Chapter 5

4 0 0
                                    

Chapter 5

"Hush. I'm sorry, I'm not gonna disobey you anymore. I promise." Aniya.

Kumalas ako sa yakap n'ya at pinunasan gamit ang bulak na may alcohol ang gilid ng sugat nya.

Malalim iyon at nag aalala ako dahil baka may naabot na organ. Hindi din basta tumigil ang pagdurugo.

Binendahan ko iyon matapos kong linisan.

Pagkatapos ay mabilis akong nagmaneho pauwi sa mansion.

Hindi ko s'ya nilingon man lang nang makapasok sa sala samantalang sinalubong naman sya ni Ken at kinamusta.

Kinalma ko ang sarili ko sa loob ng silid at napagpasyahang hindi muna magpapasok ng kung sino.

Besides, my room is more like a condominium. Kahit isang buwan akong hindi lumabas ay ayos lang. May sariling kitchen at stocks ako dito. If anything went wrong, they can just call me or knock on my door.

And in times like this, my boys knew that they have to distance themselves for a while.

Kalaunan ay tumawag ang dalawa kong kaibigan.

"Hi, Ryll! Hi, Jissa!" Bati ni Denise sa aming dalawa. Naka bathrobe lamang s'ya at nagb-blowdry ng buhok. Sa likod n'ya ay nakita ko ang naka topless n'yang asawa na may hawak na long sleeve at neck tie.

"Sa'n ang punta nyo?" Casual na tanong ni Jessa. Nakahiga s'ya sa kama at nakayakap sa kanya ang natutulog n'yang asawa.

"Anniversary kasi ng company. Syempre need namin pumunta do'n." Sagot ni Denise.

Nakarinig ako ng ingay sa line ni Jessa dahilan ng pagbaling ko sa kanya. Gising na ang asawa ng babae.

"Good afternoon, Wifey." Malambing na ani Jessa sa asawa bago ito hinalikan sa labi.

"Wife, patulong ako dito." Narinig kong ani Kit kaya sa kanila naman ako bumaling. Nagpapatulong s'ya sa pag tali ng kanyang necktie.

"You're already 28 hindi mo pa din kaya gawin 'to mag isa." Nakangusong saad ni Denise. Kit kissed her lips.

"Thank goodness I have a beautiful wife. I don't need to learn how to tie this shit." Nakangising ani Kit.

"Your words!" Reklamo ni Denise.

I made a poker face.

"Salamat sa pagpapaalala na wala akong asawa." Sarkastikong ani ko sa dalawa.

Jess threw a harsh bark of laughter while Denise giggled.

Umirap ako.

"Tumawag talaga kami para i-encourage ka nang mag asawa." Natatawang ani Jessa.

"Uy, speaking of asawa." Ani Denise at umayos na ng upo. Ngayon naman ay nagkukulot sya ng tips ng buhok n'ya.

Salamat naman at nawala na ang asawa n'ya. Baka naman sa susunod pagsi-sex na nila ang makita ko, bigla akong magpabottom sa bar.

Jesting aside.

"Kamusta? Sumunod ba sayo si Justine?" Inosenteng tanong ni Denise na ikinapikit ko.

Hanggat maaari sana ay ayaw kong banggitin ito sa harap ni Jessa dahil alam kong mababanas na naman ito.

"Justine?" Kunot noong tanong ni Jessa.

Sabi ko na nga ba.

I faced my palm and massaged the bridge of my nose.

"Nagkita kayo?" Iritadong ani Jessa na parang tinraydor.

"Uy, oo, 'te! Kagabi kasi 'di ba hinatid ako ni Ryll sa bahay? Tapos 'di ko naman alam na nando'n pala si Justine-"

"Anong ginagawa ng walang hiyang 'yon dun?" Taas kilay na ani Jessa.

Nanahimik na lang ako.

"Eh, bumisita s'ya kay darling. Hehe."

"Oh, tapos?"

"Tapos yun na nga, syempre na-shock din ako, 'te kasi after all those years makikita ko pa yun! Tsaka in fairness, girl, ang laki na ng katawan n'ya! 'Di ba mahilig ka dun, Ryll? Ano? Binottom ka na ba?" Nakangising ani Denise.

"What the fuck?" I mouthed.

"What?!" Eksaheradang ani Jessa.

"Huy, 'te, kung andon ka lang mararamdaman mo yung kakaibang atmosphere dun kagabi. Parang nostalgia: two lovers met again after a long long years living their lives separately." Ramdam kong si Denise lang ang nagi-enjoy sa kwento n'ya dahil si Jessa ay masama na ang tingin sa screen.

"Kung nando'n ako ay jinombag ko na ang kutong lupang 'yon!"

"Ay, sadista si ate ko." Ani Denise at tumawa pa.

Napailing na lamang ako.

"Bakit hindi n'yo sinabi sakin?!" Iritadong aniya.

"Marami lang nangyari kaya-" hindi n'ya ako pinatapos.

"Ano? Nagpakarupok ka na naman at tinanggap na naman s'ya? After what he did?"

"Kumalma ka, wifey. Ano ba meron at nagagalit ka? Sino kausap mo?" Narinig kong tanong ng asawa ni Jessa.

I sighed.

"So ano, 'te? Kayo na ulit?" Tanong ni Denise.

I remembered how that fucktard disobeyed me causing me to roll my eyes.

"Pinagsasabi mo, Denise?" Kunot noong tanong ko.

"Ay! Akala ko matutuloy na ang naudlot n'yong pag-iibigan." Aniya at nagngiting aso pa.

"Anong matutuloy? Habang buhay pa ako, hindi yan matutuloy!" Masungit na ani Jessa bago pinatay ang tawag.

Natawa si Denise.

"Mas affected pa si Jessa sayo e, 'no?" Aniya. Ngumiti na lang ako.

"Anong ganap kagabi?" Tanong n'ya habang naglalagay ng spray net.

"Nothing much." Sagot ko na lang.

"Hindi mo pa kami dinadala sa house mo. Gusto ko na makita yan." Aniya at ngumuso.

Tumikhim ako.

Hindi pwede. Hindi nila alam ang nangyari sa buhay ko. Hindi nila alam kung gaano ka-delikado. At ayoko din naman na mapahamak sila kaya mas mabuting h'wag na nilang malaman.

"Next time."

Kalaunan ay nagpaalam na din s'ya dahil malilate na daw sila.

I sighed and closed my eyes.

Siguro mas mainam nga talaga na hindi ako magpaapekto sa kahit na sino.

What I did earlier is so not me. It was doings of my old self. The younger version of me.

What if he wants to take away my organization? Paano kung bumalik lang s'ya dahil maayos na ang kalagayan ko? Paano kung nalaman n'ya na malakas ang familia na kinabibilangan ko kaya s'ya nagdesisyon na mag pakita at pumanig sa akin? Pagkatapos ay may balak s'yang traydurin at patayin ako...

Besides, Justine have changed a lot. He's way too different from the guy I met before. Everything about him changed. That sweet guy I fell in love with is long gone.

Sa ngayon, ang alam ko lang ay s'ya si Kai Tuazon. He is not my guy.

I didn't noticed that I fell asleep. Naalimpungatan na lamang ako dahil sa katok sa pinto.

It's 11 pm in the evening.

Kunot noo akong bumangon at dinampot ang baril sa gilid ng kama bago lumapit sa pinto at pinagbuksan ang kung sino mang kumakatok.

"Queen. My apologies for bothering you." Bungad sa akin ni Pierre.

"Anong meron?" My voice was a bit husky that I have to clear my throat.

He gulped.

"May naghahanap sayo. Sa labas." Aniya.

Sumunod ako sa kanya pababa.

Nang makita ko kung sino ang nasa sala na hindi mapakali na naghihintay sa akin, nangunot ang noo ko.

"What's the matter, Kit?"

I Am The QueenWhere stories live. Discover now