Chapter 15

14 4 0
                                    

Habang nag-aalmusal kami ng aking mga magulang isang umaga, hindi ko mapigilan ang excitement sa aking boses habang sinasabi ko sa kanila ang tungkol sa gig ng banda namin, ang Ethereal Echoes, ngayong darating na Linggo.

“Mom, Dad,” sabi ko, halos nanginginig sa kasabikan, “may gig kami ng banda ko sa Linggo!”

Napatingin sila sa akin, kita ang pinaghalong gulat at tuwa sa kanilang mga mata. “Oh, really?” tanong ni Mommy, isang ngiti ang sumilay sa kanyang mukha. “Saan gaganapin?”

“Sa local café lang dito sa atin,” sagot ko. “Pero malaking bagay ito para sa amin. First gig namin as a band, and we’ve been practicing really hard for this.”

Tumango si Daddy, halatang proud na proud. “You know, Marguerite, simula pa lang nung nag-umpisa kang mag-gitara, alam naming may kakaibang talento ka. Hindi lang kami naging mabuti at responsible parents no'ng mga panahong pinipigilan ka namin. But now, gusto naming makita at marinig kung gaano ka na kahusay.”

My heart swelled with happiness at their words. “So, are you guys going?” I asked, almost holding my breath.

“Of course, hija,” sabi ni Mommy. “We wouldn’t miss it for the world. We’re so proud of you, and we want to support you and your band.”

“Thank you so much, Mom, Dad” sabi ko, hindi mapigilan ang ngiti sa aking mga labi. “It means a lot to me that you’ll be there.”

Habang patuloy kaming nag-uusap tungkol sa gig at sa mga plano ng banda, hindi ko mapigilan ang pakiramdam ng kasiyahan at pagmamahal sa suporta ng aking mga magulang. Knowing they would be there, cheering us on, gave me a sense of confidence and motivation. I was more determined than ever to give my best performance, not just for myself and my bandmates, but for my parents who believed in me every step of the way.

Sa rehearsal namin isang hapon, naisipan naming tugtugin ang "You're Still The One." Nakasabit sa balikat ko ang pink kong gitara, at ramdam ko ang excitement na kumakabog sa aking dibdib.

“Ready, guys?” tanong ko, tingnan ang bawat isa sa kanila.

“Let’s do this,” sagot ni Zavier, ngumiti siya akin bago nagsimula mag-strum sa kanyang gitara.

Nagsimula na akong tumugtog, ang mga daliri ko sanay na sa bawat nota ng kanta. Habang kumakanta ako, naramdaman ko ang lahat ng pinaghirapan namin sa bawat practice session. Then, Zavier joined in, his voice blending harmoniously with mine.

“You're still the one I run to, the one that I belong to,” kinakanta ko, damang-dama ang bawat lyrics.

Habang kumakanta kami, napansin kong tinitingnan ako ni Zavier, ang kanyang mga mata nakatutok sa akin, tila ba may gustong sabihin. His gaze was so intense, it made my heart skip a beat. Parang biglang bumagal ang mundo, at sa sandaling iyon na para bang kami lang dalawa ang naroon.

“Still the one I want for life,” sabay naming kanta, and his eyes never left mine. Ramdam ko ang bawat pintig ng aking puso, tumitibok ito nang mabilis habang tinitingnan niya ako. Parang may sariling buhay ang aking mga emosyon at tila nagkakagulo sa loob ko.

In that slow-motion moment, everything else faded away. Ang mga tunog ng gitara, ang mga kanta ng aming mga ka-banda, lahat ng iyon ay naglaho. Ang natitira lang ay ang koneksyon naming dalawa ni Zavier, isang di-maipaliwanag na damdamin na nag-uugnay sa amin.

As the song came to a close, my voice trembled slightly, overwhelmed by the intensity of the moment. Natapos ang kanta, at bumalik ang mundo sa normal na bilis. Nakangiti si Zavier, at may kakaibang liwanag sa kanyang mga mata.

“Great job, everyone,” sabi ni Zavier, pero ramdam ko ang bigat ng kanyang titig sa akin. Hindi ko mapigilang ngumiti pabalik, kahit na ang puso ko ay nagwawala pa rin sa loob ng aking dibdib.

Melodies Of The Heart (Completed)Where stories live. Discover now