Chapter 10

2 0 0
                                    

Chapter 10

Nagising ako sa hindi pamilyar na silid. But the scent of the surroundings are familiar to me.

My eyes stings from the ray of light.

"Queen." Gulat akong napabalikwas at kinuwelyuhan ang lalaking lumapit.

I saw Aragorn. I sighed in relief and rested my head on his chest.

If only I could just fall for this guy, maybe it wouldn't hurt this much.

"What happened?" I asked them after I calmed myself.

"You're drugged. According to the doctor. The drug caused you severe pain in your heart." Ani Jaero na ikinagulat ko ng sobra.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi n'ya.

"Paano?" Tanong ko sa kanila. Silang dalawa lang ang nasa loob ng kwarto.

"I saw you lying on your room's floor. Alam kong may mali kaya sinabihan ko agad si Aragorn." Paliwanag n'ya.

"Who did this?" I asked him, feeling a rising anger inside of me.

"The footage skipped a minute. I couldn't recover the clip." Ani Jaero.

"Kaya hindi namin matukoy kung sino ang may gawa. Pero alam naman natin lahat kung sino ang kasama mo. Isa sa kanila ang paniguradong may gawa." Dagdag n'ya.

O pwede namang silang dalawa.

I looked at Aragorn.

"Kai was the one who brought you here." He said. Natigilan ako sa sinabi n'ya.

"Where is he, then?" I asked.

"Lumabas s'ya saglit. Hindi ko alam kung saan pupunta."

Baka maghuhugas-kamay. O maglilinis.

Agad n'ya akong nahanap dahil alam n'ya ang mangyayari. Hindi na ako magtataka kung s'ya ang naglagay ng gamot sa pagkain o inumin ko. At si Ken naman ang nag asikaso ng CCTV footage.

I was about to tell them something when the door opened.

Kai entered the room.

Nagtama ang paningin naming dalawa. He's holding a paper bag with the logo of my favourite  fast food chain.

"I, uhh..." Aniya at lumapit.

"I bought you food. I know you're hungry." Aniya.

"Wala ba 'tong gamot?" Tanong ni Jaero at kinuha ang paper bag mula sa lalaki.

Kumunot ang noo ni Kai like as if asking him what the fuck is he talking about.

I smirked inwardly.

Ilang beses ba ako dapat masampal ng katotohanang hindi na s'ya gaya ng dati bago ako tumigil sa kakaisip na baka bumalik s'ya kalaunan.

After 11 years, Ryll. Hindi s'ya bumalik nung kailangan mo s'ya. Bakit umaasa ka ngayon? May Trisha s'ya. Sa babaeng yun s'ya bumalik at hindi sayo.

Ngayon ay balak ka pa nilang patayin.

Iniwas ko sa kanilang lahat ang tingin ko dahil nagbabadya na ang luha sa mga mata ko.

Mauulit na naman ba?

Hanggat maaari, ayokong magalit. Dahil alam ko sa sarili ko na makakagawa ako ng mga hindi dapat.

Naalala ko ang lahat ng sinabi n'ya matapos naming magkita. Lahat ng ginawa n'ya. Pinaramdam n'ya sa akin na gusto n'ya ulit sa akin. Pinaramdam n'ya na may pag asa ulit.

Pero tangina, may Trisha s'ya.

Lahat ba yun ay paraan n'ya para makuhang muli ang loob ko? Para mapaikot ako? Para paniwalain ako ulit?

I Am The QueenWhere stories live. Discover now