" Sabi ko.

-----

"This iced tea is a masterpiece LJ!" Ang O.A talaga ng lalaking 'to.

"Oa mo ah. Pero nabusog kaba?" Tanong ko sakanya. Siguro busog na busog 'tong taong 'to.

"I'm full ten times kanina sa restaurant" Natawa ako sa sinabi nya. Meaning ba no'n hindi din sya nabusog 'dun sa restaurant?

"let me guess, hindi ka din nabusog kanina sa restaurant?" Tanong ko.

"Oo" Natawa kami pareho. "But that restaurant is still my favorite, my ninang own's that. At siguro dala ng magkaibigan sila ni mama, nasanay na ako dun"

News for Love (series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon